Share

Chapter 33

SERYOSO ang mukha ko habang pinagmamasdan si Kaiden at Bennett mula sa kusina. Nasa sala ang mga ito at nagtatawanan. Hindi pa rin ako makapaniwala sa sinabi ni Ate Rose na si Kaiden ang nakatira sa tapat namin. 

Mabilis na nangunot ang noo ko nang maalala ang lalaking nakasabay ko noong nakaraang gabi sa elevator. Hindi ko nakita ang mukha ng taong iyon pero napansin ko ang suot nito. At hindi ako pwedeng magkamali na siya ang lalaking nakatayo sa katapat na pinto nang gabing 'yon. 

Kung gano'n... Si Kaiden ang lalaking nakasabay ko sa elevator? Pero bakit hindi niya ako binati? O baka naman hindi niya rin napansin na ako 'yon?

Bumuga ako ng hangin at naglakad na palapit sa sala bitbit ang tray na naglalaman ng isang baso ng jui

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status