“Ma? Hello to my beautiful mother. Are you still with me?” Bumalik lang ako sa katinuan nang ang kaharap kong si Audrey ay kumakaway sa akin. “Parang ang lalim po ng iniisip mo kanina pa. What’s the matter, ma?”“Uh… it’s something… you don’t have to think about. Basta tapusin mo na muna ‘yang kinakain mo nang maka-diretsyo na tayo sa singing lesson mo. Okay?”Mula sa school niya ay didiretsyo na talaga dapat kami sa Bernard’s Singing Studio, e kaso itong si Audrey ay biglang pinahinto muna ‘yong sasakyan para kumain sa nadaanan naming karinderya.Nakipagtalo pa talaga ako sa kanya kung sure ba siyang sa gan’tong klaseng lugar kami kakain… e, kadalasan pa naman ng mga pagkain sa gan’tong kainan ay dinadapuan na agad ng langaw bago pa man makain ng customer.But then again… Audrey wins the battle against me.Kaya hinayaan ko na lang din siyang kumain, pero ako… hinding-hindi niya ako mapipilit na kumain sa gan’tong klaseng lugar.Galing ako sa hindi karangyaan na pamilya pero hindi nam
Hinayaan ko na lang din sa gusto niya si Liam. Habang wala pa naman sa bahay namin si Henrix, at si Audrey naman ay kaaalis lang ng bahay dahil sa kaklase niya siya mag-o-overnight para tapusin ang research paper daw nila, wala namang dahilan para kabahan ako if I ever let Liam enter our house.Nang mapanatag na rin ang kalooban niya, at the same time… in order for him to stop pestering me for thinking I’m his late wife… mainam nang dito pa lang, sa oras na hindi niya mahanap sa mga gamit ko ang damit na hinahanap niya, titigilan niya na ako.Because it so happened that the shirt he was looking for… was with Lucile. Noong nakaraang nagpasama ako sa kanya rito sa bahay noong sina Henrix at Audrey ay ginabi sa panonood ng concert ng SB19, wala akong kasama sa bahay. Si Henrix na rin ang nag-suggest na ayain ko raw na dito na sa bahay mag-overnight si Lucile nang may kasama naman ako.The morning before she’ll go to work, naligo siya, syempre… and I let her borrow our anniv shirt.Kaya w
Padabog siyang tumayo, na kaunting saling pa ay matutumba na ‘yong babasagin naming pitchel. “Ewan ko sa iyo, Kris. Hindi ko maintindihan kung bakit ipinasok mo pa sa usapan si Maui, and then ngayon sinasabi mong sinungaling siya. ‘Yong totoo, what’s happening to you?”“Sa atin…” A long sigh was heaved as I averted my gaze to him. “What’s happening to us? We’re able to make our attachment strong just now… and then… with your foolish heart ruling your mind and soul… sa kanya ka na naman bumabalik.”“I’m not seeing her anymore-”“Alam kong dati akong naging tanga! Kaya nga naimbento ‘yong salitang ‘pagbabago’ para ‘yong kagaya ko… maalala na may utak nga pala ako na available 24/7 para paganahin. Marunong na akong mag-isip ngayon, Hen! May mata rin ako. Malinaw pa ‘to sa grado ng salamin kaya kitang-kita ko na palihim kayong nag-de-date!”Imbes na masarap na putahe sana ang pagsasaluhin naming dalawa ngayong gabi, puro pa sama ng loob at kadramahan ko.Napuno na ako. Full storage na ‘yo
“Tama na nga siguro. Hindi na lang ako aasa, Lucile.” Nilunod ko ang sarili sa kakatungga ng dalawang pitchel na juice na inihanda sa akin ni Lucile nang makarating ako sa bahay niya. Wala raw siyang available na kahit anong alcoholic drinks kaya magtiis na lang daw muna ako sa orange juice niya, na mas maasim pa sa putok niya sa kili-kili. “Ako rin kasi ‘yong mali. Malinaw naman ‘yong kasunduan naming dalawa na wala dapat attachment na magaganap. In the first place, both of our sides have understood that this setup is just for pretending.”“Nilinaw niya sa akin na hihiramin ko lang ‘yong identity ng kapatid ko in preparation for this day—that I would have the chance to meet Liam again and he wouldn’t find that I am still alive.” “Malinaw naman sa utak ko ang lahat. Alam ko naman kung saan ako lulugar… not until my foolish heart rule my whole system… at nahulog ako… kahit na alam ko namang sa kabila ng mabubulaklak niyang mga salita, to catch me if I fall do not belong in his optio
“Bakit naman ayaw mong payagan ‘yong anak mo, Miss Gwen? Too afraid of the toxicity the showbiz industry may bring to your daughter’s life?” “Hindi ko siya pinagbabawalan kasi gusto ko lang. I have my own reason-”“Ahh. Sayang. Ang ganda pa sanang opportunity kung pinayagan mo ‘yong anak mo… because as for me… magki-click sila ni Sarah once they met on showbiz. Child actress kasi ang anak ko noon pa.”“Well… I just wanna share.” And Liam just stated the exact reason why I always forbid Audrey to take part on showbiz. Ayokong magkrus ang landas nilang dalawa, magkagaanan ng loob, maging malapit na magkaibigan… hanggang sa maging daan ‘yong koneksyon no’ng dalawa to unravel the secrets I have been protected over the years behind.Ayokong maging ugat pa si Sarah para ilapit niya ang anak ko sa tunay nitong ama. No. I can’t let that happen.Kaya kahit gustong-gusto ko na ring lapitan si Sarah, kausapin at mag-sorry dahil hindi ko siya naisama noong gabing ‘yon, tiniis kong hindi gawin.
“Cut!”“I-cut n’yo muna.” Lumapit ako sa model kong si Lea.Syempre para sermunan.“I’m not liking your pose, Lea. Swimwear ang imino-model mo, hindi damit pang-patay, okay? Kailangan i-advertise mo ‘yan, even if you have to be seductive in the camera. Ang laki ng hinaharap mo. Ang linis din ng v area mo. Use your assets to attract whoever will see these photos and advertisements of you.”Favor naman sa akin na hindi ayusin ni Lea ‘yong pag-posing niya. Ang problema nga lang, unexpected na bumisita na naman sa set si Liam. So, kailangan kong magpanggap na ginagawa ng team namin ang best namin to help his business.Ang usapan kasi ay twice a week lang siya tutungo rito. Mukhang nasasarapan sa pagdalaw, e.“I-demo mo ‘yong gagawin niya, Miss Gwen. Lea’s just a first timer, so I think she’s having a hard time coping with her setup now,” suhestyon ng photographer.“Ako? Bakit ako?”“Ipakita mo sa model natin ‘yong pose na gusto mong makita sa kanya.”Napuno ng question marks ang itaas ng
“You think Henrix is cheating on you?”“Why not?” mabilis kong tugon. “Pangit o may itsura, nagloloko. Walang pinipili basta tinamaan ng tukso-”“I think mamaya na natin ito pag-usapan.” He pushed me away from him, and then wore his coat. “Kailangan na ako roon para i-perform ang operation for transplanting. Hindi na kita masasamahan, Maui. I’m so sorry.”“Okay lang. Ingat ka.”Nanigas ako lalo sa kinauupuan ko nang iwan ako ni Henrix nang wala man lang goodbye kiss.Tapos si Maui, mayroon. Right in front of me, he kissed Maui’s forehead.Ang cute naman ng friendship nilang dalawa. Ang sweet.“Wala ‘yong malisya, Gwen-”“Sinabi ko bang mayroon?” Kinain na naman ng selos ang katawan ko kaya umandar na naman ang pagiging rude ko.“Anyway… I’m not actually busy at this hour. Gusto mong ako na lang ang sumama sa iyo sa OB Gyne mo?”“Okay lang?”“Yeah. On behalf of Henrix, ako na lang.” And I also insisted on paying the bills for our meals before we left the place.*****“The baby is very
“Anong nangyayari dito?”Naabutan ko ang dressing room nina Corrine, Echo, at ang bisita namin from Beatz Music na si Tanya na nagkakagulo. Ang mga staffs ay mga aligaga kung ano ba ang kukunin nila—because the three artists are squirming in abdominal pains right now.“Ma’am, buti dumating ka na po. Nitong tanghalian po kasi ay dumating ‘yong in-order po naming foods para po sa lunch nina Miss Corrine. And then in just twenty or thirty minutes, sunod-sunod na po silang sumasakit ang tiyan.” Hindi mapakali sa pagpapaliwanag sa akin itong PA ata ni Corrine.“Si Miss Tanya nga po, nagsuka pa,” turo niya roon sa mga staffs na abalang nililinis ‘yong area na siguro ay sinukahan ni Tanya.“E, bakit n’yo pa ako hinintay? Bakit hindi n’yo agad isugod sa ospital ‘yang mga ‘yan? Baka kung napa’no na sila.”“W-We’re waiting for your signal, ma’am. Kaya sabi ko po-”“Ikaw ang nagsabi sa kanilang hintayin ako, Melanie? Putangina, mamamatay na sa sakit ng tiyan ‘yong mga artista ko, talagang hinint