Share

Chapter 36. It's Love At First Sight

Sa loob ng sasakyan ni Bryan ay mahimbing na natutulog si Mitch habang patungo sila sa hotel na tinutuluyan nito. Sumusulyap siya kay Mitch ang amo ng mukha nito kapag natutulog ngunit parang isang mabangis na pusa naman kapag nasa katinuan. Natawa siya ng mahina sa kanyang iniisip.

“What a sweet kitten.” Bulong ni Bryan at hinaplos ang pisngi ni Mitch.

Nakarating na sila sa parking lot ng hotel ngunit natutulog pa rin si Mitch. Sinubukan siyang gisingin ni Bryan. Tinapik niya ito sa balikat upang magising.

“Mitch, wake up nandito na tayo,” gising ni Bryan sa kanya.

“Uhmm..” Sambit ni Mitch ngunit tulog pa rin ito.

Wala ng nagawa si Bryan binuhat niya si Mitch sa kanyang matipunong mga bisig at pumasok na si Bryan sa loob ng elevator patungo sa kanyang tinutuluyang kwarto. Ilang minuto ang lumipas at nasa loob na sila ng silid ni Bryan. Dahan-dahan siyang inihiga ni Bryan sa kama nito hindi napigilan ni Bryan ang kanyang sarili pinagmasdan niya ng mabuti ang magandang mukha ni Mitch.
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status