Share

Chapter 21: Awkward Feelings

Kirsten Encarlight 

Nagising ako nang maramdaman ko yung sinag ng araw mula sa balcony na tumatama sa mukha ko. Ang bigat ng pakiramdam ko. 

"Uy, gising na siya..." 

No'n ko lang napansin na nakayakap pa rin ng mahigpit sa'kin si Raijin magmula nang sumuko akong itulak ito. Gabuhok lang ang lapit ng mukha namin sa isa't isa. 

Minabuti kong iilag ang mukha ko sa kan'ya. Saka ko lang napansin ang mga malisyosong mata nina Trixie at Jacob na nakatuon sa'min. 

Malawak ang ngiti ng dalawa at hindi ako natutuwa sa mga oras na ito. 

Sinamaan ko sila ng tingin parehas. 

"Tulungan mo 'ko dito," saad ko kay Jacob. Pinigilan ito ni Trixie nang akma na itong lalapit sa'kin. 

Nanunukso na natatawa ang hitsura nina Jacob at Trixie. 

Mayamaya pa ay dumilat na ang mata ni Raijin. Nanlaki ang mga mata nito nang magtama ang tingin naming dalawa. 

Masama lang akong tumingin sa kan'ya

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status