Share

CHAPTER 3: KIDNAPPED

Cleonne’s POV

Ramdam ko ang panginginig ng buong katawan ko pagkababang-pagkababa ko pa lamang ng bus patungo sa lugar kung saan nakalibing si Riley. Hawak ko sa kanang kamay ko ang isang pumpon ng sunflowers para ibigay sa kanya.

Paborito niya kasi ang sunflowers noon pa man.

Muli akong huminga nang napakalalim bago ako nagpatuloy sa paglalakad hanggang sa makarating na rin ako sa gate. Mula roon ay tanaw ko na ang napakalawak na damuhan kung saan nakahimlay ang mga namayapa. Isang malakas na ihip ng hangin ang yumakap sa akin na tila ba nagw-welcome sa akin.

“Kaya mo iyan, Cley. Para kay Riley.” bulong ko pa sa sarili ko.

Inihakbang ko ang mga paa ko papasok sa loob ng gate na iyon.

Marami akong gustong sabihin kay Riley at marami rin akong dapat na ihingi ng tawad sa kanya. Limang taon ko siyang tinalikuran, limang taon akong nagpanggap na walang nangyari, kaya ngayon kailangan ko na siyang harapin.

Papasok na sana ako ng tuluyan, pero nabigla na lamang ako nang bigla na lamang may lalaking sumulpot mula sa likuran ko.

“S-Sino ho---

Bago pa man ako makapagtanong ay natakpan niya na ang ilong at bibig ko ng panyo na siyang naging dahilan upang tuluyan akong mawalan ng malay.

***

Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko. Inilibot ko ang paningin ko sa lugar na kinaroroonan ko at doon ko nalamang nasa ibang lugar ako. Naalala ko ang nangyari kanina nang papunta na sana ako sa libingan ni Riley.

Bigla na lamang may lalaking nagpaamoy sa akin ng isang panyo na siyang naging dahilan para mawalan ako ng malay.

“T-Teka, nasaan ako?” bulong ko sa sarili ko saka ako tumayo.

Isa iyong parang kwarto na halatang pagmamay-ari ng isang mayaman na tao. Lahat ng mga gamit ay halatang mamahalin at halos lahat din ay kulay black at grey. Tila ba kwarto ng isang lalaki.

 Kailangan kong makaalis dito bago pa ako makita ng lalaking nandukot sa akin kanina.

Dali-dali kong kinuha ang bag ko saka ako naglakad papunta sa may pintuan para lumabas sana pero nang sinubukan kong pihitin ang doorknob ay hindi ko mabuksan ang pinto. Sinubukan ko ring hanapin ang cellphone ko mula sa loob ng bag ko pero wala rin ito.

“This is what you’re looking for, right?”

Halos mapatalon ako mula sa kinatatayuan ko nang bigla na lamang may nagsalita mula sa likuran ko kaya naman kaagad akong umikot upang harapin siya para lamang makita ang isang napaka-gwapong lalaki sa harapan ko. Nakataas ang kanang kamay niyang may hawak ng cellphone ko at ang mga mata niya ay diretsong nakatingin sa akin habang nakakunot ang noo.

“S-Sino ka? B-Bakit ako nandito? B-Bahay mo ba ‘to? Anong gagawin mo sa akin? I-Isa ka bang mafia boss? A-Ako na ang magsasabi sa’yo mister, wala akong perang pambayad sa’yo.” Sunud-sunod kong sabi sa kanya.

Nakatitig lamang siya sa mukha ko nang wala man lang kaemo-emosyon sa mukha niya. “Cleonne Marie Deigmenn.”

“P-Paano mo nalaman ang pangalan ko?!”

Pilit kong inaalala kung saan ko nakita ang mukha niya dahil medyo pamilyar ito sa akin pero hindi ko talaga alam kung saan ko siya nakita noon.

Maya-maya ay bigla siyang naglakad palapit sa akin kaya naman kaagad akong napaatras hanggang sa mapasandal ako sa may pintuan.

“I know we haven’t met before, but my fiancée used to tell me so many things about you.” aniya.

Napakunot ako ng noo. “Fiancee? T-Teka, sino ka ba talaga?”

“You flew to Australia five years ago to forget about everything. Umalis ka dahil gusto mong takasan ang krimeng ginawa mo.”

Bigla na lamang bumilis ang tibok ng puso ko.

Paano niya nalaman iyon?

Sino ba siya?

“S-Sino—

“Riley Sandoval, can you still remember her?” mapakla siyang tumawa. “Right, I bet hindi na. Dahil iyon nga ang dahilan kung bakit ka umalis, para takasan ang kasalanang ginawa mo, para takbuhan ang krimeng ginawa mo kay Riley!’

Doon bumalik sa alaala ko ang lahat.

Hindi ako maaaring magkamali… siya si….

“A-Ashton..” naibulong ko habang nakatingin sa kanya.

Siya ang ex-fiance ni Riley noon na parati niyang ikinukwento sa akin. Never pa kaming nagkita noon dahil parati rin siyang ibasa base kay Riley at noong araw na naaksidente kaming dalawa ni Riley, iyon sana ang araw na ipakikilala niya ako sa kanya.

“Riley died because of you, you were there when she died, you were even the one who was driving the car so how come Riley was the one who died?!” buong lakas niyang sigaw sa akin.

Hindi ako makapagsalita. Nakatingin lamang ako sa kanya, kitang-kita ko ang galit at poot mula sa mga mata niya.

“Then you flew to Australia for what? To escape?! You’re thinking that we’re just going to forget everything?!!”

“A-Ashton…” ramdam ko na ang pangingilid ng luha mula sa mga mata ko.

Buong akala ko, lahat kami ay naka-move on na sa nangyari. Buong akala ko magiging ayos na ang lahat, pero mali pala ako. Bakit nga ba hindi ko siya naisip? Bakit hindi ko naisip na may isang taong pinakamasasaktan?

“I already gave you five years, Cleonne. Pinagbigyan lang kita nang magpunta ka sa Australia para mag-aral pero ngayon, ngayong nandito ka na ulit, sisiguraduhin kong pagbabayaran mo ang lahat ng ginawa mo kay Riley.”

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status