_One Week Later_"Vin requested to adjust your wedding date, may importante lang daw siyang aasikasuhin," imporma ni Frederico sa apo.Tahimik lang na nag-ta-type sa harap ng laptop si Cally habang kasalukuyan silang nasa may garden at nagpapahangin. Ngunit sa katunayan masama ang loob niya sa binata dahil matapos nang gabing nagtapat siya rito ay 'yun na rin ang huli nila naging pagkikita.Kahit text o tawag ay hindi man lang ito nagpaparamdam sa kanya at may isang linggo na rin simula nang huli silang magkitang dalawa."Cally, narinig mo ba 'ko?" kunot noong tanong ni Fredrico dahil parang wala siyang kausap."Yeah, I heard you," tipid na sagot ni Cally habang patuloy lang siya sa kanyang ginagawa."May problema ba kayo ni Vin, hija? Nag-away ba kayo?" tanong muli ng matanda ngunit umiling lamang ito."No, we didn't fight, wala lang akong balita sa kanya," sagot ni Cally sabay huminto na muna siya at isinara ang kanyang laptop saka niya hinarap ang kanyang Lolo.Napaawang naman ang
Tumigil sila sa tapat ng malaking lumang mansion, nagtaka si Cally nang may makita siyang mga mga construction workers na tila ni-re-renovate ang buong lugar."It looks like they are renovating the whole mansion," wala sa loob na sabi ni Cally habang nakatanaw sa mga trabahador."Muka nga Ma'am," pagsangayon ni Ryan.Bumaba na sila buhat ng sasakyan at nilapitan ang isang lalaking nagtatrabaho at abala sa paghahalo ng semento para itanong kung nasaan si Vin."Boss, nandito ba si Vin?" tanong ni Ryan sa lalaki kaya napaangat ng tingin ang mga ito sa kanila."Ah, si Sir Vin po ba, nasa loob po siya," sagot ng isang lalaki kaya tinanguan na lamang nila ito.Dire-diretsong na silang pumasok sa loob at bumungad sa kanila ang maganda at malinis na interior na halatang kaaayos lang. Ang mga gamit ay nakatakip pa ng mga puting tela pero ang mga mata ni Cally ay tanging si Vin lang ang hinahanap.Sakto namang pababa na ng hagdanan si Vin habang may hawak na laptop. Nakatutok ang atensyon niya
"Tanggap mo 'kong ganito? Hindi ka ba natatakot?" tanong ni Vin habang nakatingin siya sa kamay niyang hawak pa rin nito."You're the first man that accepted all my flaws, aside from my grandpa, and now, why would I stay away from you just because you have a mental illness?" tanong din ni Cally na parang hindi ito big deal sa kanya."Natatakot akong masaktan kita," sagot ni Vin na tila fustrated sabay napahilamos gamit ang isa niyang palad."Dahil lang natatakot ka, lalayo ka na? How about your promises? Wala ka na bang balak tuparin?" magkakasunod na tanong muli ni Cally habang naniningkit ang kanyang mga matang nakatingin dito.Hindi makapagsalita si Vin dahil ayon talaga ang balak niya, ang lumayo. Ngunit dahil sa nangyayari ngayon mukang malabo nang magawa niya 'yon dahil ito na mismo ang pumipigil sa kanya."Tama nga ako, you're planning to distance yourself from me. Kung kailan hulog na 'ko sa 'yo saka ka lalayo sa 'kin? Patawa ka," sabi ni Cally sabay mapaklang tumawa.Huminga
"Gagabihin kayo sa pag-uwi," paalala ni Vin."Kaya nga, aalis na rin naman ako. Inalam ko lang talaga kung nasaang lulapalop ka bang nagpupupunta," sabi ni Cally dito sabay irap."Nagtatampo ka pa rin sa 'kin? Pinaliwanag ko naman kung bakit wala akong paramdam," sabi ng binata nang irapan siya nito."Hindi mo maiaalis sa 'kin ang mainis, balak mo pa atang i-ghost ako," singhal ng dalaga na ikinatawa nito ng pagak."Wala akong balak i-ghost ka at kung hindi man kita pakasalan, sasabihin ko naman," tila nangaasar na sabi ni Vin kaya sinamaan siya nito ng tingin."Gusto mo ako na mag-cancel para hindi ka na mahirapan?" sarkastikong ganti ni Cally na ikinaawang ng bibig nito."Nagbibiro lang naman ako, masiyado ka." Biglang bawi nito."Oh siya aalis na kami, nakakahiya kay Ryan baka naiinip na 'yon. Day off niya inabala ko lang siya para samahan ako papunta rito," paalam na ni Cally at akmang tatalikod na sana siya nang hawakan ni Vin ang kamay niya at ayon na naman ang pamilyar na pakira
"Ma'am Cally, nandito po si Sir Vin," imporma ng isang maid na si Gemai nang papasukin niya ito sa kanyang silid."Sabihin mo susunod na 'ko pakihintay niya na lang kamo ako sa living room," utos niya sa maid na ikinatango lang nito at lumabas na.Kasalukuyang siyang nakaharap sa malaking salamin habang pinagmamasdan ang sarili, naalala niya bigla ang sinabi nang secretary niya na nag-glow siya na parang isang bulaklak na bagong bukadkad.Ibang-iba na nga siya simula nang makilala niya si Vin, unti-unti na rin siyang natututo makitungo ng maayos sa iba hindi gaya noong palagi na lang siyang galit.Nang masigurado niyang maayos na ang kanyang itsura ay agad na siyang naglakad palabas ng silid at tumungo pababa sa living room na kinaroroonan ni Vin. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya sanay na tawagin itong boyfriend o 'di kaya'y nobyo dahil pakiramdam niya ay nabibilisan siya pangyayari pero anong magagawa niya kung damdamin niya na ang nagdidikta.Pababa pa lang siya ng hagdanan nang
"Ang tagal mo namang lumabas," inip na sabi ni Cally kay Vin na kalalabas lang ng mansion."May pinagusapan pa kami saglit ng Lolo mo," rason ni Vin kaya napabuga na lang ito ng hangin."Umalis na tayo," yakag na ni Cally kaya pinagbuksan na siya ni Vin ng pinto ng sasakyan sa tabi ng driver's seat ngunit papasok pa lang siya nang mapagtanto niyang iba na naman pala ang kulay ng sasakyang dala nito."Hindi naman halatang fan ka ng brand ng Lamborghini, 'no? Kasi iba na naman ang kulay nito, kulay green," puna ni Cally."Collectibles ko kasi sila, bata pa lang ako mahilig na talaga 'ko sa cars," sabi ni Vin na parang isa lamang iyong mga laruan sa kanya."Every day ka bang papalit-palit kung anong magustuhan mo gamitin?" curious na tanong ni Cally na ikinatango nito."Yes, depende sa mood," simpleng sagot nito."Ibang klase, may gintong kutsara ka na sa bibig since birth. Akalain mong nagpanggap ka lang na mahirap noong una makalapit lang sa 'kin," tila manghang sabi ni Cally na pagak n
Pagkapasok nina Vin at Cally sa loob ng shop ay agad na bumungad sa kanila ang mga staff suot ang disente at pormal nilang uniporme.May lumabas na isang binabae mula sa isang opisina at agad na umaliwas ang mukha nito nang makita sila."Good morning Sir Vin! Kay sarap mo namang bungad sa umaga," bati ng maharot na bakla na ikinatawa lang nila kahit si Cally ay natawa rin."Good morning Sasha," magiliw na bati rin ni Vin at halata sa kanyang sanay na sanay na siya sa presensya nito dahil nagawa pa niya itong yakapin na parang matagal na silang magkakilala."Ay! Ito na ba ang mapapangasawa mo? Ka-gandang babae! Bagay na bagay sa level ng kapogian mo Sir!" puri naman ni Sasha nang mapatingin siya sa gawi ni Cally."Hello, good morning. I'm Cally," pakilala ni Cally ng kanyang sarili sabay abot niya ng kamay rito upang makipag-shake hands at agad naman nitong tinanggap."Hello, Ma'am Cally. You're so beautiful naman po Ma'am, walang duda kaya kayo ang napili ni Sir kasi naman! Look at the
"Bihis na bihis kayo Lolo ah, saan ang punta?" tanong ni Cally nang maabutan niya ito sa living room habang nagbabasa ng magazine."May lakad kami ni Vin ngayon, hindi ba niya nasabi sa 'yo?" tanong ni Frederico na ipinagtaka ng dalaga."Wala naman siyang nababanggit kahit na magkasama kami kahapon," sagot ni Cally."Ngayon niya ako naisipang dalhin sa club na pagmamay-ari niya—este ng kaibigan niya para doon kami mag-golf," sabi ng matanda sabay napakamot sa ulo dahil ang alam niya ay hindi pa alam ng apo niya kung sino talaga ang binata."Alam ko na ang totoo Lolo, so stop denying it. Kay Vin na club 'yon hindi sa kaibigan niya," sabi ni Cally na ikinabigla nito."Alam mo na? Sinabi niya sa 'yo?" naguguluhan tanong ni Fredrico ngunit inilingan lang siya nito at bumuga ng hangin."I discovered it by myself, hindi naman ako mangmang para hindi mahalata kung anong meron sa lalaking 'yon, nakakatampo lang na sa inyo sinabi niya, sa akin hindi," sagot ni Cally sabay crossed arms."Ikaw na