KASALUKUYANG nag-iimpake ng mga gamit niya si Xander,nilalagay niya sa loob ng maleta di kalakihan. Natigil lamang siya sa ginagawa niya ng maramdaman niya na bumukas sumara ang dahon ng pinto. Kahit hindi niya na tapunan ng tingin ang bagong kakapasok lamang dito sa loob ng kwarto alam niya na si Martina, dahil naaamoy niya ang pabangong gamit ng babae.“Martina, aalis ako at hindi ko alam kung kailan ang balik ko.” Saglit niya tinapunan ng tingin si Martina na naupo ito sa gilid ng kama.Nilagay niya sa sulok ang maleta na kakatapos niya lang mag-impake ng kanyang mga gamit na dadalhin sa pag-alis niya. Hindi pumayag sina Calyx at Margaux na hindi makasama si Xander sa pagbalik nang mga ito sa Pilipinas. Pumayag naman siya na sumama dahil sa gusto niya pa rin makasama ang totoong pamilya niya. Naupo si Martina sa gilid ng kama, dumikuwatro ang dalawang binti ng babae nakamasid sa bawat kilos ni Xander. “Magtataka pa ba ako Andrie? Kung palagi kang wala!” Nangungutya anito.
“ANONG hindi ko nalalaman D?” pepeng tanong ni Xander sa sarili habang hatid ng tanaw niya si Dianna na mabilis ang bawat hakbang ng mga paa nito. Alam niya nasaktan niya si Dianna sa ginawa niya. Ngunit mas galit siya para sa sarili niya. Sa mga panahon lumipas ay umaasa pa rin siya sana sa muling pagtatagpo nila ni Dianna ay muli silang magkakaayos. Subalit hindi niya inaasahan ang natuklasan niya na meron namamagitan kay Dianna at Cm. Higit sa lahat nagkaroon pa ng anak ang mga ito. Hindi niya matanggap na sa dinami-dami ng mga lalaki kung bakit ang kakambal pa niya ang naging kaagaw niya sa nag-iisang babaeng minahal niya. Binalingan ni Xander ang gulong ng sasakyan, pinag sisipa niyon. Doon niya binunton ang galit naramdaman niya. Napagod siya sa pinaggagawa niya. Pumasok na rin siya sa loob ng kotse, sinimulan niya paganahin ang makina ng sasakyan. Pinasibad paalis sa direksiyon hindi siya tiyak kung saan patungo. “Great Cm! Fuck you Dianna!” sigaw niya sa loob ng sa
BUMUNGAD sa pang-amoy ni Xander nang pumasok siya ng kusina ang mabangong nilulutong pagkain. Nadatnan niya si Mommy Margaux na busy ito sa pakikipaglaban sa harap ng kalan. On hands ang kanilang ina pagdating sa mga pagkain nila. Lumapit siya sa ina na busy sa harap ng kalan, hindi yata napansin ang presinsiya niya. “Ma, marami yata kayong pagkain inihahanda?” hinalikan niya sa pisngi si Mommy Margaux. Maluwang na ngiti naman ang sumilay sa mga labi ng Ginang. “Kanina ka pa ba dumating?” Tanong nito na saglit lang siya pinasadahan ng tingin. “Kakarating ko lang, Ma. Maaga kasi natapos ‘yong meeting ko with clients.” Simula nang nakabalik na siya sa tunay niyang pamilya ay inalok siya ng kanyang Daddy Calyx na hawakan ang isang departmento ng Raider Company. Hindi niya naman inayawan bagkos buong puso niyang tinanggap. Atsaka pabor na rin sa kanya upang makasama ang buong pamilya niya, maliban na lang kay Cm na bumukod na ito kasama ang asawa si Nathalie. Gayon pa man p
“LET'S GET married sweetheart,” Ani Xander na hinahalik-halikan ang ulo ni Dianna. Habang nakayapos ng mahigpit ang mga braso nito sa beywang ng babae. Biglang napabalikwas si Dianna, naupo sa ibabaw ng kama atsaka humarap dito. Malungkot siyang tumingin kay Xander. “We can't, Xander.”Nakasalubong ang mga makapal na kilay ni Xander naging isang linya na lamang ang mga iyon. “Why? May problema ba, Sweetheart?” Nakaupo na rin ito paharap. Gusto niya ng maiinis sa lalaking kaharap, hindi niya lubos maisip kung nagmamaang-maangan lamang si Xander. Paano sila pagpapakasal gayon kasado ito kay Martina. “Xander, kasal kayo ni Martina!” paangil turan niya sa medyo may kalakasan boses dala na rin ng matinding pagseselos. Pagmamay-ari nga niya ang puso ni Xander ngunit may higit na mas nagmamay-ari sa lalaki. At hindi siya iyon. Tumawa si Xander na lalong ikinainis ni Dianna. Ipinukol niya ng matalim ng tingin. “Are you jealous?”“No!” mabilis niyang sagot. “Sige ka, ikaw rin
KASALUKUYAN nasa bansang Singapore si Xandy para sa malaking fashion show na gaganapin na sinalihan ng iba’t ibang modelo na nanggagaling sa iba’t ibang bahagi rin ng mundo. Malaking proyekto ang nasabing launching. Halos nanggagalaiti sa inis si Xandy pagkatapos niya makipag-usap sa kabilang linya ng cellphone niya. Sinabi ng kausap na hindi siya maaaring sunduin ng service car ng AMREY MODELING INC. ang kompanyang may hawak sa kanya. May ibang sinundo ang driver at hindi pa rin ito nakabalik. Malalaki ang bawat hakbang ng mga paa ni Xandy palabas mula sa hotel tinutuluyan niya pansamantala. No, choice na siya kung di sumakay na lamang siya ng taxi. Agaran siya sumakay sa sasakyan nakaparada sa harap ng hotel. “Admiralty,” aniya ng hindi pa rin umuusad ang sasakyan. “Miss, are you sure?” tanong ng boses baritono. “Yeah, please. Hurry up. I’m rushing...” hindi niya man lang nagawang sulyapan ang driver nasa unahan niya. Abala siya sa pagretouched ng kanyang make-
NAGISING SI ROD mula sa mababaw niyang tulog. Gawa ng sasunod-sunod na likha ng ingay ng doorbell. Napabaling ang tingin niya rito sa dalagang katabi niya na halos isiksik nito ang buong katawan sa katawan niya at mahigpit pa rin ang braso ni Xandy nakayakap sa kanya. Mahimbing pa rin ang tulog ng dalaga. Hinawi niya ang ilang hibla ng buhok nito nakatabing sa magandang mukha ni Xandy. Napaangat ang ulo niya mula sa unan ng muli ay tumunog ang umalingawngaw ng doorbell. Imposibleng room service iyon. Lumipad ang tingin ni Rod doon sa wall clock, alas-otso pa lang ng umaga. Sa huling pagkakatanda niya ay hindi pa siya nagparoom service ng ganitong oras. Sarap na sarap siya sa yakap ng dalagang katabi. Tapos may nang-iistorbo pa. Sumilay ang mumunting ngiti sa kanyang mga labi sa isipin na tiyak magkaroon ng world war three kapag nagising na ang dalaga. Ano kaya ang magiging reaction nito kapag malaman nitong magkatabi silang natutulog sa iisang kama at magkayakap pa. Da
“MA, PA,” aniya ng pagbuksan ng pinto ang mga magulang niya. “Bakit parang nakakita ka ng multo?” Bungad ni Mommy Isabel. Nagkamot ng batok si Rod. “Di naman, Ma. Na surprised lang ako.” Hinalikan niya sa pisngi ang Mommy niya. “Mukha nga. Kanina pa kami dito ng Daddy mo, matagal mo kaming pinagbuksan.”“Nasa banyo ako, naliligo. Bakit nandito kayo?” Hinagod siya ng tingin ng Mommy niya. “Anong klasing tanong iyan Rod? Mukhang hindi kai masaya na makita kami ng Daddy mo?” “Hindi naman sa gan'on, Ma. Nagtataka lang ako kasi sa natatandaan ko, wala naman kayong binanggit na darating kayo dito. Di sana nakapaghanda ako,” mahabang litanya ni Rod. Sa totoo lang hindi siya mapakali habang kaharap ang kanyang mga magulang. “Pupunta kami ng Papa mo sa Sydney. Mamayang gabi pa ag flight namin kaya dinaanan ka na lang namin dito at magpapalipas na rin kami ng oras dito.” Mahabang paliwanag ni Mommy Isabel. “Congratulations hijo, hindi ako nagkamali na ipasa sa’yo ang pamam
NANG MATAPOS na sila kumain ng almusal ay nagpaalam ang mag-asawang Bernard at Isabel na makikipagkita muna kay Liza ang General manager nitong hotel. Pamangkin ni Mommy Isabel. Papasok na sa elevator Rod at Xandy, pabalik doon sa kanilang suites ng may babaeng lumapit dito. To the right to the left ang indayog ng beywang ng babae at may malapusang ngisi ito. “Rod Darling, it’s you.” Maarting sambit ng babae. Tila katulad ito sa linta kung makadikit at makakapit kay Rod. “Marcia?” hindi inaasahan ni Rod na muli ay magkikita sila nito. One of his ex fling. “Yes, Darling it's me.”Ubod tamis itong ngumiti. “Ikaw hah, you forgot me already.” Maarti pa rin nitong sabi. Sumabay pa sa kanila na sumakay ng elevator. Hindi tinatantanan si Rod. “Ikaw, hah. Hindi mo sinabi nandito ka rin pala.” Kinurot pa nito sa tagiliran si Rod. “It’s a business trip,” sagot ni Rod. “HUH, ang init dito. Marami pa lang linta dito sa Singapore, noh?” Paparinig ni Xandy. Nagkunwaring pinapa