“WHY are you still here?” buong pagtataka niyang tanong nang sa paglabas niya sa banyo matapos maligo ay inabutan si Cayson, naka-upo sa couch na nasa paanan ng kanilang kama. She didn’t expect him to be there.
Matapos ang dinner ay kasama nila itong umuwi sa mansion ni Althea. Ang buong akala niya ay ihahatid lang sila nito, at dahil ayaw niyang makita itong muling umalis upang makipagkita sa babae nito ay mabilis siyang bumaba sa kotse at nauna na. Si Althea ay dumaan muna sa kusina upang kausapin ang mga katulong tungkol sa budget ng pagkain sa linggong iyon.
Pagdating niya sa silid ay kaagad siyang dumiretso sa banyo upang maligo. Nagtagal siya sa ilalim ng shower, gusto niyang mapreskuhan nang sagayon ay makatulog siya kaagad at hindi
TULUYAN NANG NAHUBAD NI CAYSON ANG POLOSHIRT nito, and he continued to walk towards her. Nang makalapit at kinuha nito ang dalawang mga kamay niya at itinaas sa mga balikat nito bago siya hinawakan sa magkabila niyang balakang at hinapit. Their bodies pressed against each other, and Cayson bent his head to claim her lips. She welcomed his kisses with all her soul. Nothing else mattered. His ways were rough, but she liked them. Kahit ang madiin nitong paghalik lagi, ang madiin nitong pang-aangkin ay tinatapatan niya ng kaparehong pwersa. Ang mga kamay nito'y mariing nakahawak sa kaniyan
Tatlong buwan pa ang mabilis na lumipas, at tuluyan nang lumobo ang tiyan ni Rome.Her whole family was always happy whenever she visits, lalo na ang mama at papa niya na maluha-luha habang nakatingin sa tiyan niya.She would often visit because of Connie’s upcoming wedding. Tinutulungan niya ang kapatid sa pag-aasikaso. Simula nang huling pag-usapan nila ng kapatid ang tungko
MASIGABONG palakpakan ang namayani sa buong events hall ng Diamond Hotel kung saan ginanap ang wedding reception nang pumasok doon ang bagong kasal; magkahawak ang mga kamay at malapad na nakangiti. Masaya ang lahat na bumati habang naglalakad ang mga ito patungo sa 'sweetheart table' ng mga ito. Ang bawat parte ng entourage ay may kani-kanilang entrance song; ang iba'y sumayaw pa, habang ang iba'y nahihiyang naglakad patungo sa table ng mga ito. Dinner was served to everyone, at habang kumakain ay may pumapainlanlang na musika sa ere. At habang kumakain ang mga bisita ay pinili ng mga newly-weds na lapitan isa-isa ang mga table upang kumustahin at kausapin ang mga bisita.&nb
ILANG minuto siyang nagkulong sa banyo para ayusin ang sarili; inayos niya ang buhok at ang light make up, saka ang damit. She was wearing a light blue dress na hanggang tuhod lang, at pinatungan niya ng coffee-coloured blazer. People say they almost didn’t recognize her because of her appearance. They said she looked… prettier. Lovelier. Napansin niya rin ‘yon sa sarili. She looked different compared to her pictures six months back. Para siyang bulaklak na sagana sa dilig. Blooming. Oh well. Ang kaso, mukhang maraming peste ang sisira sa bulaklak niya—este sa kaligayan niya. Pests like… Samantha. Nagsesel
SI BARON ay kinunutan ng noo nang marinig ang sinabi ni Cayson. Pinaglipat-lipat nito ang tingin sa kanilang dalawa, naguguluhan. Tumikhim siya at hinarap si Cayson. “Mauna na kayo nina Lola. Sasabay na ako kina Mama at Papa mamaya.” Doon naman kinunutan ng noo ang asawa. Halatang hindi nito nagustuhan ang sinabi niya. “Why are you staying?” he asked. “Dahil gusto ko.”Iuuwi mo lang naman ako sa bahay at iiwan din dahil kunwari, pupunta ka sa opisina pero ang totoo ay kikitain mo si Samantha. H’wag nga ako, Cayson. Gawain ko rin ‘yan noong kami pa ni Baron! she wanted to add,
NAGISING si Rome nang maramdaman ang pagbukas at pagsara ng pinto ng silid nilang mag-asawa. Pumihit siya paharap doon at nakita si Cayson na naghuhubad ng suot na jacket habang naglalakad patungo sa banyo. Bumangon siya at binuksan ang lamp. “Hey…” aniya sa inaantok na tinig.
SA SUMUNOD na mga araw ay naging abala si Cayson sa pag-aasikaso sa nangyari sa Laguna branch. Halos buong araw itong abala sa trabaho, kahit sa gabi ay nasa harap ng laptop nito at kausap ang mga staff. Malaki ang ibinagsak ng income ng Montemayor Travellers, at ang pagiging competitive ni Cayson ay nihamon ng panahon. Sa loob ng apat na araw ay doon ito natutulog sa home office nito, at walang problema sa kaniya iyon kahit na nagiging clingy na siya sa asawa. Siya ang personal na naghahatid ng pagkain nito roon sa gabi kapag hindi na nito nagagawang sumabay sa kanila ni Althea, at bago siya matulog ay dinadalhan niya ito ng tinimpla niyang kape. Cayson would pause from his work and would eat his dinner; at
ANONG panggilalas niya nang marinig ang sinabi ng doctor habang pinaiikot nito sa tiyan niya ang transducer upang malaman ang kasarian ng kanilang anak. Cayson was sitting on a stool beside the bed and watching the screen where they could clearly see the baby’s form. It was crouching, and his heartbeat was so loud it made her cry. Si Cayson naman ay tulala—tila hindi makapaniwala sa nakikita sa screen. Nasa mga mata nito ang galak na lalong ikana-lambot ng puso niya. Cayson was showing emotions toward their baby and she was happy. At nang sabihin ng doktora kung ano ang gender ng anak nila ay pareho silang natigalgal. It was a girl. And they were only shocked because they all thought she was having a baby boy.