Share

Chapter 46

"Where's your bag? We could have our lunch first..." pasipol-sipol si Jaco habang nakasunod sa akin.

"Wala akong oras na maglunch. Kailangan pa kitang i-tour." Walang ganang sagot ko. Halos habulin ng tingin si Jaco ng mga nadadanan naming mga parents na nakatambay sa corridor.

"We own the time, Anita. Di naman natin kailangang magmadali... pwede naman ituloy bukas?"

Ano daw? Peste.

Pero sa sinabi niya ay nagkaroon ako ng ideya. Sasamahan ko lang naman siya ngayon. Ngayon. Kung nais niyang ituloy bukas... sige pabor na pabor sa akin dahil tatanggi na ako. Pwede siyang magpasama aa iba.

"...pwede ring mamayang after class?" Habol niya.

Ngumisi ako at huminto sa taoat ng faculty room.

"Sige, sasamahan kita. Ngayon. At baka sa iba ka makasama mamaya dahil maaga akong uuwi e..."

"W-what? Then... pwede ka naman sumabay sa akin umuwi? Maaga ba? Maaga rin naman akong uuwi..."

"May sundo na ako, Jaco."

Walang tao sa loob ng faculty room dahil paniguradong nasa meeting pa sila. Lumapit na
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status