Chapter 5
Napalingon ako sa likod ng mga lalaki. Mas lalo ata akong napunta sa kapahamakan. Si Jaco.
"J-jaco, pare? Sama ka? Tirahin natin. Sariwa pa ata e." Napapikit ako sa sinabi ng lalaki. Nilapit nito ang mukha sa akin. Mabilis akong umiwas at lumuha sa takot.
"Hindi ako interesado." Tumawa ang mga lalaki. Mas lalo akong nawalan ng pagasa. Ano pa ba ang maaasahan kay Jaco?
"Sige. Doon kami sa kubo. Sunod ka na lamang kung..." di na natuloy ang sasabihin ng lalaki ng biglang hinagis ni Jaco ang bagpack niya sa kaniya saka siya sinugod ng suntok!
Nanlaki ang mga mata ko!
Lumuwag ang pagkakagapos sa akin ng lalaki sa likod at napamura nang makita kung papaano tinadtad ng sipa sa sikmura ni Jaco ang lalaki kanina!
"Bitawan niyo ang bata, tangina niyo."
"Siraulo ka palang gago ka!" Sumugod ang lalaking kanina pa tinititigan ang dibdib ko. Di pa nakakalapit ay sinipa siya ni Jaco kaya napaatras. Hinagis ako ng lalaki sa pader. Napapikit ako ng tumama ang mukha ko rito.
"A-aray..."
"Tangina ninyo. Sinugatan mo pang tarantado ka."
Hinagilap ko shoulder bag ko na suot-suot ko pa rin. Mabilis akong tumakbo papaalis sa lugar kahit na nahihilo na ako. Nakarating ako sa bukana kung nasaan ang mga pedicab. Pumara agad ako at sumakay.
"Sa barrio 8 po."
Napaiyak ako ng muling kumirot ang noo ko. Kinapa ko ito at nakita ang dugo sa mga daliri ko.
"Hija, napaano ang sugat mo? Umaagos..." si mamang driver. Umiling ako saka ngumiti.
"Sorry po. Nabundol po sa pader." Patingin-tingin ito sa akin. Itinago ko ang aking mukha ko saka inayos ang sarili. Nadumihan ang damit ko nang itulak ako ng lalaki sa pader.
Nagbayad na ako saka nagtatakbong pumasok sa bahay namin. Sinalubong ako ng katahimikan. Mas lalo akong napaiyak ako. Tumungo agad ako sa banyo para maghubad ng damit at magbihis.
Iyak ako ng iyak habang naliligo. Kahit anong paligo ko ay damang-damang ko pa rin ang takot para sa aking sarili. Mama, Papa, natatakot po ako. Anong gagawin ko?
Umiiyak ako habang ginagamot ang sarili. Malalim ang sugat at may pahaba. Sa taas ng noo ito. Siguradong mapapansin ni tiya Sela. Kinagat ko ang ibabang labi para pigilan ang paghagulhol.
Tatawagan ko si Mama. Agad kong hinagilap ang cellphone sa bag para icontact ang Mama ko. Pero cannot be reached ito. Nagtext ako na baka sakaling matanggap niya agad. Napatitig ako sa numero ni tito Marcio screen. Hindi naman kami malapit. Siguradong may may importante siyang inaabala. At sino naman ako? Anak lang ako ni Mama. Wala siyang pakielam sa akin.
Malalakas na katok ang siyang nagpatigagal sa akin. Dali-dali kong inayos ang sarili at pilit na tinatago ang puting bandage sa buhok ko.
"S-saglit lang po!"
"Open this fucking door, Anita Diane!" Nanlaki ang mga mata ko. Kilala ko ang may-ari nang boses na 'yun!
Kahit kinakabahan ay mas nananaig ang gulat sa akin. Tinungo ko ang pinto ng bahay namin.
Bumungad sa akin si Jaco na madumi ang suot na tee-shirt sa kaniyang uniporme. Nawala ang polo na suot nito kanina. Nakakuyom ang mga kamao. Magulo ang buhok at nakatiim ang bagang. At madumi ang mukha.
"Ano pang ginawa nila sayo?!" Napakislot ako ng bigla itong sumigaw.
"W-wala po."
"Don't fucking lie in front of me, Marrero. How far did they fucking touch you?!"
Napayuko at mabilis na umiling. Naiiyak na naman ako.
"G-ginapos lang po..."
"Siguraduhin mo lang. Dahil tatanungin ko sila." Binantaan niya ako. Masama ang titig niya sa aking noo. Yumuko lalo para iiwas ang sugat.
"Malalim ba?" Di ako nakapagsalita.
Tumawa siya ng parang baliw. Tawang walang kabuhay-buhay.
"Of course, son of a bitch." Bigla siyang umalis sa harapan ko.
Agad kong sinara ang pinto. Napasilip ako sa bintana kung saan siya sumakay 'nung magara at malaking sasakyan niya. Pinaharurot niya ito paalis sa lugar.
Napayakap ako sa mga tuhod ko sa sobrang takot. Mas tumriple ang takot ko sa mukha ni Jaco ngayon. Ngayon ko lamang siya nakitang ganun.
Papa... natatakot po ako. Anong gagawin ko?
I didn't know that would change things... for me. Lumipas ang Grade 8 nang di ko madalas makita si Jaco. Ang grupo ni Criselda ay mainit ang tingin sa akin. Para akong tinutusok. Di ko alam kung anong nangyari kung di lang minsang napagusapan ng mga babae nang minsang nasa CR ako.
"Nakakatakot si Jaco. Nasa hospital ang tatlong lalaking nagtangka kay Anita. Di daw tinantanan ni Jaco hanggang sa di nakulong ang tatlo. Grabe, girl. Sayang. Mga graduating 'yun sa college." Nanlaki ang mga mata ko. Para akong natuod sa kinatatayuan ko ngayon. Di makagalaw.
"Totoo ang chismis na may gusto si Jaco kay Anita. Titig pa lang niya kay Anita. Naku! Ang sarap sabunutan ni Anita! Ang haba ng buhok!" Nagsitawanan sila.
Kinagat ko ang ibabang labi. Mali ang kanilang interpretasyon.
"Mukhang iwas na si Anita sa mga lalaki. Pati si Andrew, nadamay! Naku. Anghel pa naman 'nun. Nagkapasa e. Sayang makinis na mukha."
"Ay shocks! Kaya pala umiiwas kay Anita! Patay na patay 'yun kay Anita pero mas mahal ata ang buhay!"
Hindi ko naman pinagkalat ang nangyari. Mabuti nga at di ko nacontact si Mama at napigilan ko ang sariling magsumbong. Ayaw ko naman magaalala siya. Pero nalaman pa rin niya. Sympre. Pamangkin ni Tito Marcio si Jaco."Bakit di mo sa akin sinabi! Anita naman! Sa iba ko pa malalaman?!" Napapikit ako sa pagsigaw ni Mama. Si Tiya Sela ay tahimik na pinapanood ako."S-sorry, Mama...""Mabuti at maasahan talaga si Jaco! Pinakiusapan ko na bantayan ka! Mabuti at natyempuhan! Pokpok ako dati Anita pero ayaw kong masira ang buhay mo! Muntik na akong atakihin nang ibalita ito ni Marcio!" Nagtagal ang unang sinabi niya sa akin."A-ayaw ko lang pong...l-lumaki..." bulong ko."At naisip mo pa 'yan! Bata ka! Magsasampa kami ng kaso! Hinding-hindi ka na nila makikita at malalapitan pa! Sisiguraduhin kong magsisisi sila!" Napalabi ako."M-mama, buntis ka pa po..."Natahimik bigla si Mama. Mas lalo akong nagaalala na bigla napaano si baby dahil sa sob
Isa ang pangyayari na 'yun na naging dahilan upang magbago ang buhay ko. Si Obrei ay naging kaibigan ko. Iyan ang sabi niya sa akin. Madalas siyang tumambay sa bakery. Lalo na ngayon na may mga upuan. Halos doon na siya nagaaral.Mailap pa rin ako sa kaniya. Ramdam ko kasi na magkaiba ang pananaw naming dalawa sa buhay. Magkaiba ang antas namin sa lipunan. Magkaiba rin kami ng agwat. Kaya papaano kami naging magkaibigan kong wala akong alam na similarities namin?"Jaco is my cousin." Nginisihan niya ako.Nagulat ako sa narinig. Para silang aso at pusa. Laging nagsisinghalan. Madalas ko ring makita na magkasama ang dalawa. Sobra silang malapit. Ang akala ng iba... syota daw ni Jaco si Obrei."Akala ko ba ay magkasintahan kayo?" Napangiwi si Obrei."Yuck! That's gross!" Kitang-kita ko kung papaano siya mandiri pero natatawa naman."Naririnig kong sabi ng iba. Kaya daw kayo nagkaaway ni Criselda dahil sinulot mo daw si Jaco na gusto niya." Umir
Excited ang lahat sa nalalapit na birthday ni Obrei. Ang alam ko, sa susunod na buwan pa ito. Inimbita ata ang buong probinsiya. Pati mga kaklase ko, kinukulit ako kung anong tema ngayon ang birthday niya. Big deal. Sino nga ba ang hindi? Siya si Obrei Madrigal. Nagiisang, Obrei Madrigal.Noong Grade 9 ako unang nakadalo sa isang elegante at mamamahaling birthday. Kaka-twenty years old ni Obrei 'nun. At ang tema ng kaniyang kaarawan, ay Pirates of the Carribean. Nakapanood na ako noon at parang nasa pelikula ako nang mga oras na 'yun. Kuhang-kuha kahit maliit na detalye. Alam kong mahal ang nagastos. Pero aanihin naman ng mga mayayaman na tulad nila Obrei?Di rin naman ako nagtagal bukod sa nakacostume ang lahat, nakita ko pa ang angkan nila Jaco. Di ko makalimutan kung papaano ako kutyain ni Ma'am Llesea Avanceña. Wala namang nakakita pero wala na akong mukhang maihaharap sa kaniya.Akala niya ay may gusto sa akin si Jaco kaya ayaw magaral sa ibang lugar
Saktong pababa na ako ng hagdan nang may kumatok. Nilingon ko si Obrei na tulog na tulog pa rin sa sofa namin.Lumapit na ako sa pinto para buksan.Napasinghap ako. Si Jaco."Hi." Ngumisi siya. Hinawi nito ang buhok saka tinititigan ang mga mata ko."You seemed stunned. Na-miss mo ba ako?"Natigilan nga ako. Dahil muntik na akong atakihin sa puso ng makita siya. Preskong-presko siya sa suot na tee shirt at kupasin na pants. Suot niya rin ang paborito niyang sapatos.Jaco growing age never failed to amaze me. Araw-araw ata, nagiging gwapo ito sa paningin ko. Araw-araw rin, nagsusumigaw ng kapahamakan. He looks dangerous.Kapansin-pansin ang pagtangkad na naman niya na di matapos-tapos. Lumaki rin ang katawan nito. Lumawak ang balikat at dibdib. Pumipintig pa ang mga ugat sa bawat haplos nito sa buhok. Bagong gupit rin siya."I'm sorry, I'm late. May inasikaso lang sa hotel. I took and bath of course before going here. I miss you
"Magreply ka naman sa mga tawag ko. O sa text man lang." Si Jaco habang nakasunod sa akin. Pauwi na kami nila tiya Sela.Sina Grace at tita Solly ay sa barrio 6 pa kaya nagpedicab na sila pauwi. Sina kuya Recto ay lumiko na sa nadaanan naming street. Si Mang Amor ay sinundo ng kaniyang apo.Mula noong pumunta sa Manila si Mama ay si tiya Sela na ang kasama ko sa bahay. Wala naman siyang asawa at anak. Tumanda siyang dalaga. At wala na rin ang mga magulang niya. Magisa rin siya sa bahay kaya nagsama na lang rin kami."Sabi mo di ako tatanggap o sasagot sa kahit na sinong lalaki. Lalaki ka." Napakamot ako sa noo ko."I know I'm a man. But love, I'm not just a man. I'm your man! You're obligated to do that!""Wala naman akong alam na paguusapan natin. Araw-araw tayong nagkakausap." Rinig na einig ko kung papaano siya umungol.Totoo naman."This is fucking so hard." Bulong niya."Maggoodnight lang ako sayo kapag gabi. Hanggang conf
Umiiwas naman ako kay Jaco. Pero mahirap. Isang salita ata niya ay napapasunod ako. Hindi ko alam kung magic o ano. Pero 'yun ang alam ko. May kumatok sa pinto. Tumayo na ako para buksan ito. Alam ko naman na si Jaco ito. Wala na si tiya Sela kasi kanina pa sa bakery. Nagpaalam naman ako na may pupuntahan ako. At kasama si Jaco. Pumayag agad ito. "Good morning." Ngumisi siya sabay gulo ng buhok niya. Ngumiti ako. Nanuot sa akin ang bango niya sa akin. Nakasuot ito ng kulay puting shirt saka itim na pantalong may gunit-gunit. Suot rin ang paborito niyang sapatos na kulay asul. "Good morning rin po." Sinuyod niya ng tingin ang katawan ko. Kinuha ko ang shoulder bag sa tabi. "Nagwork out ka?" Sisimangot na sana ako. Alam kong inaasar na naman niya ako. Pero mukha siyang kalmado ngayon. Kaya baka nagpipilit wag tumawa o ano. Tsk. "Nagjogging lang." Kinagat niya ang labi. "Saan?" "Sa park po." "Ba't d
Hinahapo na ako kaya natigil ako kakatakbo sa tabi ng boardwalk. Habol ko ang hininga at napamewang, pinanood ang paghinto ni Jaco sa kakatakbo. Ngumisi siya at lumapit sa akin pabalik sa akin. "Kaya pa?" Bumuga ako ng mabibigat at sunod-sunod na hininga. "Kaya pa." Ilang buwan na rin naman naming ito ginagawa eh. Sanay na ako lalo na at nasasarapan ako sa tuwing napapagod ako. Ginulo niya ang nakatali kong buhok. Basang-basa na ako ng pawis sa loob ng manipis na jacket na suot ko. Nagmamanhid na rin ang mga hita ko sa ilalim ng itim na leggings ko. Napatingala ako kay Jaco ng nilahad niya ang tumblre water niya. Di na ako nagdalawang isip na uminom. Bagsak na bagsak ang buhok ni Jaco ng dahil sa pawis. May towel na nakatali sa leeg niya. Nakasuot ng itim at maluwang na sando na pinares sa itim rin na shorts. Nagkatitigan kami. Sa likod niya ang unti-unting pagdilim ng paligid. Nawawala na ang kulay kahel sa kalangitan. Kalmado ang karagatan kasabay ng kapayapaan ng pakiramdam ko
"Mama ko!" Nananakbo palapit sa kaniya. Mangiyak-iyak pa ako nang tuluyan ko ng naramdaman ang pamilyar na yakap niya."Nakung bata ka! Saan ka ba nagsusuot! Di ka pa rin tumangkad?!" Naluluha ako sa sobrang galak pero natawa na ako."Mama! Na-miss ko po kayo! Ang ganda-ganda niyo po! Akala ko di na kayo makakarating.... saan po si Daniel?!" Naeexcite kong tanong nang magawi ang tingin ko kay Tito Marcio."Hello po, t-tito..." Tipid na tango ang binigay niya sa akin. Ngumiti rin ako pabalik. Pati si Obrei ay narito rin at natatawa habang nanonood.Kumalas sa yakap si Mama saka sinapo ang mukha ko."Naku. Manang-mana ka sa akin. Ganda-ganda mo!""Salamat po, Mama. Kamusta po ang biyahe? Si Daniel po?" Nawala ang ngiti ni Mama. Napakurap-kurap ako."D-di sinama si Daniel. Di sanay sa travel gamit ang sasakyan." Nawala ang ngiti ko.Hanggang ngayon ay di ko pa nakikita ang kapatid ko. Magda-dalawang taon na ata ito."Pero wag kang magaalala, makikita mo rin ang kapatid mo Anita. Pasensya