Share

Chapter 12

Hinahapo na ako kaya natigil ako kakatakbo sa tabi ng boardwalk. Habol ko ang hininga at napamewang, pinanood ang paghinto ni Jaco sa kakatakbo. Ngumisi siya at lumapit sa akin pabalik sa akin.

"Kaya pa?" Bumuga ako ng mabibigat at sunod-sunod na hininga.

"Kaya pa."

Ilang buwan na rin naman naming ito ginagawa eh. Sanay na ako lalo na at nasasarapan ako sa tuwing napapagod ako.

Ginulo niya ang nakatali kong buhok. Basang-basa na ako ng pawis sa loob ng manipis na jacket na suot ko. Nagmamanhid na rin ang mga hita ko sa ilalim ng itim na leggings ko.

Napatingala ako kay Jaco ng nilahad niya ang tumblre water niya. Di na ako nagdalawang isip na uminom.

Bagsak na bagsak ang buhok ni Jaco ng dahil sa pawis. May towel na nakatali sa leeg niya. Nakasuot ng itim at maluwang na sando na pinares sa itim rin na shorts. Nagkatitigan kami. Sa likod niya ang unti-unting pagdilim ng paligid. Nawawala na ang kulay kahel sa kalangitan. Kalmado ang karagatan kasabay ng kapayapaan ng pakiramdam ko
yourglowing

I send my love to all of my viewers!

| Like
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status