Sabay kaming napalingon ni Jaco sa likod. Napasinghap ako ng makita kung sino ang tumawag sa pangalan ko."Eiza? Hi!" Kumaway ako at agad lumapit sa kaniya. Pero dahil nakaakbay si Jaco ay napalapit na rin."Wow. Nagawi ka ata dito? Ang tagal rin 'nung huli kita nakita..." Palipat-lipat ang tingin niya sa akin at kay Jaco. "U-uh... I went back from Manila kasi. That's why. And I just came back home earlier. I went here immediately to give this." Nagulat ako ng iwinagayway niya ang tatlong paperbag. Napasinghap ako ng makita ang iba't-ibang klaseng muffin sa loob!"Naku, Eiza. Nagabala ka pa! Dapat nagpahinga ka muna. Pwede ka naman bumisita pa rin. Next week nga lang ay pasukan na. Dito ka ba magaaral?" Tipid na tumango si Eiza. "My mom baked those. She's a pastry chef kasi. I told things about you..." napatango-tango ako. Nakakahiya naman. Pero di ko mapigilam di maexcite!Kunot ang noo niya habang nakatitig kay Jaco na tahimik lamang sa tabi ko. "Ay! Eiza, si Jaco pala. Iyong boy
Huminga ako ng malalim bago ininom ang natitirang tubig sa water jug ni Jaco. Ngumisi siya at pinanood ako."Pagod na pagod na ako..." malalalim ang bawat buntong-hininga na pinapakawalan ko.Nagjog na naman kami bago pa dumilim ang gabi. Nagpaalam si Jaco kay tiya kanina at halos dalawang oras na kaming tumatakbo. Hindi naman talaga puros pagtakbo, malaking porsyento ang paghaharutan namin sa daan. Kakasimula pa lamang ng klase nitong linggo. Sina Jaco ay last week pa nagsimula sa kolehiyo. Engineering kasi ang kurso niya. At si Obrei ay di pa nakakauwi mula sa mahabang bakasyon."Teka, di na ba papasok si Obrei? Kailan siya uuwi?" Nagkibit-balikat si Jaco. Napanguso ako. Ang damot talaga nito."Malaki na 'yun, mahal. Kaya na niya sarili niya." "Eh kailan nga siya babalik? Si Rome nga, napagod na makibalita sa atin." Naalala ko tuloy si Rome. Isang araw ay di na dumadaan sa bakery. Sumandal si Jaco sa puno at pinatong ang cellphone at water jug sa katabi naming bench. Ginulo niya
Laglag ang panga ko ng makita ang kabuuan ng kapatid ko. Humagikhik si Jaco sa tabi ko bago ako inakbayan at hinalikan sa sentido."Oh, diba?""T-totoo ba 'to?" Hindi ako makapaniwala habang nakatitig sa batang lalaki na tahimik rin akong pinagmamasdan. Para akong nananalamin. Kuhang-kuha niya ang mukha ni Mama. Wala akong makitang dugo ni tito Marcio. Ah. Meron. Ang pagkakalapat ng labi niya at seryoso ako kung tititigan. Hindi kami ganiyan makatingin ni Mama."D-daniel...""Mahal, itinakas namin siya. Kaya secret muna natin." Di ko mapigilan di mapaluha at niyalap si Jaco ng mahigpit. Kahit na naguguluhan kung papaano ito nakarating sa probinsya. T-totoo nga! Ang kapatid kong si Daniel nga ito! "Thank you. Thank you. T-thank you. Thank you. Thank you." Paulit-ulit ang katagang 'yun at naiiyak sa sobrang saya."Anything for you, love. Anything." Hinaplos niya ang buhok ko bago ako hinayaan na pakawalan. "Is she your girlfriend?" Parang di bata ang nagsalita.Ang cute-cute niya n
Mabilis lumipas ang panahon. Naging matiwasay ang buhay ko kahit madalas ay nasasaktan ako sa pagiiwas ni Obrei. Hindi na kami nagkakausap o nagkakasama na. Paunti-unti ay... lumalayo na kami sa isa't-isa. Natulala ako habang pinapanood ko siyang dumaan sa harapan ko. Kasama niya sila Criselda na nakangisi sa akin. Walang ekspresyon ang mukha at ni hindi ako nagawang sulyapan na lamang. Nakakalungkot. Bumaba ang tingin ko sa aking mga kamay."Let's go?" Si Eiza. Tumango ako at sa huli ay tinignan ko si Obrei. Di pa rin niya ako magawang tignan. Nasasaktan ako dahil di na niya ako pinapansin. Ilang beses ko ring sinubukan na kausapin siya pero umiiwas si Obrei sa akin. Ayaw ko naman pilitin pa lalo dahil baka mas mainis sa akin.Pero bakit siya umiiwas? Pilit kong inaalala ang huling paguusap naming dalawa. Ito iyong tinanong niya ako tungkol sa singsing na bigay ni Jaco sa akin. Umiba ang ekspresyon niya. Pero bakit? Para saan? O may iba pang dahilan? Bakit naman kasi siya magaga
Binabagabag ako sa reply ni Obrei. Sinamahan pa na di halos magparamdam sa akin si Jaco."Ja-..""Not now, Anita. I am fucking busy." Tulad dati ay pinutol agad niya ang linya. Ayaw ko naman masakal siya kaya kada isang araw ay isnag beses akong nagbabasakaling tumawag. Sinwerte ako ngayon dahil tinanggap niya. Pero di rin nagdalawang segundo. Parang pinipisa ang puso ko. Kumunot ang noo ni Eiza. "Did he hunged up?" Wala sa sariling tumango ako."Whatever. We will not ruin our mood. Prom mo na!" Malungkot akong napatingin sa kaniya."Wala pa rin si Mama." Sina tiya Sela at tita Solly ay nagtulong-tulong para hanapan ako ng maisusuot. Ayaw kong pumunta lalo na at... inaalala ko si Jaco. Ayaw ko rin namang biguin sina Eiza na halos excited para sa akin. Nasa mansion kami ng mga Montenegro ngayon. Dito ang celebration ni Eiza at halos lahat, imbitado. Kanina ay narito sila ate Grace pero nagpaalam agad dahil walang nakatuka sa bakery. Naiwan ako para samahan si Eiza na magtranslate
Gusto kong umiyak pero walang lumalabas na luha. Di ko rin gustong umiyak kung wala akong ideya sa mga nangyayari ngayon. Tawag ako ng tawag kay Mama pero di nagriring ang numero niya. May kinalaman rito si Mama. Base na rin sa masasakit na salita ni Obrei sa akin. Wala sa sariling napatitig ako sa magarang singsing sa aking daliri. Makinis at kumikinang ang malaking bato sa gitna. Napapaligiran ng mga liliit na bato at ang band na may malabong disenyo. Parang bulaklak na orchids na parang hindi. Naalala ko ang kweno ni Obrei tungkol sa singsing. Totoo kaya 'yun? Na handa magpatayan ang mga babae para makuha lang ito? Bakit naman ata..."Anak, nakatulog ka ba ng maayos kagabi?" Si tiya Sela. Tumango ako kahit di ako sigurado."Oo naman po." Bumuntong-hininga siya."Nitong nakalipas na mga araw ay palagi kang wala sa sarili. Gusto mo bang magpalipas ng gabi sa mga pinsan mo?" Mabilis akong umiling."Wag na po, tiya. Okay naman po ako..." tinititigan niya ako. Ngumiti ako para pagaaan
Nalasing si Mama sa isang gala event nila sa Manila. Akala niya ay si tito Marcio ang papalapit na sir Alarico kaya hinalikan niya ito. Nadatnan ni ma'am Llesea ang eksena kaya kinaladkad niya ang lasing na si Mama saka tinulak sa hagdan. Nahulog ang mama ko saka pinahiya sa harapan ng publiko at pinalabas na di tunay na anak ni tito Marcio si Daniel. Bagkus ay baka kay sir Alarico ito. O sa ibang lalaki. "Isang beses... isang beses lang ako nagkamali. Bakit halos patayin nila ako?" Tumawa si Mama na parang wala sa sarili.Tahimik akong nakikinig. Takot na baka may makaligtaan akong isang detalye."Iyang inggratang Llesea na 'yan. Mainit na ang dugo niyan sa akin. Gagawa ng paraan para patalsikin ako sa buhay nila. Pwes, di na ako babalik sa impyernong 'yun. Hinding... hindi nila makukuha muli si Daniel. Kahit isampal ko ang libo-libong DNA result nilang leche. Magkamatayan na. Tapos na ako. Tapos na tapos na ako. Inubos ako ng mga hayop." Ramdam na ramdam ko ang galit sa bawat salir
"Maam, babalik ulit ako para bigyan ka ng tsinelas!""Wag na. Di rin naman ako magtatagal..." napakamot sa kaniyang batok ang bellboy. Napalunok ako. Hindi ko alam kung anong mangyayari. Kung magtatagal pa ba ako o...Siya na rin ang nagpindot sa doorbell. Iniwan na ako ng bellboy kaya mas lalo akong nanlamig habang pinapanood ang pagiiba ng numero sa loob ng elevator na kinaroroonan ko. Nagaagaw kulay itim at ginto ang buong paligid. Sa sobrang kintab ng paligid ay nagagawa ko pang manalamin. Kinagat ko ang ibabang labi. Maputla ang mukha at tuliro ang ekspresyon. May suot akong tshirt at pantalon na abot tuhod. Magulo ang buhok ko at may dalang maduming tsinelas. Kahit saang anggulong tignan... para akong pulubi sa itsura ko. Halos lumabas ang dibdib ko ng biglang bumukas ang malaking pinto. Napasinghap ako ng makita kung sino.Mula sa kalmadong ekspresyon ay napalitan ito ng bagsik."How dare you?! Ang kapal talaga ng mukha mo!" Napaatras ako ng lumapit si Obrei na galit na galit