Share

Chapter 26

"Maam, babalik ulit ako para bigyan ka ng tsinelas!"

"Wag na. Di rin naman ako magtatagal..." napakamot sa kaniyang batok ang bellboy. Napalunok ako. Hindi ko alam kung anong mangyayari. Kung magtatagal pa ba ako o...

Siya na rin ang nagpindot sa doorbell. Iniwan na ako ng bellboy kaya mas lalo akong nanlamig habang pinapanood ang pagiiba ng numero sa loob ng elevator na kinaroroonan ko. Nagaagaw kulay itim at ginto ang buong paligid. Sa sobrang kintab ng paligid ay nagagawa ko pang manalamin.

Kinagat ko ang ibabang labi. Maputla ang mukha at tuliro ang ekspresyon. May suot akong tshirt at pantalon na abot tuhod. Magulo ang buhok ko at may dalang maduming tsinelas. Kahit saang anggulong tignan... para akong pulubi sa itsura ko.

Halos lumabas ang dibdib ko ng biglang bumukas ang malaking pinto. Napasinghap ako ng makita kung sino.

Mula sa kalmadong ekspresyon ay napalitan ito ng bagsik.

"How dare you?! Ang kapal talaga ng mukha mo!" Napaatras ako ng lumapit si Obrei na galit na galit
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status