Share

Chapter 34

Pitong taon na rin pala ang nakalipas. At sa tingin ko, naging maganda ang dulot nito kay Jaco. Ibang-iba sa Jaco na nakasama ko dati.

Tumangkad pa siya lalo at naging malapad ang mga balikat. Pormal ang pagkakaayos ng buhok kaya mas lalong dumepina ang mapaglarong ekspresyon niya. Iyong tipong walang maidudulot na maganda. Bagay na bagay sa kaniya ang suot na formal suit. Isang bagay na di ko nakita sa kaniya dati.

"I'm Diego Mariano. Third son of Dominic and Sheryl Mariano..." nagpakilala si Diego kasabay ang paglahad nito ng kamay kay Jaco.

Hindi nakaligtas sa akin ang pagsulyap ni Jaco sa kinatatayuan ko. Kumuyom ang mga kamao ko at sinusubukang kumalma.

Pinanood ko kung papaano tinanggap ni Jaco ang pakikipagkamay ni Diego.

"... and this is my fiancé, Anita Marrero."

Muntik na akong mapasinghap sa sinabi ni Diego. Lalo na kung papaano natawa si ate Barbie na nanood rin pala.

Tumikhim si Jaco at pormal na naglahad ng kamay. Seryoso ang ekspresyon sa kaniyang mukha. Halos mani
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status