Share

Chapter 38

Ramdam ko ang tingin sa akin ng lahat ng tao sa kusina. Pati si Mama na mukhang naalarma at apektadong-apektado.

"Wala na po, e." Kibit-balikat na sagot ko.

Bumalik na ako sa ginagawa at di pinansin ang paparinig ni kuya Recto.

"May nagbabalik... may nagbabalik... may nagbabalik..." pakanta niya na agad sinisita ni Mama.

".... sa ensaymada nagsimula..." pagpapatuloy niya.

Muling bumalik si tiya na ngayon ay halos mamutla. Napamewang ako at sinamaan ng tingin ang arina.

"Anong problema, Sela?" Si Mama nagtanong.

"Susmaryosep. Magoorder ng labing-dalawang tray ng ensaymada!"

"Oh, para saan daw?"

"May event sa hotel at iyon ata ang balak ihain." Napailing si tiya.

"May mga baker sila doon. Bakit dito pa?" Walang sumagot sa tanong ni Boy. Ang bago naming panadero at ilang taon ang pagkabata sa akin.

Lumingon sa akin si Mama.

"Gumawa na lang tayo. Sayang ang order." Napairap ako sa narinig.

"Walang rush order rito, Mama. Kung sana sinabi niya noon pa."

"Hayaan mo na. Malaking tao 'yan.
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status