Nagwala na naman uli si Mama isang gabi nang makauwing lasing. Pinagtatapon niya ang mga bigay niyang mamamaling bag, alahas, gadgets, sapatos, relos at mga damit. Iyak siya ng iyak. Pilit namin siyang pinapakalma ni tiya pero ayaw magpaawat."Susunugin ko ang lahat ng ito! Susunugin ko!" Nilagay niya sa sako ang mga ito at tinapon sa bakuran. Pero dahil makakapal ang mga tela 'nun, nahirapan si Mama maggawa ng apoy. Ang ginawa niya, pinaliguan niya ito ng krudo bago sinunog.Naalala ko pa ang mga reklamo ng kapitbahay namin dahil sa usok na ilang araw na di mawala. Napabaranggay pa kami dahil sa mga reklamo. Si Mama ay walang pakielam. Inaalala ang mga alahas na di masunog sunog. Kaya ang ginawa niya, pinagpopokpok niya ito bago tinapon sa dagat. Ang mga gadgets ay pinagbabato bago tinapon. Kumalma na pagkatapos mawala ang mga bakas."Sigurado ka bang wala ng natirang pagmamayari ng mga demonyo sa kwarto mo?" Mabilis akong umiling."Wala na po, mama.""Carilla, ang lupa ng bakery
Hindi ko alam kung anong nahithit ni tito Marcio at gustong makipagbalikan kay Mama. Kilala ko si Mama, kahit siguro magpagulong-gulong si tito Marcio ay buo na ang desisyon niya. Buo nga ba?Nalaman ba niya na totoo talaga niyang anak si Daniel? Para saan pa? E patay na ito sa mata ni Daniel.Kakatapos namin ng mga kaklase ko magayos ng papeles para sa board exam namin. Dadaan kami sa munisipyo para doon magsumite. May opisina doon ang ahensya na nagbibigay ng exam. "Kapag di tayo nakapasa, anong plano?" Si Shea. Napasuklay ako ng aking buhok. Init na init ako sa araw at nakikisilong lang sa payong ni Shea. Wala pa akong dalang pantali."Private school siguro magaapply. Kailangan kong magtrabaho agad." Buntong-hininga ni Karly. "Aattend siguro ulit. Pero masyadong mahal sa review center. Baka bumagsak ako kung self-study na naman ulit." Bumaling ang tingin sa akin ni Bethilda."Ikaw, Anita? Anong plano?" Naaalala ko ang perang binubuo namin para makabayad sa lupa at puhunan ng bak
"Carilla! Carilla!" Naalimputanganan ako ng marinig ang natataranta at humahangos na boses ni tiya Sela."Bakit?" Sumungaw si Mama mula sa kusina.Tinatamad akong bumangon mula sa pagkakahiga ko sa sofa."Nasa labas si Llesea!""Ano?! Anak ng!" Nanggigil na lumalabas si Mama at mukhang susugod sa labas. Nagulat naman ako at sumungaw sa bintana. Napasinghap ng makita ang isang Llesea Avaceña sa aming bakuran kasama ang di ko mabilang na mga body guards nito. Napakamamahalin ng itsura nito pero bakit mukha itong maamong tuta ngayon?Anong ginagawa nito dito?"Napakalaking boba mo talaga, Llesea! Ang kapal ng mukha mong magpakita na naman rito! Tigilan niyo na ang anak ko!" Nagsisigaw si Mama habang pasugod sa ginang.Kumunot ang noo ko. Ano? Hindi ito ang unang pagkakataon na narito ito?"Ma!" Sigaw ko para awatin siya dahil mukhang sasaktan siya ng mga bodyguards.Gigil na lumingon sa akin si Mama. Umawang ang labi ni Llesea habang nakatingin sa akin."Wag na wag kang lalabas! Makak
"Diego Mariano..." boses mula sa likuran ko. Napunta doon ang paningin ni Diego bago napatayo habang may masayang mukha."Aris! Dude! Nice to see you again." Bakas ang tuwa sa boses ni Diego. Napapikit ako at tahimik na nagmumura.Aris? Aris na pinsan ni Jaco? Lintek! Kaya ayaw na ayaw ko sa hotel na ito!"You having fun? I've never seen you for years." Baritonong boses mula sa likuran ko. Nananatili akong lihim na nagmumura."Yes, pretty insane hotel, huh. I'm taking my doctors. And I'm with my girl right now."Wag mong sabihin na magkakilala pa sila? Ang liit naman ng mundo!"I see."Naramdaman ko agad ang kamay ni Diego sa balikat ko. Napairap ako sa inis."Mahal, ipakilala kita sa kaibigan ko." Bulong ni Diego.Wala akong magawa kundi tumayo at humarap kay Aris Avaceña. Bakas ang gulat ng makita ako. Hindi inaaasahan na makikita ako."Dude, this is my gorgeous lady here. Anita Marrero." Proud na proud si Diego. Umayos ng tayo si Aris Avaceña saka nginisihan ako pagkatapos makahum
Sumobra ba ako sa sinabi ko? Pero matagal ng alam ni Mama ang opinyon ko tungkol rito. Wala namang bago. Nagbanta lang ako na aalis sa puder niya. Pero bakit di pa niya aminin na nagkabalikan na sila? Napairap ako. Sympre di niya aaminin. Alam niyang tututol ako. "Time's up. Stop writing. In five seconds, I want all your papers in front. One, two, three..."Pinanood ko kung papaano nagkaundagaga ang mga estudyante ko para ipasa ang mga papeles nila sa quiz namin. Maraming nakabusangot, meron ding nagbubulungan ng sagot, at marami ang nakahinga ng maluwag. Typical na mga ugali kapag natatapos ang isang madugong pagsusulit. Napangiti ako. I've been teaching some minor subjects. Major ko na noon pa ang Filipino. Pero ngayong nagtuturo ako ay may Hekase na at TLE."Teacher Ann, kailan po ipapasa ang scrapbook?" Si Nicole na tumayo para itanong 'yan."Sa Friday. Bakit? Wala bang gumagawa?" Namewang ako at tinignan sila isa-isa."Teacher Ann! Teacher Ann! Naggawa na ako!""Kulang pa ng fam
Well, hindi naman nakakagulat. Matagal naman silang magasawa na. Normal na may anak na sila. Ang nakakagulat, nandito nga ulit ako sa hotel. Nakasuot ng magarang long gown habang nakakunyapit ang braso sa boyfriend kong gwapong-gwapo sa suot na tuxedo. Nahinto kami sa gitna ng red carpet para makipagpicture. Nagulat ako sa rami ng mga reporters at media sa paligid. Huminto si Diego kaya nahinto rin ako dahil mukhang papaunlakan niya ang mga ito. Huminga ako ng malalim. Di ako sanay na sa mga nagkikislapang camera sa paligid. Nakatutok sa amin ni Diego."Diego Mariano! Who is this beautiful lady beside you?""My fiancé. Anita Diane Marrero." Humigpit ang kapit ko kay Diego. Nasisiraan na ata ito ng bait. Anong fiancé? Makakatikim ka sa akin mamaya, Diego. "Who did the ring?!" Halos magagawan ang nga tao oara sà sagot ni Diego. "Customised in Paris..." ngumisi si Diego."When will you be back in Manila?" Tumawa si Diego."I'll be staying here for good."Nagsunod-sunod ang tanong ku
Pitong taon na rin pala ang nakalipas. At sa tingin ko, naging maganda ang dulot nito kay Jaco. Ibang-iba sa Jaco na nakasama ko dati.Tumangkad pa siya lalo at naging malapad ang mga balikat. Pormal ang pagkakaayos ng buhok kaya mas lalong dumepina ang mapaglarong ekspresyon niya. Iyong tipong walang maidudulot na maganda. Bagay na bagay sa kaniya ang suot na formal suit. Isang bagay na di ko nakita sa kaniya dati. "I'm Diego Mariano. Third son of Dominic and Sheryl Mariano..." nagpakilala si Diego kasabay ang paglahad nito ng kamay kay Jaco. Hindi nakaligtas sa akin ang pagsulyap ni Jaco sa kinatatayuan ko. Kumuyom ang mga kamao ko at sinusubukang kumalma. Pinanood ko kung papaano tinanggap ni Jaco ang pakikipagkamay ni Diego."... and this is my fiancé, Anita Marrero." Muntik na akong mapasinghap sa sinabi ni Diego. Lalo na kung papaano natawa si ate Barbie na nanood rin pala. Tumikhim si Jaco at pormal na naglahad ng kamay. Seryoso ang ekspresyon sa kaniyang mukha. Halos mani
"Miss? Nahihibang ka na ata, Mr. President."Sarkastiko ko siyang nilingon."Sino ka para sabihin 'yan? Kapal naman ng mukha mo talaga."Namumungay na ngayon ang kaniyang mukha. Nakatitig ito sa akin na tila e minememorya ang bawat bahagi ng katawan ko. May dumaang negatibong ekspresyon sa kaniyang mga mata. Na til ba'y apektado sa mga sinasabi koNgumisi ako ng nakakaloko."Sana hindi ka na bumalik.""Anita..." Umawang ang labi nito. "Nabubuhay ang galit ko sa nakaraan. At oo, kinamumuhian kita."Kumurap siya ng ilang beses bago napayuko. Tumalikod na ako para ihanda ang sarili na umalis."A-anita... nagsisisi na ako. M-matagal ko nang pinagbayaran lahat ng ginawa ko sayo. Sa inyo. P-please..."Nagkunwari akong walang narinig kaya dineretso ko ang lakad ko pabalik sa hotel. Diego and I needs to go home right now. Hindi ata ako makakatagal ng ilang minuto kung maghihintay lang rin ako.Napahinto ako ng matanaw si Obrei sa bungad ng grand ballroom. Nakatitig ito sa akin. Mas lalong