Share

Chapter 22

Mabilis lumipas ang panahon. Naging matiwasay ang buhay ko kahit madalas ay nasasaktan ako sa pagiiwas ni Obrei. Hindi na kami nagkakausap o nagkakasama na. Paunti-unti ay... lumalayo na kami sa isa't-isa.

Natulala ako habang pinapanood ko siyang dumaan sa harapan ko. Kasama niya sila Criselda na nakangisi sa akin. Walang ekspresyon ang mukha at ni hindi ako nagawang sulyapan na lamang.

Nakakalungkot. Bumaba ang tingin ko sa aking mga kamay.

"Let's go?" Si Eiza. Tumango ako at sa huli ay tinignan ko si Obrei. Di pa rin niya ako magawang tignan.

Nasasaktan ako dahil di na niya ako pinapansin. Ilang beses ko ring sinubukan na kausapin siya pero umiiwas si Obrei sa akin. Ayaw ko naman pilitin pa lalo dahil baka mas mainis sa akin.

Pero bakit siya umiiwas?

Pilit kong inaalala ang huling paguusap naming dalawa. Ito iyong tinanong niya ako tungkol sa singsing na bigay ni Jaco sa akin. Umiba ang ekspresyon niya.

Pero bakit? Para saan? O may iba pang dahilan? Bakit naman kasi siya magaga
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status