Share

Chapter 14

Hindi ko nakuha ang pinakamalaking grado sa buong Grade 10. Pero ako ang pangatlo. Malaking bagay na 'yun sa akin lalo na at gold awardee pa rin ako.

Maingyak-iyak si Mama nang sabitan ako ng medalya. Niyakap ko siya at ganoon rin ako at kasama si tiya Sela.

"Sela, pinakalaki mo ng maayos ang anak ko." Si Mama at nagyakapan sila ni tiya.

"Di lang naman ako. Nandiyan rin sila Solly."

Natapos ang seremonyas na nagtitilian ang lahat. Paano naman kasi at papasok na kami sa senior high!

"Naku! Kung walang senior high lang yan ay di sana nasa kolehiyo ka na!" Himutok ni Mama sabay pamaypay.

Nagpalinga-linga ako sa paligid dahil hanggang sa natapos na ay wala pa rin si Jaco. Nasaan na ba 'yun?

"Anita." Sabay kami napalingon nila Mama sa boses.

"Xenon."

Eksaheradang napatikhim si Mama saka sinuri mula ulo hanggang paa si Xenon. Napakamot sa kaniyang batok ang huli. Kimi akong napangiti sa kaniya.

"Dito lang muna kami, Anita. Magenjoy ka diyan." Kinurot siya ni tiya Sela. Napailing na
yourglowing

Hellooo! love youuu

| Like
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status