Share

Kabanata 32

Hindi ko alam kung saan ako kumuha ng lakas ng loob na pumanaog sa sinasakyan namin ni Atlas. Hindi ko alam kung paano ko naihahakbang ang aking mga paa kasabay ni Atlas na mahigpit pa rin ang hawak sa aking kamay. Nang balingan ko ito ng tingin ay seryoso lamang itong nakatitig sa aming harapan. Hindi na lamang ako nagsalita at hinayaan na lamang ang sarili kung saan man ako dadalhin ni Atlas.

"We're here."

Tumigil kami sa isang hindi kalakihang mausoleum. Halata na sa hitsura nito ang katagalan dahil sa nababakbak na kulay ng grills nito. Maging ang yero na nagsisilbing proteksyon nito sa init at ulan ay halos kinalawang na rin.

"She's my first love," panimula nito.

Kahit ilang beses ko nang narinig ang mga katagang iyon mula kay Atlas ay masakit pa rin sa akin ang sinabi nito. Marahil dahil sa katotohanang iyon nabuhay akong may agam-agam sa loob nang sampung taon. Dahil sa salitang iyon nawasak ako nan

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status