Suot ni Alejandro ang simpleng business attire suit habang nakasuot ng shades. Kalalapag lang ng elevator sa eksaktong floor number ng condo unit na iyon. Mataas ang gusaling iyon na 'sing taas ng Manila Hotel. Doon umano matatagpuan ang unit ni Travis.
Nang makarating sa may pintuan ay agad siyang nagdoor-bell.
He waited a respond, but he guess it's no one responding. Tiningnan pa niya ang calling card na nandoon, nakita niya ang eskaktong address ni Travis.
He seemed stress out so he manage to dial that number, pero hindi pa man iyon napipindot ay biglang bumukas ang pintuan sa harapan niya.
"Alejandro?" gulat na saad ni Travis na inabot siya ng yakap.
"What brought you here?" casual na tanong nito.
Tipid siyang ngumiti at nagsalita.
"I need something from you," seryosong sabi niya habang ginagayak siya papasok sa loob ng kwarto nito.
"Wine?" paanyaya pa ni Travis na sumilid sa counter top table sa bandang kaliwa, may mini ba
Hindi magkamayaw si Cassandra sa pagtakbo habang umiiyak. Nakasuot pa naman siya ng kaniyang pulang damit, nagkatisod-tisod na siya dahil sa suot na sandal kaya minabuti niyang hubarin iyon at itapon sa kung saan. Mas mabuting magpaa siya sa pagtakbo.Malayo na siya sa pamamahay ng mga Nunez at doo'y napunta na siya sa kalagitnaan ng kagubatan. Mayroong siwang ng daanan doon na tila sinadya para maging palatandaan sa mga mangangaso o sa mga sasakyang dadaan.Lakad-takbo ang ginawa niya, wala siyang pakialam sa nagkalat na make-up sa kaniyang mukha. Nagkandabuhaghag pa ang kaniyang buhok, but she doesn't care anymore!All she want is to runaway and be alone. Hindi niya alam ang kaniyang tinatahak but she's sure to go that side, that must be the exact road in the near barrio beside of San Luisita. Iyon ang boundary ng bayan. Mayamaya pa sa kaniyang paglakad-takbo ay may nakita siyang nakasunod sa kaniya. Isang nakabubulag na sinag ng ilaw na kung anong behikulo.
Halos kalahating buwan nawala si Alejandro sa San Luisita, kaya nang makabalik siya'y agad na nagkumpulan ang kaniyang mga kaibigan. Tinawagan niya sina Juan at Luis na makipagkita sa kaniya doon sa kaniyang bahay. Sakto naman kasi na hindi mahahalata ang pagdating niya dahil besperas sa bayan ngayon.Kararating lang ni Alejandro sakay ng kaniyang bagong biling Jeep Wrangler Limited edition na sasakyan. Medyo maputik ang daan dahil sa nagdaang ulan, pero yakang-yaka lang sa sasakyan niya ito, medyo may kataasan ang taas nito na lumalaban sa habulan at sa cliff riding o kahit pa sa anong expedition.Tiim-bagang lang si Alejandro habang minamanipula ang manibela, hindi siya nagtagal sa Manila pero bakas niya ang mga pagbabago sa San Luisita. Maingat pa niyang tinitipa sa kaniyang telepono ang numero ni Cassandra. Memoryado niya iyon, at sa halos kalahating buwan niya sa Manila ay hindi niya ito natawagan, gawa ng ayaw muna niya itong gambalain lalo pa't stressed out din
Nasa boundary ng isla Mercedes si Alejandro sa mga oras na iyon, doon niya katatagpuin si Feliciano na pumayag namang magpaunlak sa paanyaya niya. Nasa tulay siya na kumokonketa sa isla Mercedes, nandoon siya sa may pier.Naninigarilyo siya sa oras na iyon, habang nakasandal sa kaniyang sasakyan."Alejandro." Narinig niyang tawag sa kaniyang likuran.Nilingon niya ito at doo'y nakita niya ang lalaking nagngangalang Felix."Felix..." sabi pa niya saka nakipaglamano sa lalaki. Gaya niya ito na may pagka-matangkad. Medyo naaaninag ni Alejandro ang kababaang loob nito sa pamamagitan ng kaniyang mukha at pagsasalita."Attorney, mabuti at nakapunta ka." Sabi pa ni Felix."Ako ang dapat magpasalamat, Felix at dumating ka. Malaki ang maitutulong mo sa pinaplano ko." Sabi pa ni Alejandro kay Flex."Walang anuman, masaya akong makatulong para sa katotohanan at hustisya, attorney." Ani nito na sumabay para pumaloob sa sasakyan. Mas mainam na doo
Sa mga sumunod na oras ay agad na anasikaso ni Alejandro na mailabas ang matanda. Saktong nag-change shift ang mga guwardiya sa oras na iyon, kaya Malaya niyang nailabas ang matanda, sakay sa wheelchair, kasama ni Alejandro ang kaniyang mga kakilala gaya ni Kata at Kulas na nasa labas.Halos isang iglap lang ang mga pangyayari, mabilis na tinago nila si Don Ejercito na isinilid sa isang van."I need you to take him, ilabas n'yo siya sa San Luisita, get him an airline and bring him to my pad in Las Vegas, immediately." Sabi pa ni Alejandro kina Kata na aminadong alam na ang gagawin."Okey, sige, Alejandro." Sabi pa ni Kata habang hawak ang papel na may kasulatan ni Alejandro.Mabuti na lang at marunong din si Kulas na magmaneho kaya alam niyang makakarating ito sa pupuntahan nila."Mag-iingat ka," sabi pa ni Kata kay Alejandro bago pa lumakad. Sa puntong iyon ay natipon na niya ang mga trabahante sa City hall, para magsagawa ng pagwewelga. Agad siya
Nagising si Cassandra sa hindi niya alam na lugar. Madilim ang paligid at tila siwang lang sa itaas ang nakikita niyang liwanag, ramdam din niyang tila umuuga ang kinalalagyan niya. "Nasaan ako?" Sabi pa niya habang kinukusot-kusot ang mata. Aminadong nahihilo pa siya dahil sa ipina-inom ni Jerick sa kaniya. Napakabigat ng nararamdaman niya sa mga oras na iyon. Minabuti niyang gumapang sa sahig hanggang maabot niya ang mga pinagpatong-patong na barrel. Parang may mga laman ito na hindi niya makita dahil sa dilim. Masama ang kutob niya. "T-tulong! Tulong! Tulungan ninyo ako!" Pabalik-balik pa niyang sigaw sa kawalan. Pinagpopok-pok ni
Kasabay ni Alejandro ang mga kapulisan para puntahan ang sinasabing Isla Catalina sa Cebu. Halos hindi niya mawari kung ano ang magagawa niya kapag nakita si Jerick.Sakay siya ng helicopter, at nakipag-ugnayan na rin sila sa kapulisan ng Cebu.Saktong pag-landing nila sa paliparan ay bumungad sa kanila ang head of chief sa Cebu, kasama nito ang iilang kapulisan para tumulong sa pagsagip ni Cassandra. Mabuti na lang at tinulungan siya ng pinsan niyang si Sherwin Dela Cuesta, na kilala rin sa Cebu. Nakipag-ugnayan siya rito para mapadali ang paghahanap niya sa dalaga.Nang maproseso ang gagawin nilang entrapment operation ay agad nilang tinungo ang isla. Buong-loob na nakatingin si Alejandro sa daan. Lulan sila sa sasakyan, habang kasama ang mga kapulisan. Tahimik lang siya sa oras na iyon, halatang pinag-iisipan ang pwedeng gawin.Ilang oras pa ang nakalipas at huminto na sila sa isang pier. "Nandito na tayo sa pier, kailangan nating bumaba para sumakay n
Hawak ni Cassandra ang sandwich habang nakaupo sa kaniyang kama. Nasa hospital pa rin siya sa ikatlong araw mula ng magkamalay siya.Tahimik lang nitong kinakagat ang sandwich na muling tumingin pa kay Alejandro. "Want some?" she asked.Umiling si Alejandro saka ngumiti."Hindi ka ba nagugutom?" sabi pa ni Cassandra kay Alejandro."Hindi." Tipid na sabi ni Alejandro na noo'y nakatingin lang sa kaniya. Nag-iisip kasi ito kung paano niya sasabihin kay Cassandra ang katotohanan na hindi ito mabibigla."Kung makalabas na ako rito, saan tayo dideretso?" sabi pa ni Cassandra kay Alejandro."Magbakasyon tayo sa kakilala ng pinsan ko." Sabi pa ni Alejandro sa dalaga."Saan naman?""Sa isang resort, malapit lang dito.""Hmm..it seems marami kang kakilala rito ah," ngiti pa ni Cassandra sa kaniya.Umiling siya saka ngumiti."Kakilala lang ng pinsan ko," saad pa niya saka tumayo."Oh, saan ka pupunta?" sabi pa
Tulak-tulak ni Alejandro ang wheelchair ni Cassandra habang papunta sa reception ng hotel, nasa LCDDR na sila sa Cebu para mag-relax at magpalipas muna ng panahon, kailangan ni Cassandra na magpalakas at magpagaling mula sa nangyari."Let's go, Alejandro, ang bagal mo naman!" palatak pa ni Cassandra na nayayamot habang kinakati ang pisngi."Easy, Cassandra, malapit na tayo." Saad ni Alejandro na agad namang inasikaso ng sumalubong na staff. Agad niyang nilahad ang card ni Ezekiel, kaya't tuloy-tuloy lang sila sa isang pribadong elevator.Napahanga si Cassandra sa pag-aasikaso nila sa kanila. "Wow, ah. Exclusive suite ba tayo?" nakangiting saad ni Cassandra na hindi mapirmi sa pagtatanong kay Alejandro. Halos mabali ang leeg nito katitingala, katitingin sa bawat madaanan nilang pasilyo.Nang pumaloob sila sa elevator ay inasikaso sila ng staff na siyang pumindot sa button na nasa gilid."Enjoy your stay, sir, maam." Sabi pa ng staff kina Alejandro a