Share

Chapter 42

“Wow, Kuya Henry! Ang ganda naman dito!” nagniningning ang mga matang palatak ni Lester ng nasa loob na sila ng theme park. Mahigpit itong nakahawak sa kamay niya.

“Syempre naman! Basta para sa ‘yo Lester, kahit saan mo gustong pumunta dadalhin kita. And one day, baka sa Disneyland na kita dalhin.” Nakangiting tugon niya sa bata.

Naramdaman niyang kinalabit siya ni Liana.

“Baka naman masanay na si Lester n'yan at hanap-hanapin,” nakangiting saway nito ng lingunin niya ito.

“It doesn’t matter,” aniya sabay kibit-balikat. “Wala namang problema kung masanay ang bata. I can do everything for you and him,” dagdag pa niya.

“Henry….” hindi pa rin mapigilang pagpoprotesta ng dalaga.

Kahit kaila yata ay hindi na ito masasanay sa kanya.

“Could we stop arguing right now?” aniya dito at sinulyapan sina Lester at Aling Perla na nakatingin lang sa kanila.

Nakuha naman nito ang ibig niyang ipakahulugan. Walang nagawa ang dalaga kundi ang bumuntong-hininga .

“Fine…” pagpapaubayang wika nito.

“Okay!
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status