Share

Chapter 48

“Hey! What are you doing here? Akala ko ba mamaya pa tayo magkikita?” gulat na tanong ni Henry sa kanya ng makita siya nito sa lobby ng hotel. May ilang kalalakihan itong kasama na pawang naka-business suit at palagay niya’y mga kliyente nito iyon.

Nilapitan siya nito at mabilis na ginawaran ng halik sa pisngi.

Bigla namang nahiya si Liana ng makitang pinagtitinginan sila ng mga kasama nito pati na ng ilang empleyado ng binata.

“Importante yata ang pinag-uusapan niyo. Doon na lang muna ako sa lounge,” nahihiyang tugon niya kay Henry at muling sinulyapan ang mga lalaking kausap nito kanina.

Sinundan naman iyon ng binata at ngumiti ito sa mga iyon at pagkatapos ay muli siyang hinarap.

“Okay. Patapos na rin naman kami,” imporma nito at iniwan na siya doon at muling binalikan ang mga kasama.

Nagtungo naman siya sa lounge.

Nang matapos siyang makapag-report sa trabaho kanina, napagpasyahan niyang sa hotel na tumuloy. Excited siyang ibalita kay Henry ang good news na iyon at hindi na
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status