Share

Chapter 52

“It’s alright, Liana…. I’m already here… Walang mangyayari masama sa ‘yo habang naririto ako,” masuyong wika ni Henry sa dalaga. Nararamdaman pa niya ang bahagyang panginginig ng katawan nito.

Tiningala siya ng dalaga.

“How did you know that he uses it?” tanong nito na ang tinutukoy ay ang ipinagbabawal na gamot.

“Matagal na akong naghihinala sa kanya. I asked someone to investigate him at doon ko nalaman na gumagamit pala siya. Hindi ko agad ito nasabi sa ‘yo dahil busy ka sa trabaho mo. But, I should have warned you ahead of time para hindi na umabot sa ganito,” aniya kasabay ng isang malalim na buntong-hininga.

Kung nahuli pa siya ng kaunti, baka kung ano na ang nagawa ni Domeng sa dalaga at pagsisisihan niya iyon habang-buhay.

“It’s okay… Dumating ka naman sa tamang oras, eh.” Mahinang usal ng dalaga at inilayo ang sarili sa kanya. “Ano nga pala ang importanteng sasabihin mo at kahit late na ay nagpunta ka pa rito?” nagtatakang tanong nito.

Hinila niya muna ito paupo sa sofa
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status