Share

Chapter 57

“Anong gusto mong malaman?” kaagad na tanong nito ng makalabas sila ng silid ng ina. Nasa mga mata nito ang matinding kalungkutan at pag-aalala ng mga sandaling iyon.

Sa anyong iyon ng lalaki, ibang tao na ang nakikita niya dito. Hindi na ito ang maangas na si Domeng na nakilala niya noon. He’s a very different man right at this moment at hindi pa rin niya mapaniwalaan ang nakikita.

Huminga muna siya ng malalim bago nagsallita. “Kailan mo pa nalaman na may sakit si Inay?” tanong niya dito.

Marahas na pinaraanan ng mga daliri ng lalaki ang buhok nito. “Matagal na. Nagpasama siya sa aking magpacheck-up dito pagkagaling niya noon sa mansyon. Ang alam ko binigyan mo siya noon ng pera,” tugon nito.

Bahagya namang napasinghap si Liana ng maalala iyon. Ang perang iyon ay galing kay Henry at hindi sa kanya.

“Pagkatapos noon palagi na siyang nagpupunta dito. Tumigil lang siya sa pagpapacheck-up ng tumira siya sa inyo,” dugtong pa nito ng hindi siya umimik.

“Ano pang nalalaman mo tungkol
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status