Share

Chapter 7

“Patatagalin mo pa ba ang pag-file? It’s been more than four years Drake.”

Tiningnan ko si mommy habang inaayos ang ribbon sa buhok ni Isabella, kasama namin siyang dadalo sa isang charity event.

“Pero hindi naman patay si Yasmin, wala rin ang mommy niya—”

“Oo nga, naglaho lang sila parehong parang bula, pero kahit saan mo sila hanapin ay wala man lang ikaw clue na nakuha kahit minsan sa loob ng higit apat na taon.”

Nginitian ako ni Isabella kaya nginitian ko rin siya bago ako tumayo mula sa pagkakaluhod.

“Ayusin mo na at nang makapagpakasal ka na sa iba! Iyon naman ang nasa batas, kung apat na taon ng wala at naniniwala kang patay na ang asawa mo na nawawala ay p’wede ka ng mag-file para makapag-asawa ng iba.”

“Isabella, kunin mo na kay Yaya Madel iyong candies na dadalhin mo,” sabi ni mommy sa four years old higit na si Isabella.

“Hindi naman ako nagmamadali—”

“Bakit biglang hindi ka na nagmamadali? Kung kailan may chance ka na?”

“I’m a busy person, saka ko na ‘yan aasikasuhin kapag
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status