What is Love?Can the second lead be also the main lead’s true love?“What’s that?” I tried to ignore him. Well, hindi na katulad nitong mga nakaraang araw. “Alin?” pagmamaang-maangan ko. Hindi ako tumitingin sa kaniya. Hindi niya na kailangang malaman pa ‘yun.“Yung ginawa mo kanina. Para kang bata.” Ilang saglit ko lang siyang sinamaan ng tingin, napanguso pa dahil sa sinabi niya. “What’s wrong with you? Period days mo ba?”“Hindi nga. Ang kulit.”“Bakit ang moody mo?”“Wala. Joke nga lang ‘yun.” hindi man siya naniniwala ay nanahimik siya.Mahirap pala talaga kapag napunta ka sa taong nasaktan ng iba. Lalo na’t mahal nila. Sa bawat interaksyon niyo, hindi mo maiwasang ikumpara ang sarili mo sa dati nitong mahal.Napapatanong na lang ako sa sarili ko;Ganito din kaya siya sa kaniya?Naaalala kaya niya ang ex niya sa amin?Tunay na kaya ang nararamdaman niya o…Sa malawak na lupain na lamang ako tumingin.Baka ako lang ang nakakaramdam.Napabuntong-hini
What is Love?The tears from short-term happinessDays go by normally. Madalas kaming magkausap ni Papa, ganun din sina Iris at Euriel. Naging abala din si Axl sa enrollment niya sa Maynila pati sa business na hina-handle ng kanyang ina pero hindi naman lumilipas ang isang araw nang hindi kami nagkakausap through video chat. At sa loob ng ilang araw ay naging tahimik ang usapan tungkol sa long distance relationships.Nakakatuwa nga na may ilang gabi kaming napag-uusapan ang mga past niya. Kinukwento niya sa akin ang buhay ng isang bisexual noong siya’y high school, sabi niya.“Are you still attracted to men now?”Humigop siya ng kape sa tasa na nasa lamesa niya. Mula sa suot na eyeglass ay naaaninagan kong may tinatrabaho siya sa kanyang laptop.“Busy ka?”“No.” Maya-maya ay nag-iba ang reflection ng liwanag sa kanyang salamin sa mata. I can now see my face there.“May ginagawa ka yata eh.”“Wala nga. I just visited the website of that online enrollment.”Tuma
What is Love?I don’t want to get tired of it… lovingNakakalat ang mga printed copies of reviewer and modules sa lapag ng malawak na lamesa sa dining area. Sa taas sana ako o di kaya sa garden magre-review kaso ay nadi-distract ako sa mahinang bulong ng hangin. Inaakit ako ng tanawin na panoorin na lang siya. Idagdag pa na masyadong nakakalula ang buwang ito dahil midterm exam na namin next week kaya talagang nakakatukso na damhin na lang ang hangin sa labas.“Hija, anong oras na? Bakit nandiyan ka pa? Ayaw mo sa kwarto ka na lang?” nagmano ako kay Lola na bagong dating lang.“Saan po kayo galing?”“Binisita namin kanina ng Lolo mo ang Farm sa Cavite. May kasalan na magaganap sa karatig-bayan malapit doon at kakilala pa ng kaibigan ng Lolo mo, pupunta kami. Gusto mo bang sumama?”“Po? Ngayon po?” kararating lang nila hindi ba?“Next week pa, apo. Napapansin kong hindi ka na masyadong lumalabas ng kwarto nitong mga nakaraang buwan. Mahirap ba ang college?” lumipa
What is Love?Even beautiful people have secrets“ATE!”Ibinuka ko ang aking mga braso sa pagsalubong sa akin ni Iris. Hinigpitan niya ang yakap nang magkalapit kami sa isa’t-isa.“Hindi mo naman ako na-miss.”Parehas kaming tumawa nang maglayo kami. Ginulo ko ang buhok ni Euriel nang makalapit din ito sa akin.“Ilang buwan pa lang tayong hindi nagkikita, ang tangkad mo na agad.”“Margarine lang ‘yan, Ate.” Nginiwian ko lang siya.Nagmano ako kay Papa ganoon din kay Tita Eleanor.“Kumain na ba kayo?” Sabay na tumango ang magkapatid. “Sayang, magluluto sana ako.”“Ikaw?” nairapan ko nang wala sa oras si Axl na kinuha ang gamit ko sa kaniyang sasakyan. Nang-aasar ang ngiti niya.“Marunong ka na Ate?”Aba naman. Talagang minamaliit nila ang kakayahan ko.Ngumanga ako saka tinanggal ang eyeglass. “Nag-aral ako.”“Hindi ba kami malalason diyan, Ate?” hinampas ko sa braso si Euriel.“Ang sama ng ugali niyo.”Tinawanan lang nila ang sinabi ko.Pagpasok ng baha
What is Love?“Thank You.”Nakakailang mura na si Axl habang ako’y yukong-yuko na ang ulo, kulang na lang ay halikan ko ang tuhod ko. Siguro, mas maganda nga kung tuhod na lang ang hinalikan ko. Bakit kasi naisipan ko pang…“Scam talaga,” dinig kong bulong niya.Hindi na niya ulit ako pinapasok sa kwarto niya kaya nandito kami ngayon sa sala. Siya ay nakaharap sa laptop, nagta-type ng kung ano. Mukhang galit pa dahil parang masisira ang keyboard dahil sa pagtitipa niya dito.“Axl-”Nagmura siya ulit, hindi ko alam kung dahil ko o dahil sa tina-type niya.“Inaantok na ako.”Doon pa lang siya tumingin sa akin. Napaiwas tuloy ako dahil kitang-kita na galit siya.“Hindi ko na talaga gagawin iyon ulit. Pakiramdam ko babagsak na talaga ang katawan ko.”Nanatili lang syang nakatingin sa akin. Parang gusto kong tusukin ang mga mata niya dahil sa tindi ng pagtingin nito sa akin. Ito yung kasabihan na kung nakakapatay ang tingin, condolence na lang sa akin.“Tunay nga,
What is Love?“The second lead’s fear.”“Where’s Euriel?”Agad na napalingon ang dalawa - si Iris at axl - na ngayon ay parang may pinag-uusapan.“Masinsinan yata ang kwentuhan niyo.”Tumuwid ng upo si Iris dahil sa sinabi ko.“Nagkakape ka ba?”Umupo ako sa tabi ni Axl, sabay kawit ng kamay ko sa kaniyang braso.“Kiss in the morning will do,” narinig ko ang pagngiti ni Iris. Tiningnan ko siya at kinindatan. “Just pretend you can’t see us.”Umayon na lang sa akin si Iris na nagtungo ng kusina.“Anong pinag-uusapan niyo? Mukhang seryoso kayo pareho.”Hinalikan muna niya ako sa noo bago sumagot. “Ask her for it. I promised her not to tell anyone.”Inirapan ko siya. “Kahit sa akin?”“Kahit kanino. Teresa, promise is a strong word. She trusted me for this.”Wala na akong nagawa kundi tumango. Hindi naman talaga ako interesado na malaman kung anong pinag-uusapan nila. Siguro ay nagtaka lang ako dahil hindi ko kailanman naisip na magsasabi ng sikreto si Iris kay
What is Love?“Out of Place”I can’t totally say if we made it. Did we make it? I just know that after another two years with him, we’re finally at this point.Two years.What happened within those years?I think I’m more mature now. Kaya ko nang makinig ng mga kwento niya, ganon din siya sa akin. Natatanggap ko na paunti-unti na hindi ko dapat ikumpara ang sarili ko sa iba dahil hindi naman ako sila.Tama si Mama Marga, hindi dapat isa lang ang nakikinig sa parte ng relasyon. Dapat parehas ay nagkakasundo, nagkakalinawan at nagkakaintindihan.I think that’s a great recipe for a successful couple. ‘Yung tipong hindi niyo parehas kailangan maging perpekto pero sigurado at walang makakataob sa inyo dahil mas matindi ang tiwala at komunikasyon niyo sa isa’t-isa.The first time I broke down in front of him was two years ago. Sa resto, kung saan minaliit ko ang sarili ko. That’s the last misunderstanding I can recall.Because years passed by, our relationship grows
What is Love?“Favor to ask for”Anuman ang nangyari ay itinago ko na lang sa sarili ko ang pagkadismaya. Pinilit kong umakto sa harap niya na ayos ako… na ayos kami.Ang bilis ng panahon. Noon, hindi pa ako sigurado na aabot kami sa ganito. Ngayon, nag-uumpisa na kami. At dala-dala ko kaagad sa simula ang lungkot.“How’s my look?” tumalon ako sa harap niya sa loob ng walk-in closet. Nagbibihis din siya.Habang pinapasadahan niya ng tingin ang suot kong pair of red long sleeve dwarf suit and jeans ay malawak ang ngiti ko sa kaniya.“Say that I’m cute, please.”Kasabay ng kaniyang pag-iling ay ang multo ng ngisi sa kaniyang labi. Hinalikan niya ako sa noo habang sinusuot pa din ang red long sleeve blouse na kapareho ng akin.“You’re cute kahit ano pang isuot mo.”Pinanliitan ko siya ng mata dahil sa sinabi niya. “May kailangan ka ‘no?”“Bukod sa ‘yo? Wala naman.” Napanganga ako sa banat niya.“I can’t believe this! Napapadalas na pagbanat mo, Mahal. Ano? Agaha