Share

Chapter 29

Chapter 29

"Bakit mo naman kasi ipinukpok ang mga garapon? Tingnan mo nga yang kamay mo, ang daming sugat," pangaral ni Tita habang hinahanap ang benda sa kwarto ko. “At bakit mo ipinamigay ang ipon mo? Pera mo 'yon, pinaghirapan mo."

Hindi ako kumibo, nanatili akong tulala at nakalupasay sa harap ng basag na lamesa at mga garapon. Nakalaylay ang kamay ko habang patuloy na umaagos ang dugo. Napahikbi ako, pinipigilan ang mga luhang pilit na muling kumawala sa aking mga mata.

"Nasaan na ang first aid kit? Pinaglaruan mo 'yon kahapon, Sue. Halika nga rito at tulungan mo akong hanapin iyon. Saan mo inilagay?"

"W-wait lang Tita. Hin—hindi ko po matandaan kung-kung saan ko po in-inilagay," sagot ng kapatid ko.

Nagbangayan pa sila ngunit nanatili akong walang imik sa sala. Tumahan na ang kapatid ko kanina paglabas na paglabas ng pinto ng aming ina.

She's proving to me that we don't always get to be born into the family we want. Hindi natin mapipili kung sino ang magiging magulang natin p
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status