Share

CHAPTER 5 - Natuklasan

Pagkatapos kumain si Zaira ay siya na ang naghugas ng pinagkainan nito at saka niya inutusang lumabas muna sa sala ang bata.

"ang ganda mo namang bata ka.Para kang artista!" namamanghang lumapit si Alice kay Zaira at hinaplos ang mga malambot nitong balat saka tinitigan ang mukha.

"kamukha mo nga ang panika..Para kang manika.Sana pag nagkaroon din ako ng anak .Ipaglilihi ko siya sa manika" hindi na nagawang mahiya ni Alice sa bata na anak ng minamahal na lalaki dahil sa kilig niyang iniisip na magkakaroon siya ng anak at maging mukhang manika din ito pag pinaglihi .

"salamat po .Papa .Lo,la maiwan ko muna kayo jan .It because i Feel sleep!" tulalang nakatingin na naman ang tatlo sa batang nasa harapan nila. Samantalang si Jackson ay natatawa at napapailing dahil sa bata.

"yes baby ..Sleep well..go na!"ngumiti siya sa bata at tumuloy si Zaira sa kwarto kung saan sila galing kanina.

"si Zai...?" tanong ni Jane pagkalabas si kusina.Nakita niyang nakatingin si Jackson sa damit niyang basa.

"pumunta sa kwarto na Magpalit ka ng damit at baka matuyo yan magkasakit ka " tinignan ni Jane ang damit na basa at kita niyang bumakat ang pusod niya.

"cg pero pwede ba tayong mag usap ?" tumango si Jackson at tumuloy naman sa kwarto si Jane para magpalit ng damit.Laking pasalamat niya dahil nadala niya ang isang bag at nakalagay doon ang ibang damit ni Zaira at ganun din siya. Puro pambahay ang naitabi niya sa bag kaya sumakto sa sitwasyon nila.

Napansin niyang may travelling bag sa gilid at alam niyang walang ganong bag isa sa dala niya noong tumatakas sila.

Bilis niyang nilapitan ang bag at binuksan ito .Laking gulat niya na pera at mga gamot ang nasa bag .Halos mapaupo siya sa natuklasan dahil malaking halaga ang laman ng bag .

Binilisan ni Jane ang nagpalit ng damit at lumabas .Hinanap ng mata niya si Jackson ngunit hindi niya makita sa sala .Wala ng tao doon bilis siyang lumabas at nakita niya ang mga kapitbahay ng pamilyang kumupkop sa kanila .Nakatingin ang mga to at humanga dahil sa puti niya .

Paglingon nakita niya si ang ina Jackson na abala sa pagbibilad ng tuyong isda.

"nay .si Jackson po?" magalang niyang tanong sa ginang hahang palapit siya kinaroroonan nito.

"a iha..nasa likod .nagdidilig ng gulay !" tuwang saad ni Martha at tumango si Jane at humawak sa braso ng ginang.

"puntahan ko lang po !" nagpaalam siya sa ginang hindi na niya hinintay ang sagot nito at hinanap niya ang binata sa likod ng bahay nila.

"jackson!" nagulat ang binata at lumingon kay Jane .Hindi nakasagot agad si Jackson dahil sa itsura ng dalaga nakashort ito ng maiksing kulay itim at naka sando .Napalunok ng wala sa oras ang binata dahil nakatuon ang tingin niya sa dibdib ng dalaga.

"ba-bakit ganyan ang suot mo!" naisip niyang baka madaming lalaki na taga sa kanila ang magkagusto sa babae.

"hoyy ..halika ka ..may ipapakita ako " hinila ni Jane si Jackson na mas tulala ng hinahawakan ni Jane ang kamay ng binata.Halos manyak na si Jackson dahil ang kanyang tingin ay nakatuon sa pwet ng dalaga habang naglalakad sila papunta sa kwarto .

"sa-sandali...ano ba balak mo sa akin .Maligo muna ako!" napanganga si Jane sa sinabi ni Jackson .

"hoyyy !!! nanaginip ka ng gising .!" pumitik siya sa mukha ni Jackson.

"ehh bakit mo ba kasi hila hila..Nang aakit pa yang suot mo.Wala ka bang ibang damit jan .!" pagrereklamo ni Jackson dahil sa pagkapahiya.

"pang bahay yung nadala kong damit namin ni Zai.." sinipat niya ang alaga tulog parin ito at nakatalikod mula sa kanila.

"ohh ..bakit mo ako hinila dito!" umupo siya sa kama .May dismaya siyang nadarama ngunit nagtataka siya dahil bigla bigla nalang siyang hinila ng dalaga.

Kinuha ni Jane sng bag at nilapag ito sa hita ng binata.

"pakipaliwanag kung ano yan!" napakamot ng ulo si Jackson dahil hindi niya pala naitago ang bag na bilin ng doktora sa kanya.

"ano ba laman nito,bigay kasi to ni doktora nung tangka ko siyang tulungan.." pagbukas niya sa bag ay nabitawan niya ito at nalaglag sa sahig .

"ba--bakit ganyan karami yan!" buong buhay niya ngaun lang siya nakakita ng maraming bundle ng pera.

"ewan ko sayo .ano ulit sabi ng doktora nung binigay sayo yan" turo niya sa bag na nasa sahig.

"sabi niya kunin ko yang bag at anjan yung tunay na gamot ni Zai hindi ko alam na may halaga pala" mahina lang ang kanilang boses dahil baka may nakikinig sa usapan nila.

Huminga ng malalim si Jane at pinulot ang bag saka umupo sa tabi ng binata .

"kailangan natin umalis dito at magbagong buhay sa syudad hindi dito.Alam mong hindi sanay si Zaira!" malungkot siyang lumingon kay Zaira ng mahimbing parin sa pagtulog.

"oo alam ko...Pero sige yan ang gagamitin natin para mag bagong buhay at mabigyan ng maayos na buhay tong batang to at sana makagawa rin tayo ng atin aaaray aray ." napadaing siya sa sakit na kurot ng dalaga mula sa tagiliran niya.

"para kang alimango kung kumurot." pagrereklamo habang iniaangat ang damit para tignan kung may sugat ang tagiliran.

"ibaba mo nga yan..Kalalaking Tao .Oa !" sinampal ang braso ni Jackson na nakaangat dahil nasisilayan niya ang abs nitong matitigas.

"ibaba mo na yan ..Oa ka " tumayo na siya at hinanap ang bag na naglalaman ng mga papeles na iniwan sa kanya ng kanyang amo .

"ano mga yan!" binuklat niya ang mga to at umupo sa sahig.Ginaya din siya ni Jackson at tinignan ang mga papel na nilalapag niya sa sahig.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status