Share

CHAPTER 4 - Pagpapaliwanag

Nagngingitngit ang kalooban ni Alice dahil sa itsura ng asawa ng kaibigan.

Maganda at maputi ito .Samantalang siya ay morena lamang maganda siya sa paningin ng taga sa kanila ngunit baka maagawan siya ng spot light pag nakita nila ang babaeng asawa ng kaibigan at ikumpara ito sa kanya.

"nay ,tay, alice, maiwan ko muna namin kayo at mag papahinga na kami dahil pagod na tong asawa ko sa byahe.Baka makagawa pa kami ng bagong an... awwww!" siniko ni Jane si Jackson habang nagpapaalam sa magulang dahil sa sobrang daldal ay nakatikim ito.

Namimilipit si Jackson sa sakit mula sa tagiliran niya hindi niya akalain na ganon pala kasadista ang babae.

Naunang pumasok si Jane sa loob ng kwarto at nakita niyang nakatulala si Zaira .Mabilis siyang lumapit sa alaga .

"zaira are you okey !" pag aalalang tanong niya sa dalagitang nakatulala parin.

"asan tayo .nanaginip akong may humabahabol at papatayin nila tayo!" nangangapa ang isip ni Jane kung ano ang pwedeng ipaliwanag sa alaga kung ano ang nangyayari.

"bakit nasaan tayo ate.Kubo po ito !" nilibot ni Zaira ang paningin sa buong kabuwan ng kwarto.

"makinig ka sa akin ah !" binulungan niya ang dalaga saka muna siya tumayo para silipin ang labas at nilock ang pintuan .

"alam ko matalino ka .at naiintindihan mo ang sitwasyon totoo ang panaginip mong may naghahabol sa atin at gusto ka nilang kunin ." hinaplos ni Jane ang mukha ni Zaira.

"kaya andito tayo dahil tinulungan tayo ni Jackson .Boyfriend ko tinulungan niya tayong makatakas at makalayo doon .!" niyakap niya ang dalagitang mukhang nalilito .Kailangan niyang sabihin na kasintahan niya ang lalaki para hindi mailang ang alaga.

"alam mong madaming pinagkakautangan ang mga magulang mo .Sila ang gustong mawala ka .kaya kami ng kuya Jackson mo ay nagpanggap na magulang mo ." hinawakan ni Jane ang dalawang pisngi ni Zaira .

"magpapanggap tayo. anak ka namin ayon sa pagpapakilala ni Jackson sa mga magulang niya .Dito tayo sa bahay at lugar nila " hinawakan ni Zaira ang mga kamay ng kanyang Ate Jane na siyang tinuring niyang totoong ate at hindi Yaya.

"oo!! .naiintindihan ko lahat at thank you po sa inyo" niyakap niya ng mahigpit ang alaga dahil sa naiintindihan agad ni Zaira ang sitwasyon .

"so mama at papa tawag ko sa inyo" ngumiti si Zaira at naging masaya ang kanyang damdamin dahil may tatawagin na siyang mama at papa.

"sya sige ...gusto mo na bang kumain!" alam niyang gutom na ang dalagita dahil sa tagal nitong nakatulog .

"yeah!" matipid na sagot .

"but.kailangan mong mag adjust kasi baka hindi mo gusto ang pagkain dito.Wag mong pahalata na galing ka sa mayaman na buhay ah ..Kasi magtataka sila!" tumango lamang si Zaira at nakinig sa kung ano pang sabihin ng kanyang ate.

"halikana !" tinulungan niyang makatayo si Zaira at hawak niya ito ng braso .

Paglabas nila sa kwarto ay napanganga ng tuluyan si Alice dahil sa nakikita niyang magandang dalagita mula sa harap niya.Matangkad at slim ang katawan ni Zaira na maputi .Namumula ang kanyang mukha dahil nahihiya ito na siya namang kinamangha ni Alice .

Ibang iba ang anak ng lalaking mahal niya sa itsura nilang mag asawa.

"nagtataka ka siguro .Alice kung bakit iba ang itsura ng anak nila .nuh?" tumango si Alice st naghintay ng sagot sa tanong ng ginang sa kanya.

"pinaglihi ni Jane sa manika ang apo ko kaya ganyan kaganda.!" tuwang tuwa si Martha dahil nakita na niya ng buong buo ang apo .

Kahit siya ay nagtataka ngunig ramdam niyang magaan ang loob niya sa batang nakatayo sa harap nila.

"hello po!" kinabahan si Jane dahil sa pagsalita ni Zaira .Hindi niya pala nabilin na dapat simpleng galaw lang.

Ang ginawa kasi ni Zaira ay yumuko ito at bumati sa kanila .Napanganga naman ang magulang ni Jackson at so Alice ganon din kay Jackson .Mahihirapan silang itago sa tunay na ugali ng dalagita.

"sorry .sa kanonood niya ng korean drama !"

Mabilis na inakay ni Jane si Zaira sa kusina at sumunod naman si Jackson sa kanila.

"hello Zai !" kumaway si Jackson sa dalagita at siniyasat niya ng mabuti ang mukha ng dalagita at kamukha nga ito ng doktora.Hawig na hawig sila pero hindi pa masiyado halata dahil payat ng kaunti ang batang babae at bata pa.Muli niyang naalala ang doktora na sugatan at hindi sigurado kung mabubuhay pa siya .

"hello .papa right!" ngumiti siya dito at tinignan niya si Jane.

"pinaliwanag kona sa kanya lahay kaninang nadatnan ko .Baka kasi magtaka sila kung hindi natin siya makausap ng maayos tungkol sa pagpapanggap." malaking pasasalamat ni Jackson dahil naintindihan agad ng dalagita ang sitwasyon.Kaso malaki ang problema nito dahil hindi ito sanay sa mahirap na buhay.

"wag kang mag alala hindi siya pihikan at maarte.Balik kana doon " tinaboy na ni Jane ang binata .Binuksan niya ang lagayan ng ulam at pinakita kay Zaira.

"okey lang po ako .Nakaligtas nga po tayo sa kamatayan.Alangan naman po mag inarte pa ako dahil lang sa ulam.Doon kana po .ako na bahala dito!" umupo si Jane sa tabi ni Zaira.

"dito lang ako .Baka kasi matinikan ka ." alam ni Jane na makakaya ng alaga ang mabuhay sa probinsya pero kailangan ng alaga ang tamang gabay para masanay ito gaya niya.

"itlog ito .gusto mo may adobong manok din dito!" inabot niya lahat ng ulam na nasa mesa at kumuha naman si Zaira .

Dahil gutom na siya ay walang alinlangan niyang sinubo ang kanin at ulam mula sa kutsara nito sa una ay hindi niya kayang lunukin pero nung naramdamdaman niyang maayos naman ang luto ay ginanahan siyang kumain ng kumain. Tuwang tuwa naman si Jane sa nakikitang improvement ng alaga.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status