Share

CHAPTER 3 -Pagpapakilala

Nagluluto ng malasadong itlog si Aling martha ng may nauligan siyang tunog ng sasakyan na palapit sa kanilang kubong bahay .

"tonyo ! tonyo! meron na ang anak mo .siya na ata tong parating!" hananao niya ang kanyang asawa na abala sa ginagawang lambat .

"meron na ba .!!tara salubungin natin ang anak natin!" tumayo ang si Tonyo saka pumunta sila sa labas ng bahay dahil tumigil ang kotse sa harap ng bahay nila. Bumalik muna si Martha sa loob ng kusina para takpan ang mga ulam dahil baka itakbo ng mga pusa nilang alaga lalo .Isda ang ibang niluto niya.

Kinarga niya muna ang isa sa pusa na kumukiskis sa paanan niya at nilagay sa loob ng kwarto nila.

"martha ! martha halika !" sa sobrang taranta ng asawa ay bilis siyang lumabas para makita ang anak.

"nay tay!" nakangiti si Jackson sa kanyang magulang dahil nagtataka ang mukha nila sa kasamang babae .Nakanganga ang mga ito at gulat na gulat.

"hello po magandang umaga po!" lumapit si Jane sa magulang ng lalaking kasama. Nagmano ito sa kanila at ngumiti.

"anak!" ang tanging nabanggit lang ng ina ni Jackson .

"nay ! tay asawa ko pala.Si Jane .tas yung anak namin tulog sa loon ng kotse.!" animo mahaba ang leeg ng mag asawa para silipin ang natutulog na dalagita sa loob ng sasakyan .

"ha.!!! " napakamot ng ulo si Tonyo kahit hindi makati dahil di man lang papasukin ang anak bago sila magkakilalan sa daan .

"pa--pasok kayo .Naku iha pagpasensyahan mo na at hindi kayo napapasok agad .Anak kunin ko na mga gamit mo at kunin mo ang anak mo baka nangawit na sa loob ng sasakyan .!" bilis na kinuha ni Tonyo ang mga bag na hawak nila at inalalayan naman ni Martha ang asawa ng anak na pumasok sa loob .Matangkad si Jane kaya yumuko muna siya sa pintuan ng bahay bago pumasok .Ganon din si Jackson na karga si Zaira na hanggang ngaun ay tulog parin.

"deretso mo siya sa kwarto mo anak .Dating maayos yun at kapapalit ko ng ng punda at sapin ng kama!" hinawi ni Martha ang kurtina st binuksan ang pintuan para hindi na mahirapan ang anak.Pagkalapag sa dalagita ay kumunot ang noo niya dahil ang layo ng itsura ng bata sa kanyang anak at asawa nito.Makinis ang kutis at maputi ganon.

"ah nagtataka po kayo siguro kung bakit iba mukha niya sa amin.Sa katunayan .Pinaglihi ko po siya sa manika.Kaya parang manika po ang mukha diba po!" halos lamunin ng lupa si Jane dahil sa pagsisinungaling.Binalingan niya si Jackson na nakatingin sa kanila .

"ayy kaya pala ...ang gandang bata kasi ..halika na kayo Mag umagahan muna kayo bago kayo magpahinga!" pumunta siya sa kusina at kumuha ng plato .Muling natakam si Jane sa mga ulam na nasa mesa .Matagal na siyang hindi nakakatikim ng ulam na simple. Simula nung nagtrabaho siya sa bahay ng Chua ay hindi na siya nakaka ulam ng mga pritong isda at itlog. Maselan kasi ang amo niyang babae kaya ang laging ulam nila ay luto ng chef nila.

"bakit anak malaki na yang anak mo ngaun mo lang sila pinakilala ?" nasamid si Jane sa tanong ng ina ni Jackson .Hindi niya naisip na pwede niyang itanong yon ng kanyang ina.

"nabuntis ko kasi siya nay .Tinago niya sa akin ng matagal na panahon kaya nung nalaman kong buntis ..hindi ko na pina uwe kinuha kona sila" patagilid niyang tinignan ang binata dahil sanay na sanay ito kung magsinungaling.

"gag* po kasi siya noon kaya hindi ko po .pinakilala sa kanya si Zaira .babaero po!" pambawe naman niya at ang mga paa nila ay nagbabakbakan sa ilalim ng mesa.

"grabe ka anak .Sapat lang pala hindi pinakilala ni Jane ang anak niyo." umawang ang labi ni Jackson dahil naniwala agad ito sa sinabi ng dalaga.

"noon lang po .Nagbago na.Hindi ko kasi maalis na mas maganda pala tong asawa ko sa mga babae" halos lumuwa ang mata ni Jane sa gulat at hiya sa lalaki .Akala mo totoo ang sinambit ni Jackson dahil napahawak pa siya sa kamay ni Jane.

"wala sa script yang..pagkamanyak mo!" bulong niya kay Jackson .

"relax..." tumawa lang ito at lalong dinikit ang katawan sa dalaga.

"nay Martha !" sa lakas ng boses ng babaeng nasa pintuan ay napatingin silang lahat .

"Alice ikaw pala...Napaaga ang pagpunta mo dito .!" tanong ng ginang habang tumayo at lumapit ito sa dumating na babae.

"balita ko po kasi meron na si Jackson .." malambing kung magsalita si Alice.

"oo meron na.Halika nag uumagahan kasi sila .Kasama niya ang asawa niya at anak nila." tumigil sa paglalakad si Alice dahil sa naririnig niyang salita galing sa ina ng matagal na niyang mahal.

"iha ..halika tuloy ka dito ." saka lang siya natauhan dahil sa boses ng ama ni Jackson .

"maraming salamat po " pagkaupo niya sa harap ng mesa ay nakita niya ang dalawang tao sa harap .

May kirot siyang nadarama dahil ngumiti lamang ang binata sa kanya ganun din ang babaeng katabi.

"a alice .asawa ko nga pala si Jane!" pakilala ni Jackson sa kababata niyang kaibigan .

"may asawa kana pala.." gusto niyang umiyak sa harap ng lalaking mahal niya ngunit pigil na pigil ang kanyang damdamin .

"ah oo ..matagal na" napakamot ng batok si Jackson hindi niya gustong saktan ang kaibigan.Alam niyang matagal na siyang gusto nito ngunit hindi niya magawang suklihan dahil kapatid at kaibigan lang ang nararamdaman niya.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status