Share

CHAPTER 2 - Pagbyahe

"pasok" utos ng lalaki sa mga tauhan .

Bilis na umakyat ang isang tauhan at pinagbuksan ang mga kasama mula sa gate .

Pagkapasok nila sa gate ay mabilis silang pumasok sa loob ng mansion ng dahan dahan.Akala nila may tao parin sa loob ng mansion kaya animo parang magnanakaw ang mga to na dahan dahan pumasok at hindi nakakagawa ng ingay .

Nilibot nila ang paningin ay tahimik at maayos kaya pumunta sila sa kwarto kung saan may hahanapin sila.

"shit naunahan nila tayo wala na sila dito at nakaalis na"

"halughugin ang buong bahay hanapin ang hinahanap ng dokumento!" sigaw ng lalaking nakatayo sa harap ng hagdan .

Halos magintigan ang mga ngipin dahil sa inis na nawala ang mga target .

"boss mukhang nadala nila pati mga alahas ng mga chua ay nawawala ganun din po sa mga kwarto dito .May mga natirang dokumento sa opisina ngunit wala doon ang pakay boss" .tikom ang kamao ng pinaboss dahil sa galit.Nagtataka siya kung sino ang tumulong sa kanila gayong walang alam ang katulong at batang kasama nito.

"teka ano nangyayari at nagmamadali tayo .Bakit si Doktora ano po nangyari sa kanya?" tanong ni jane sa lalaking nagmamaneho sa kotseng sinakyan nila.

"saka ko nalang ipaliwanag basta makalayo kayo dito kasama ng bata.!" hindi na siya nagtanong pa dahil mukhang seryoso ito st nagmamadali dahil sa bilis ng pagpapatakbo ng sakay nila.

Tinignan niya ang alaga niyang nakahiga sa likod na upuan tulog parin to at malungkot ang mukha.

Huminga siya ng malalim at dumeretso ng upo at tumingin sa harapan at nakikita niyang madilim na ang paligid at walang kabahay bahay ang nadadaanan .Ramdam niyang nasa panganib sila pero hindi niya ramdam na mapanganib ang lalaking kasama nila.

Muli niyang kinuha ang cellphone at tinignan ang mansion kung ano ang nangyayari .May kinabit siyang hiden camera mula sa chandelier kaya hindi makikita ng kung sino man ang papasok sa loob ng bahay.

Napatakip siya ng labi ng makita ang mga armadong lalaki sa loob ng bahay at pinagsisira lahat ng gamit .

Nangunot noo si Jackson dahil sa inasal ng babae .Tinabi muna niya ang kotse saka hinablot ang cellphone na hawak ni Jane.

"shit.!!! talagang seryoso sila." inis niyang kinalambag ang manibela ng kotse sa napapanood niyang ginagawa ng mga armadong lalaki.

"Itapon mo ang cellphone mo .Yan ang gagamitin nilang Trace para mahanap nila kayo .Lalot nakita nila yang nilagay mong Hiden camera!" napamulagat si Jane sa naririnig .Ayaw niyang itapon ang cellphone dahil andito lahat ang impostanteng files na binigay ng amo bago sila mamatay .Hindi pa niya nabuksan yon dahil kabilin bilinan ng amo na wag bubuksan ..

"hindi pwede .andito ang mahahalagang files na iniwan sa akin ni Sir Christ." muli niyanh binulsa ang cellphone.

"nasa SD card ba naka save yon ?" lumingon sa kanya ang lalaki na naghihintay ng sagot niya.

"oo .Dito niya kasi pinasa lahat !" pagtatakang sagot niya

"then tanggalin mo ang SD card and itapon yang cellphone. Copy mo na lahat yang nanjan sa cellphone mo .At burahin mo lahat!" utos nito at ginawa naman niya .Alam niya ang lahat kung paano gawin yon dahil pinag aral siya ng mga sa kursong IT .at kumuha ng Programming kaya lahat ng pasikot sa cellphone ay alam niya.

Pagkatapos niya ginawa ay binigay niya sa lalaki ang cellphone at kumuha ang lalaki ng alcohol saka nito binuhusan at pinunasan .Hindi na niya tinanggal ang tissue dito kaya kita niyang wala ng bakat ultimo daliri niya sa cellphone .Bumalik sila sa pinanggalingang daan at lumiko .Nagtataka siya dahil bumaba ang lalaki at kinuha ang cellphone na nakatakip sa tissue hindi na niya iyon na off kaya alam niyang ililigaw niya siguro ang mga hahabol sa kanila kung ma trace na nila ang cellphone na gamit mula sa hiden cam na nilagay niya. Bumalik ang lalaki sa kotse at muli silang bumalik sa daan kung saan sila tumigil at dumeretso na sila.

"Paano mo nasabing si doktora ang nagutos sayo na ilayo kami sa mga armadong lalaki?" kanina pa niya gustong itanong sa lalaki at panalangin niya na sana sagutin niya ito.

"naaksidente si doktora .Sa kamamadaling puntahan kayo.Nalaman niyang isa ang ama niya ang gustong mawala ang batang yan .At ang gamot na pinapainum sa batang yan ay hindi pala yon ang reseta niyang binibigay sayo kundi pinapalitan ng isang tauhan niya sa hospital kung saan kumukuha ka ng gamot.Kaya ang ginawa niya ay iligtas kayo ngunit walang puso ang ama niya. Pinasira ang preno nito at buti nakasunod ako .Kaya nung tinignan ko siya sa kotse niyang bumangga ay naghihingalo na siya !" bahagyang tumigil ang lalaki sa pagkwento dahil nagpunas ito ng luha.

"napansin niyang gusto ko siyang tulungan ngunit tinulak niya ako" bumalik ang ala ala niya sa aksidenteng ganap.

"doktora ...ililigtas ko po kayo ..!" binuksan niya ang pintuan ngunit tinulak siya ng doktora .

"i..iligtas mo si zai...please.take my bag at the back Jackson .Parang awa muna iligtas mo ang anak ko!" halos nangatog ang tuhod niya dahil sa narinig .Anak niya ang batang anak ng kalaban malaking katanungan kung paano nangyari.

"punta kana...bago pa mahuli ang lahat Jackson .!!parang awa muna para sa anak ko..." tumango na lamang ai Jackson kahit nanghihina at ayaw iwan ang amo ay sinunod niya ang gusto nitong iligtas ang anak na sinasabi niya. Kinuha niya ang bag na malaki sa likod at hindi niya muna binuksan at sumakay agad sa kotse.Tumawag na siya sa ambulance bago pa mahuli ang lahat .

Hindi na muna niya sinabi sa babae ang tunay na nangyari pagkatao ng batang kasama niya.

"buhay pa ba si doktora .nang iwan mo siya sa daan!" ang tanong ng babae ay hindi siya sigurado .

Umiling siya at nagpatuloy sa pagmamaneho .

Ilang oras ang kanilang byahe patungo sa probinsya kung saan doon siya nakatira at magtago muna.

Pag lingon niya sa babae ay tulog na din at ganon din ang batang babae sa likod.

Pagkarating nila sa probinsya ay madaling araw na at malapit nang magkita ang mahal na araw.

Kita niya sa kubong bahay nila gamit ang telescope nakita niya na gising na din ang mga magulang niya kaya ginising muna niya ang babae.

"pagdating natin sa bahay .Magpanggap kang asawa kita at anak natin si Zaira.Kausapin mo ng masinsinan ang batang yan .Para ipaliwanag ang lahat .Okey!" napanganga si Jane sa narinig mula sa lalaki .

"maniniwala kaya sila!" .tanong nalang niya ito dahil ayaw niyang maging asawa ang lalaking hindi pa niya kilala ng lubos.

"maniniwala sila basta galingan mo magpanggap !" kumindat si Jackson sa babae kaya umirap ito sa kanya.

"o siya .simulan na natin .Dapat honey ang tawag mo sa akin at tuwing umaga magpapahalik ka ha !" gustong matawa si Jackson sa itsura ng kausap kulang nalang bubuga ito ng apoy .Magsasalita na sana siya ngunit sinunggaban ni Jackson ng halik si Jane. Saka lang niya binitawan ang labi ng dalaga ng kinurot siya nito sa tagiliran .

"ahhh aa aray!!" pagrereklamo niya habang namimilipit ito sa sakit dahil sa kuko ng dalaga.

"manyak ka ..manyak .kung alam ko lang na ganyan ang gagawin mo sa akin sana hindi nalang kami sumama" umiyak na si Jane dahil ang first kiss niya ay nawala na.

"sorry na..Kaya nga hinalikan kita para pag nagpapanggap tayo sa harap ng mga magulang ko hindi na sila magtataka ..ano kaba ..sorry na!""umiiyak parin ito at takip ang bibig.

"magnanakaw ka ng unang halik!" ...natawa si Jackson dahil parang bata ang kaharap na naagawan ng candy .

"virgin kapa.Sa tanda mong yan!" pang aasar niyang tanong.

"30 palang ako g**o makamatanda ka .ah..bakit ilang taon kana ba!" inis niyang binato ito ng tissue.

"ate pala kita eh " tumawa siya ng tumawa .35 na siya ngunit hindi halata dahil matikas siyang tignan at gwapo .

"ate mukha mo !!'" umiyak parin si Jane dahil hindi niya tanggap na nawala na ang first kiss niya nakuha ng lalaking hindi niya mahal at ngaun niya lang nakita.

"fine ...35 ko na at ako nga pala si Jackson Mateo .kaya dapat magkakilala muna tayo at magisip kung ano ang script sa pagpapanggap natin!" napapaisip kung ano ang una nilang pakilala sa mga magulang nito.

Nang hind na magsalita si Jane ay pinaandar na ni Jackson ang kotse .Tinatahak nila ang daan patungo sa bahay nila.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status