Camelle's POVPuting kisame ang unang bumungad sakin nang naimulat ko ang aking mga mata. Ilang segundo pa akong nakatulala hanggang sa bumangon na ako na sapo ang aking noo.Nasaan ako?Napalingon ako sa paligid at saka ko napatanto na nasa kwarto pala ako. Nandito pa rin ba kami sa resort? Napalingon ako kay Kaiden. Nasa tabi ko lang siya at natutulog habang nakahawak sa kaliwang kamay ko. Napatingin ako sa orasan na nakasabit sa may pader, 9:56pm na.Biglang bumukas ang pinto at iniluwa nito si Theo na magulo na ang buhok ngunit gayon paman ay mas naging attractive siya sa ganoong hitsura kahit na mukhang problemado.Natigilan ito nang makita niya akong gising na."Hon"Napakurap nalamang ako at napatitig nalang sakanya.Hindi ko alam kung bakit ang bigat ng dibdib ko. Dahil ba sa nalaman ko ang nakaraan ni Audrey? Dahil ba sa nakita ko kung paano siya naghirap para buuin ang pamilyang gusto niyang ibigay kay Kaiden? Nasasaktan ako para kay Theo.Pero hindi ko maiwasang maawa rin
Mga bandang alas dyes ng umaga ay nagpasya kaming tatlong bumalik na sa loob ng resort lalo na at medyo sumasakit raw ang ulo ni Steff kaya naman ay agad namin itong sinabi kay Kuya Matthew. Biglang nawala ang pagkamaloko nito at nagpalitan ng pag-aalala ang pagkaseryoso."Are you really okay iha? I can call our family doct——"Ayos lang po ako Tita. Nahilo lang talaga ako bigla kaya siguro sumakit ang ulo ko" mukhang nababahala si Mama Alessandra pati na rin ang papa ni Theo na si Tito Maverick.Medyo naguluhan man ako sa sinabi ni Steff ay napatango nalamang ako sa sinabi niya."Let's go. Kargahin na kita—"Wag na kaya kong maglaka——"Steff, wag matigas ang ulo mo"Medyo hindi ako makapaniwala na nakikitang seryoso si Kuya Matthew. Hindi ako sanay. Walang nagawa si Steff at nagpakarga nalang sa asawa. Kinarga siya nito na pang bride style at napasandal nalamang ang ulo niya sa balikat ni Kuya Matthew. Pagkatapos ay nagpaalam si Kuya Matthew saamin na pupunta muna sila sa kwarto nila
Naghiyawan sila at mukhang pinagti-tripan kaming dalawa ni Theo. Ang loko naman ay mukhang nag e-enjoy pa kaya naman ay inismiran ko nalamang siya. "Maloko" bulong ko pa sa sarili."I can still hear you"Ngumiwi nalamang ako."Wag kang ganyan Theo, Audrey is blushing right now" Napayuko nalamang ako at napatabon sa magkabila kong pisngi gamit ang aking mga palad dahil sa panunuksong tono ng boses ni Mama Allesandra.Napalingon ako sa deriksiyon niya at ngiting ngiti naman ang mama ni Theo samantalang si Tito Maverick ay kanina na palang natutulog habang nakahiga na ang ulo nito sa may kandungan ni Mama Allesandra.Ilang oras kaming nanatili dito at napuno kami ng usapan, tuksuhan at tawanan hanggang sa sila nalang mismo ang umiinom samantalang ako ay mukhang gusto ng mag knock-out. Naka pitong shot lang ako ng maliit na basong iyon pero grabe na ang tama sakin. Kung ano-ano na ang binubulong ko sa sarili na hindi nila napapansin. Hindi ko na nga rin alam kung tungkol saan na ang pin
Kinabukasan ay maaga akong bumaba ng lobby at doon muna tumambay kasama si Kaiden samantalang si Theo ay natutulog pa doon sa kama at iniwan nalang namin doon. Isa pa ay ayaw ko rin siyang makaharap ngayon. Naiilang ako sakanya lalo na sa ginawa ko kagabi. Hindi ko alam kung bakit bigla nalang akong nainis sa kanya at nagalit. Nagtatampo ba ako? Ayaw kong isipin. Siguro nasaktan lang talaga ako sa sinabi niya na 'Sinasabayan niya lang yung sinasabi ko'Hindi ko rin siya masisisi. Ako mismo ang nag request sakanya na kahit makinig o magpanggap nalang siyang makinig sakin. Kahit na sagotin niya nalang ang mga walang sense kong mga tanong. Nakakasama lang talaga kasi ng loob kahit na naging sincere naman siya sa naging sagot niya kagabi na mamahalin at tatanggapin niya pa rin ako pero as Audrey na nagbago na.Naghalo-halo ang emosyon ko pero mas nangingibabaw ang hinanakit. Nakakaloka pala ang magmahal ng ganito, kung ano-ano nalang ang mga pinag o-overthink mo sa sarili mong isipan."Ma
"Anak ng!!"Agad akong napahawak sa dibdib ko ng saktong pagkalabas ko ng cubicle ay si Theo ang bumungad sakin."Bakit ka nandito?!" medyo nataranta pa ako at kinakabahan."I'm waiting for you" "Ha? Dito? Women's comfort room to, baka anong sabihin ng mga tao sayo——"I don't care""Anong 'I don't care?' pwede ka namang maghintay sakin doon sa labas"Tinignan niya lang ako saka tinalikuran, nagmukha pa tuloy siyang batang nagtatampo na senermonan ng nanay. Nauna pa siyang lumabas sakin kaya naman ay sumunod nalang ako. Nag-aalala ako na baka may makakita sakanya dito. Pumasok ba naman dito.Nang makalabas kami ng tuluyan ay saka niya ako hinarap."What Can I do?""Ha?""I know that you're mad at me. Anong dapat kong gawin?" napaiwas ako ng tingin."Hindi naman masyado"Tinitigan lang niya ako at mukhang naghihintay na magsalita pa ako. Hindi ko na matagalan ang titig niya sakin kaya naman ay salubong ang kilay kong hinarap siya.Napabuntong hininga nalamang ako.Ang kapal ng mukha ko
Nang makarating kami sa Consuelo's Hospital ay saktong nakasalubong ko naman si Ysha."Omy gosh! Hi!" masigla niyang bati sakin at agad na nilapitan ang kinaroroonan namin."How are you? Matagal tagal na rin nong huli tayong nagkita. Busy talaga ang life" Napangiti lamang ako."Omo! Sino yan? Anak mo?""Oo" nakangiti kong sabi at hinawakan ng mahigpit ang kamay ni Kaiden. Si Kaiden naman ay nakatingalang nakatitig lang kay Ysha."Oh hello baby? What's your name?""Kaiden po""Ay iba rin! For sure maraming babaeng bibiyakin nito——"Huy!" agad ko siyang tinampal sa braso bagay na ikinatawa niya lalo."Just kidding" Napahawak nalamang ako sa noo ko dahil sa pagkahype niya. May pa flip pa ng hair pa siyang nalalaman. "Para ka talagang si Camelle. Ang hilig panampal sa braso ko""Tsk" natatawa nalamang akong napailing."Mama sino po yan" bulong pa sakin ni Kaiden na bahagya pang tumingkayad para maabot niya ako pero sadyang hanggang hita niya lang talaga ako kaya naman ay ako na mismo a
Kinabukasan ay maaga akong nagising. Mahimbing pang natutulog si Theo kaya naman ay hinayaan ko nalamang siya doon sa kama ko lalo na at mukhang pagod ang katawan nito.Nag-ayos muna ako sa sarili at nanghilamos pagkatapos ay dinaanan ko muna ang kwarto ni Kaiden at pati rin ito ay tulog pa kaya naman ay nagpasya muna akong bumaba at tumulong sa kung ano mang dapat gawin pa dito.Magluluto na sana ako kaso pagkarating ko sa kusina ay saktong kakatapos lang din ni Manang magluto ng agahan kaya naman ay uminom nalang muna ako ng kape dahil wala pa akong ganang kumain. Nag-usap pa kami ni Manang hanggang sa namataan ko si Ate Ruby na may dalang laundry basket na may naglalamang mga damit."Ate Ruby, labahin po ba yan? Ako nalang po ang gaga--"Ay hindi po Maam tapos na po itong labhan, ititiklop nalang po ito" Agad kong inubos ang iniinom kong kape at agad na tumayo sa kinauupuan. "Ate ako na, para may magawa rin ako dito sa bahay"Napatingin pa si Ate Ruby kay Manang at mukhang nag-aal
"Tsk" natatawang usal ni Theo at napaiwas ng tingin. Namumula ang tainga nito. Mayamaya lang ay napasandal ito sa sofa at nanliliit ang mga matang tinapunan ako ng tingin."Stop it Hon"Napangiwi akong natatawa sa inasal niya."What cake do you want baby? Just tell us everything, kami na ang bahala" Ay iba rin! Iba talaga pag maraming pera, lahat ng gusto nasusunod. Napangiti nalamang akong napatingin kay Kaiden na halatang nag-iisip sa sinabi ni Theo. Napalingon ito sakin."Anong gusto mong flavor Mama?"Natawa ako ulit. "Hay ang kulit. Sige na nga" nag-isip pa ako. Dapat siya ang tanungin kasi birthday niya naman pero ako naman itong tinatanong ng bata."Gusto ko naman lahat as long as pasok siya sa panlasa ko pero my top three flavor talaga akong gusto...Favorite ko" napataas-baba pa ang kilay kong nakatingin kay Kaiden. "Papa iyon nalang po ang Cake ko" binaling niya ang atensyon sa kanyang Papa. Napatingin naman sakin si Theo, at mukhang naghihintay sa isasagot ko."Ube Cake, M