Share

Chapter 39

-

Nagising ako ng eksaktong alas-otso ng umaga. Sikat na ang araw paggising ko. At kasalanan lahat ito ni Jaxon dahil hindi ako nakatulog nang maayos. Pupungas-pungas akong lumabas at tinungo ang kwarto ng mga bata pero nagtaka ako nang wala sila roon at maayos na ang kama nila.

Patakbo akong bumaba dahil ito ang unang beses na magising akong wala sila sa kwarto nila. Wala pa man ako sa ibaba nang marinig ko ang malakas na tawa ng mga bata.

At bakit may mga maleta rito?

At sinong kalaro nila ng ganitong oras?

"Don't do that-Margaux!"

"Hahahaha! Daddy your face!"

Jaxon? Anong ginagawa niya nang ganito kaaga?

Hinanap ko agad silang tatlo at natagpuan ko naman sa kusina. Hindi ko alam kung magagalit ako o matatawa sa itsura ng mga anak ko.

"Anong nangyari dito?" takang tanong ko. Napakakalat ng kusina. Literal na naligo sa harina ang kambal lalo na si Margaux. Ang maliit niyang mukha ay nabalot ng harina.

"Good morning Mommy!" Humalik naman sa pisngi ko ang dalawa kahit puno ng harin
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status