Share

Chapter 15.1:

Masaya ang pagsasalo namin sa gabing iyon. Bukod sa maraming kwento si Seira, gumaan na ulit ang loob ko kay Mama. Ang tinik na ibinaon ng takot para sa lalaking minsang naging parte ng buhay niya ay siya mismo ang nagtanggal upang lumuwag ang aking paghinga.

Nagtagal rin kami sa salas upang samahan manood si Seira ng paborito nitong cartoon show. Ang simpleng tawanan at asaran sa gabing iyon ang naging dahilan nang maginhawa kong damdamin sa umaga.

Maaga akong pumasok para asikasuhin ang mga kaklase ko at ang classroom. Kaunting paglilinis bago kami nagsipilahan. Dahil by height ay sa pinakadulo ng mga lalaki si Rafael na pinakamatangkad sa klase namin, sa unahan niya ay si Mavros na pumapangalawa.

Si Corrine, sekretarya ng klase, ay katabi ko sa unahan. Kami ang nangunguna sa pila. Bukod sa nasa kaniya ang attendance, mas matino siya sa Vice President namin na mukhang late na naman. Siguradong sisiksik iyon mamaya kapag nasa bleachers na kami.
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status