Share

Chapter 31

Chapter 31

Napapunas ng pawis sa noo si Marion matapos niyang lutuin ang kanin at ulam na adobo. Dali-dali siyang naglapag ng mga plato sa lamesa dahil oras na ng tanghalian.

Wala si Shin dahil nasa ekswelahan ito at may inaasikasong project kahit weekend. Ang mag-ina lang ang kasama niya sa bahay.

Kalalapag palang niya ng mga pinggan ay naupo na agad si Chelsea. Nakasimangot pa ito at nakahalukipkip.

"Ano'ng ulam?" tanong pa nito.

"Adobo," aniya at inilapag ang mangkok na may lamang adobo.

"Yan na naman? Parang nung isang araw lang yan ang niluto mo, wala ka bang ibang alam?" patutsada nito.

Napairap siya sa hangin dahil nasa likuran naman siya nito. Parang may alam naman ito sa pagluluto kung makareklamo?

"Chelsea, wala kasi tayong pangrekado. Mahal. Pinakamura na 'yang toyo at suka. Saka manok naman 'to ngayon. Baboy last time," aniya at nilagyan pa ito ng kanin sa plato dahil talagang primadonna ang asta nito.

"Pagkatapos niya ako naman ang ipaghayin mo," ani Shiela na naupo na ri
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status