Share

37

Hindi ako sanay na wala ang anak ko sa tabi ko, minsan tinatawag ko ang pangalan ng anak ko dahil nakakalimutan kong na kay Sammuel siya ngayon. Sa gabi ay tanging unan lang ang kayakap ko at hindi ako mapakali, hindi ako makatulog dahil sa kakaisip sa anak ko ngayon.

Alam ko namang hindi pababayaan ni Sammuel ang anak namin dahil nakita ko kanina kung paano siya umiyak nang yakapin niya si Sav. Alam kong mahal niya ang anak namin.

Pero ang tumatak sa isipan ko ay ang pinag-usapan namin sa hotel. Sabi niya ay nakulong siya dahil nagnakaw siya ng perang pampiyansa sa akin para makalaya ako. Hindi ko alam kung maniniwala ba ako o hindi pero aaminin kong may parte sa katawan ko na naniwala sa sinabi ni Sammuel.

Si Shannon... Simula nang makilala niya si Sammuel ay nagbago na lang siya bigla. Kanina nang maabutan ko silang dalawa ni Sammuel sa elevator ay parang desperada siyang halikan si Sammuel kahit tinutulak siya nito. Gano'n na ba talaga siya ka desperada para gawin 'yon? Naalala k
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status