Share

Chapter 13

"Saan ka pupunta?" tanong ko nang makasabay ako sa paglalakad niya.

"Uuwi na," sagot niya.

Liliko na sana siya pero hinawakan ko ang wrist niya para hilain siya sa padiretsong daanan.

"Hoy!" asik niya. "Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?"

"Sumama ka sa akin. May mga batang nangangailangan ng paggabay mo." Nakita ko kung paano kumunot ang kaniyang noo pagkatapos kong sabihin iyon pero hindi na ako muling umimik pa.

Hindi rin naman katagalan nang marating namin ang harapan ng bahay namin.

"Kaninong bahay 'to?" aniya habang tinitingala ang bahay namin.

"Sa amin."

She hissed at me saka akmang aalis na muli pero hindi niya nagawa dahil hinila ko ang likuran ng kuwelyo niya.

"Guevarra!" nanlilisik ang mga matang asik niya. "Bitawan mo ko," may halong pagbabantang sabi niya.

I just shook my head and dragged her inside the house.

"Ty?" Narinig ko ang boses ni Mama kasunod ay ang pagsilip ng ulo niya upang kumpirmahi

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status