Share

Chapter 16

JILLIAN

"Hello... Jordan? Hello..? Hello..?" paulit-ulit kong tawag sa kaibigan ko ngunit hindi ito nagsasalita sa kabilang linya.

Wala rin akong marinig na kahit ano. Tiningnan ko ang screen pero connected pa rin naman ang tawag.

Bwisit..! Inis na inis na pinatay ko ang tawag at muli siyang tinawagan. Ngunit out of coverage na ang number niya. Frustrated na napapadyak ako sa aking kinatatayuan.

Nandito ako sa labas ng SM sa may bayan. Tumawag ang kaibigan kong si Jordan sa akin kanina na dito kami magkikita. Galing pa siyang Manila. Pumunta lang siya dito para isakatuparan ang surprise namin sa birthday ni Inay mamaya. Nagkunwari pa akong hindi naalala ang kaarawan nito kaya ayon malungkot na iniwan ko sa bahay kasama si Cheena at Blessie na pilit inaaliw ang Inay.

Simula kasi ng malulong ang Inay sa alak never ko na siyang iniwan pang mag-isa sa bahay. Kahit nahihiya na ako sa mga kaibigan ko kinakapalan ko na ang aking mukha 'wag lang
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status