Share

Chapter 4

MARCO

"Aw f*ck." d***g ko pagkagising ko sabay sapo ng dalawang kamay sa aking ulo na subrang sakit.

Parang binibiyak sa tindi ng hangover ko. Dahan-dahan akong bumangon habang marahan na hinihilot ang aking sentido. Then suddenly different images flashed in my mind. An intense and hot images of Sofia, naked and beautiful. Sukat doon lalo tuloy sumakit ang ulo ko, kumirot ng kumirot ng pilit ko pang inalala ang iba. Ngunit hindi ko na naman maalala kung may nangyari nga ba talaga sa aming dalawa or ano. I knew I did not have s*x with her last night. Pero sa mga nagsusulputan na imahe niya sa isip ko baka nga...

"Good morning."

Kaagad akong napaangat ng ulo ng marinig ko ang malamyos na boses ng isang babae. Nagulat pa ako ng nakangiting mukha ni Sofia ang bumungad sa akin. Nakasuot siya ng aking malaking t-shirt. I stared at her and gulped when I saw her tits poking at my shirt she wears.

Crap...!

She loudly cleared her throat. Kaagad akong natauhan sabay lipat ng tingin sa kanyang mukha.

She smirked. "Pinakialaman ko na 'yong kitchen mo. Pinagluto kitang mainit na sabaw para matanggal kaagad ang hangover mo." nakangiting sabi niya habang naglalakad palapit sa akin bitbit ang isang tray na may lamang isang 'di kalakihan na mangkok, tubig at aspirin.

Kaagad kumulo ang aking tiyan pagkaamoy ko sa pagkaing nilapag niya sa harapan ko, a mushroom soup with pickles.

Tiningnan ko siya. "G-Ginawa ba ulit natin 'yon kagabi?" alanganing tanong ko sa kanya.

She laughed then looked away. "Wala ka na naman bang maalala?" sabi niya na ikinakunot lalo ng noo ko, hindi ako makasagot sa kanya. "I knew it." dismayadong umiling-iling siya sa akin.

Napatitig ako sa kanyang mukha sa sinabi niya habang inaalala ang ginawa namin kagabi. Pero maliban sa halikan at pinagtatanggal ko ang mga saplot naming dalawa, wala na akong maalala pa. I know lasing na lasing ako kagabi dahil hinainan niya ako ng hinainan ng alak. Akala ko kasi siya ang maglalasing pero kalaunan ako itong natuluyan but still, alam ko ang ginagawa ko. Pero sa tuwing naaalala ko ang unang gabing magkasama kaming dalawa sa Condo niya and took her virginity without knowing, nagdadalawang isip na ako. Minsan napapaisip pa ako na baka nga sa subrang kalasingan hindi ko na alam na nakakagawa na pala ako ng mga bagay na hindi ko na maalala pa kinabukasan.

May ganun ba talaga? Damn... this is insane!

"Kainin mo na 'yan bago pa lumamig." sabi niya sabay kuha ng mga nakatuping damit niya sa couch at naglakad papunta ng banyo. "Makikiligo na rin ako ha." sabi niya saka pumasok sa loob.

Parang tangang napatitig ako sa pintong pinasukan niya. Naririnig ko ang malakas na lagaslas ng tubig mula sa shower, pero mas nangingibabaw ang lakas ng tibok ng puso ko. Gulong-gulo ako sa samot saring emosyon na biglang bumalot sa loob ng dibdib ko. Malalim akong napabuntong hininga saka binalingan ang hinain niya sa aking harapan.

Pagkatapos kong kumain at inumin ang aspirin, tapos na rin siyang maligo. Tiningnan ko siya ng lumabas siya sabay tayo matapos kong igilid ang pinagkainan ko saka naglakad papunta ng banyo. Nakita ko pa siyang napalunok habang nakatitig sa kabuuan ko sabay iwas ng tingin pagkalapit ko sa kanya. Mabilis siyang gumilid at malalaking hakbang na tinalikuran ako. I laughed with her sudden reaction and the way she blushed while staring at my naked body then walked in to the comfort room.

Pagkatapos kong maligo kaagad akong nagbihis at lumabas ng kuwarto. Naabutan ko pa si Sofia na may kausap sa phone sa sala. Nanlalaki ang mga mata at bahagya pang nakaawang ang mga labi na kaagad niyang naibaba ang hawak na cellphone. Nakita ko pang mabilis niyang pinagpipindot ang screen no'n habang nakatitig sa akin, maybe to end the... call?

"Bakit ganyan ka makatingin sa akin? Sinong kausap mo?" nagtatakang tanong ko sa kanya.

Umiwas siya ng tingin. "Uhm..." malalim siyang bumuntong-hininga. "P-Pumunta si Dad kagabi sa Unit ko. Tinatanong niya kung saan ako nakitulog at hindi ako umuwi."

"So, anong sinabi mo?"

"I-I lied. Sabi ko nakitulog ako sa bahay ng kaibigan ko."

"Bakit hindi mo sinabi ang totoo?"

"Baka ma-shock sila kapag nalaman nila na nakitulog ako sa lalaking bagong kakilala ko lang."

Tumawa ako ng mapakla. "Ganun lang ba ang tingin mo sa akin matapos ng nangyari sa atin Sofia?"

"W-What do you mean?"

Lumapit ako sa kanya. Tinitigan ko siya sa kanyang mga mata habang dahan-dahan na ginagagap ang kanyang kamay at dinala sa aking mga labi. Marahan ko iyong hinalikan. "I do like you Sofia, I really do. I wanna meet you parents, ipagpapaalam kita sa kanila." sabi ko ngunit kaagad niyang binawi sa akin ang kanyang kamay.

Nakakunot-noong natigagal ako sa inakto niya. Nagpabalik-balik siya ng lakad sa harapan ko na para bang may malalim na iniisip. Hindi mapakali at naguguluhan. Ilang minuto siyang ganun saka muli akong hinarap.

"Seryoso ka ba sa sinasabi mo JM?"

"Mukha ba akong nagbibiro?" balik tanong ko sa kanya.

"Pero kakakilala mo lang sa akin. Hindi mo pa ako lubusan na kilala. Baka magsisi ka sa huli sa padalos-dalos mong pasya."

I chuckled. "Hindi naman nakabase sa tagal ng panahon na magkakilala or magkasama ang dalawang tao para masabi mong mahal mo siya. Ang iba nga ilang years ng magkasama, sinasabing mahal nila ang isa't isa pero sa huli naghihiwalay rin dahil hindi pala talaga nila mahal ang isa't isa." tumigil ako at matagal siyang tinitigan. "Wala ako ni isang babaeng sineryoso sa buong buhay ko Sofia, ikaw pa lang. At ngayon lang nangyari 'to sa akin."

Frustrated na tinalikuran niya ako. "Pag-isipan mo muna ang desisyon mo bago tayo mag-usap ulit." sabi niya saka ako hinarap. "K-Kailangan ko ng umuwi."

Kaagad kong hinatak ang braso niya ng muli niya akong talikuran para tunguhin ang main door. Walang ekspresyon ang mukhang tiningala niya ako.

I sighed. "Ihahatid na kita." sabi ko sabay dampot ng cellphone at susi ng kotse sa center table at hinatak siya palabas ng penthouse.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status