Share

Chapter 11

MARCO

Damn... ano na ang gagawin ko?! Dito na ba ako mamamatay?!

Nagpapanic na tanong ko pa sa aking sarili. Tatlong lalaki ang nakatutok din ang mga baril na nasa tabi ko. Wala akong kalaban-laban sa kanila. Hindi ako makagalaw! Paano pa ako makakaligtas nito? Isang maling kilos ko lang siguradong sabog ang bungo ko nito.

T'ngna... nalintikan na talaga!

"Police! Freeze, don't move!" malakas na sigaw ng Pulis na bigla na lang sumulpot sa harapan namin.

Pagtingin ko sa tabi ko may mga Pulis na rin na nakatutok ang mga baril sa tatlong lalaking komorner sa akin.

"Drop the gun!" sigaw ng Pulis.

Humalakhak si Christian saka nilingon ang Pulis at nilipat ang pagkakatutok ng baril dito.

"I said drop the gun or else I'll shoot you!" sigaw ulit ng Pulis.

Itinaas ni Christian ang dalawang kamay at dahan-dahan na binibitawan ang baril sa lapag habang walang tigil pa rin ito sa kakatawa na para bang nababaliw na.<
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status