Paano mo ba malalaman ang tunay na halaga ng buhay? Kapag ba nasa bingit ka na ng kamatayan o ’pag naranasan mo na ba ang sinasabi nilang pangalawang buhay? Eh, paano naman ang sinasabi nilang pagmamahal?
Sabi nila, may iba’t ibang klase ng pagmamahal sa mundo. May pagmamahal para sa pamilya, may pagmamahal na para sa kaibigan, may pagmamahal na para sa karelasyon, may pagmamahal para sa sarili, at ang pinakamahalaga ay ang pagmamahal para sa Diyos.
Pero paano nga ba masasabi na nagmamahal ang isang tao? Kapag ba ito’y masaya? Kapag nasasaktan? Kapag nagsasakripisyo? O kapag handang ibigay ang lahat para sa taong mahal kahit hindi nito kayang suklian ang pagmamahal na binibigay mo?
May pagmamahal na masaya. May pagmamahal namang malungkot. May pagmamahal na nagsasakripisyo, at may pagmamahal na ipinipilit lamang.
Masasabi kong karamihan diyan ay naranasan ko na. Living my life is like living in hell. Tanging isang tao na lang ang kinakapitan ko sa buhay pero pati ang taong
iyon ay ayaw rin sa akin— gusto niya akong mawala sa buhay niya at maglaho na lamang na parang bula.
Kasalukuyan akong nasa bar ngayon para maglabas ng sama ng loob, masiyado na akong kinakain ng galit at inis, hindi para sa ibang tao kundi galit para sa sarili ko. Hanggang kailan ba kayang tiisin ng puso ang sakit? Hanggang kailan ba matututo ang puso na sumuko? Hanggang kailan ba kayang panindigan ng tao ang salitang PAGMAMAHAL?
Ako kasi, hindi ko kaya. Hindi ko kaya na mawalay sa kaniya kahit sobrang sakit na. Hindi ko kayang iwan siya kahit hindi ko na talaga kaya. Sobrang tanga ko na sa mata ng ibang tao pero ano bang pakialam ko sa sasabihin nila? Anong pakialam ko sa opinyon nila?
“Miss, may sundo po ba kayo? Magsasarado na po kasi kami, kayo na lang po ang tao dito maliban sa’ming mga crew.” Napatingin ako sa lalaking nagsalita sa harapan ko, hindi ko na siya sinagot pa at agad na tumayo kahit sobrang umiikot na ang paningin ko. “Tulungan na po kitang tumawag ng taxi,” aniya pero winagayway ko lamamg ang aking kamay bilang pagtugon.
“Thanks but no thanks. I can manage,” sabi ko na lang saka pinilit maglakad kahit na medyo hilo pa ako. Hindi ako lasing pero aminado akong may konting tama na rin ako. Lumabas ako ng bar at tiningnan ang paligid. Madilim– katulad ng buhay ko, walang tao– katulad ko nag–iisa.
Ilang minuto pa akong naghintay doon pero maski isang taxi ay walang dumadaan kaya napagpasyahan ko na lang ang maglakad, okay na rin ito dahil kahit papaano ay mawawala ang espiritu ng alak sa katawan ko at mabibigyan ng kapayapaan ang isip ko kahit papaano. Malamig ang simoy ng hangin, mayroon din akong kulog na naririnig. Mukhang uulan pa yata. Hanggang sa naramdaman ko sa aking balat ang ilang butil ng patak ng ulan.
Wala ako sa sariling napatingin sa madilim na kalangitan at hindi alintana ang mga malalaking patak ng ulan na galing sa kalangitan. Kasabay pagpatak ng ulan ay ang pag-agos ng luha ko na para bang nakikisabay ito sa nararamdaman ko. Unti-unti kong iminulat ang mata ko ng naaninag ko sa gilid ang liwanag. Liwanag na hindi galing sa street light, kundi liwanag galing sa paparating na sasakyan.
Dahil sa lakas ng ulan, mukhang hindi ako nakikita ng nagmamaneho nito, gustuhin ko mang umalis doon upang sagipin ang sarili ko, pero kahit paghakbang ay hindi ko magawa. Para bang nakadikit na doon ang aking mga paa. Totoo nga na kapag nasa bingit ka na ng kamatayan ay maaalala mo ang mga memoryang labis na tumatak sa iyong isipan.
Muli kong ipinikit ang mga mata ko kasabay ng pagpasok ng memoryang labis na nagpakirot ng puso ko.
“Can you stop this bullshits Lorei? Kailan ka ba gagawa ng walang kadugtong na problema? ” sigaw sa akin ni Lander ng subukan kong ayusin ang gripo namin sa banyo, sira na kasi iyon at may tagas na. Hindi na ako tumawag ng mag-aayos dahil sayang lang sa pera.
“I don’t know why dad let me marry a stupid like you. You’re so annoying… no, everything about you is annoying. So get out of my sight!” dagdag pa niya pero wala akong nagawa kundi ang tanggapin ang masasakit niyang salita at ngitian na lang siya.
“I don’t love you! Ano bang mahirap intindihin doon!? Tanga ka ba o sadyang bobo ka lang talaga!?” Isang araw, nag-away kami at tinanong ko siya kung may katiting ba na pagmamahal siyang natitira para sa akin pero nagalit na naman siya at binato ako ng mga masasakit na salita. Tulad ng dati, wala akong nagawa kundi ang tanggapin iyon at ngumiti na parang ayos lang ang lahat.
“Ry sino ’yong–” Naputol ang sinasabi ko ng biglang may kumapit sa braso ni Lander. ’Yong kasama niya kagabi at katabi niya matulog sa kama namin.
“Babe, let’s go,” sabi nito habang kapit na kapit sa braso ni Lander. Wala akong nagawa kundi ang sundan sila ng tingin hanggang sa makalabas sila. Nang tuluyan na silang mawala sa paningin ko ay agad akong nanghina at sunod-sunod na tumulo ang luha ko.
Mapait akong napangiti sa sasakyang sasalubong sa akin. Wala man lang akong masasayang alaala na mabababaon. Muli kong ipinikit ang mata ko at hinanda ang sarili ko sa pagtama ng katawan ko kung saan.
“Kailan ka ba mawawala sa buhay ko!?”
Ito na ’yon. Ito na ang pinakahihintay mo. Sana maging masaya na ang buhay mo. Maraming salamat sa sakit na dinulot mo.
It was 2004 when it’s all started. Maaga akong gumising upang maghanda sa unang araw ko bilang isang college student. Excited din akong makita ulit sina Mira, Cassey, at Mark na s’yang mga kaibigan ko. We knew each other since highschool, school mate ko sina Mira and Mark who were in higher grade level and Cassey was my classmate back then. Mira and Mark are twins pero ang layo ng mukha nila sa isa’t isa dahil praternal twins sila. I packed my things before I go downstairs. Dad is there, as usual reading a newspaper while sipping on his cup of coffee. Nang makaupo ako sa tabi niya ay saka niya lang binaba ang binabasa niya. “Good morning, my princess, how’s your sleep? Are you excited for college?” sunod-sunod na tanong sa akin ni Daddy. Dad is such a good man. He is caring husband, a diligent son to his father, and above all, a loving father. That’s why I swear to myself that I will marry
It’s so hard to forget the pain, but it's even harder to forget the days when sweetness was still around us. But, we can’t be better if everyday is filled with happiness. We learn so little from peace. The worst part of holding the memories is not the pain. It’s the loneliness we can get from keeping ourselves remembering them. There are wounds inside us that will never heal or can be healed but it takes time. I heaved a deep sigh and diverted my thoughts from those memories that are still haunting me until now. Months had passed by, my performance in school was going smooth. Everything is under controlled— nothing to worry about, and nothing to be scared of. I already built a friendly relationship to Feli and Cristoff. Maliban sa kanilang dalawa, wala na akong ini-entertain na iba sa music club. I don’t know, maybe they don’t like me or we didn’t have the same vibes. Lalo na si Rylander—ang President namin. Masiyado siyang seryoso sa bu
Ang bilis ng panahon. Tatlong taon na pala ang nakalipas. Graduation is coming. Sa mga nakalipas na taon ay masasabi kong iba’t ibang pagsubok ang pinagdaanan ko. Marami ring nangyari na hindi ko inaasahan. Katulad na lang ng pagkakaroon ng boyfriend ni Cassey. Si Feli at Cristoff naman ay nagka-aminan na rin ang feelings kaya ayon nasa dating status na sila. Si Mira naman ay naging isang ganap ng nurse. At si Mark naman ay Engineer na. H Habang ako? Ito nakukuntento na lang sa panonood sa mga kaibigan ko na maging masaya. Kung tinatanong niyo kung kamusta kami ni Lander. Ang sagot diyan ay wala. Dahil nang matapos ang ang commemoration ng 10th death year anniversary ng mga estudyanteng namatay sa sunog sa University, naglaho na lamang si Lander na parang bula. Let’s go back 3 years ago. Naging matagumpay at maayos ang performance namin kay
Araw ng linggo, oras ng siyesta. Abala lahat ng mga katulong sa bahay dahil ngayong araw magaganap ang ika’tlong anibersaryo namin ni Lander. Sa loob ng tatlong taon ay masasabi kong hindi maganda ang pagsasama namin. Dahil ang mga binitawang salita ni Lander saakin noon ay pinanghahawakan niya parin hanggang ngayon. Pero katulad ng sabi ko, wala akonh balak na sumuko. Magkatulong na sinabit ng dalawang kasambahay ang puting kurtina na may burdang bulaklak.Ang sahig ang paulit-ulit na pinakintab, ang mga nakasabit na paintaings ay paulit ulit ding pinunasan hanggang sa ito’y luminis.Mga sariwang bulaklak ng rosas ay maingat na pinapatong sa mesa at sa gilid ng bintana. Halos mapa ngiti ako ng maamoy ko ang putahe na pinahanda ko. Ang paburitong ulam ni Lander— ang Caldereta.“Ma’am Lorie! Tingnan niyo po ang rosas na ito!” tawag ni Cristel saakin. Tumatakbo ito palapit saakin habang
“L-Lander” sabi ko ng makita ko ang asawa ko sa labas ng pintuan namin. Nanatili siyang tahimik saka diretchong pumasok sa loob. Kukunin ko sana ang gamit niya pero baka magalit na naman siya kapag hinawakan ko siya o ano mang gamit niya. “Kakauwi lang nila Mama at Papa, May tinabi akong pagkain para sayo. Kumain ka muna.”“Kumain nako” malamig na sabi niya. Natahimik nalang ako ng diretso siyang umakyat sa hagdan papunta sa kwarto niya. Ayaw niya talaga tumabi saakin kahit sa pagtulog.Mabilis akong kumilos at naglagay ng gatas sa baso. Kumatok pa muna ako bago pumasok, naghuhubad na siya ng kanyang coat ng maabutan ko. Inilapag ko sa side table ang baso ng gatas at tiningnan siya.“Hinahanap ka pala ni Papa kanina tinatanong niya kung kaylan ka darating dahil kakausapin ka niya. Ganon din si Mama, dadaan daw sila dito pag-uwi nila galing sa Canada” maingat kong kwento. &l
MAAYOS na nakarating si Lorie sa simbahan at tahimik na pumasok sa loob at umupo sa pinakaharapan. Nakatitig lamang si Lorie sa harapan habang lumuluha ang mga mata. Gustuhin niya mang mag tanong ay hindi niya ginawa dahil hindi iyon maganda. Maling-mali ang kwestyunin ang Diyos dahil lamang sa mga problemang pinagda-daanan natin.Habang lumuluha ay hindi mawala sa isip ni Lorie ang mga sinabi ni Cristel, hindi niya lubos na maisip na kahit anong gawin niya para sa asawa ay hindi niya magagawang palitan si Kiesha sa puso nito.“Hindi ko na po kaya” Sa unang pagkakataon ay nasabi ni Lorie ang mga katagang iyon. Hindi man sa harap ng asawa o sa harap ng ibang tao, kundi sa harap ng Diyos na siyang sinasandalan niya oras-oras. “Hindi ko din po alam kung hanggang kaylan ko panghahawakan ang mga pangako na binitawan ko sa harapan ninyo ng maikasal ako.” Mahinang bulong ni Lorie sa sarili. Patuloy siyang lumuha hanggang sa
ORAS ng agahan, Halos walang kibo at tulala lang si Lorie na nakatanaw sa bintana ng kanilang silid. Wala na siyang balak na lumabas ng kwarto dahil ayaw niyang makita ang kaniyang asawa.“Ate nakahanda na po ang agahan” Boses ni Cristel sa labas ng pinto ng kwarto.“Wala akong gana,” wika ni Lorie ng hindi lumilingon. Ayaw niyang makita ang asawa sa kadahilanang ayaw niya maalala ang mga binitawan nitong salita.Nang mawalan ng malay si Lorie ay agad na sumaklolo si Manang Cristina at hiningi ang tulong ni Lander. Maingat nila itong inilapag sa kama at pinalitan ni Manang Cristina ang alaga ng damit. Inaapoy ito ng lagnat dahil sa ulan at pagod na kaniyang nararamdaman.Hanggang ngayon ay masama parin ang pakiramdam ni Lorie at nilalagnat pa rin siya ngunit mas pinili niya ang mag kulong sa kwarto kesa makasabay sa hapag ang sariling asawa. Hindi niya matanggap na hanggang ng
KINABUKASAN. Tulala lang sa hardin si Lorie habang patuloy na tumutulo ang kaniyang luha. Umalis na naman si Lander at wala siyang kasiguraduhan kung kaylan ulit ito uuwi. Siya ang tunay na asawa pero parang siya pa ang nakikihati sa oras ng asawa. Ano nga ba ang aasahan niya sa asawa, tingnan nga siya sa mata ay hindi nito magawa.Ilang oras pa siyang nanatili doon bago napag pasyahan pumunta sa hospital upang magpatingin kay Dr. Galvez. Hanggang ngayon ay umaasa pa rin siya na may iba pang paraan para gumaling siya.Nang makarating sa hospital ay agad siyang dumeretcho sa clinic ni Dr. Galvez. May katandaan na ito at napag-alaman niya rin na malapit na ito mag retiro at ang anak naman nitong babae ang papalit sa posisyon nito. Malaki ang utang na loob niya sa Doctor dahil simula bata ay ito na ang gumagamot sakaniya.“Nakapag-isip ka na ba?” Tanong sakaniya ng doctor. Mapait namang napangiti s