KINABUKASAN...Nakasunod lang sa sinasakyang karwahe ng Reyna at Hari si Alexus. Nagawa rin pala niyang nakausap ang Hari, at dahil noon pa man may pangamba ang Hari sa nararamdaman ni Keihzza, ay hindi ito nag atubiling pakinggan si Alexus. Hindi na nahihirapan si Alexus na makapasok sa Zytopia, dahil sa tulong ng Reyna at Hari ng Spartle. Nang tumigil ang karwaheng kaniyang sinasakyan ay bumaba na siya. At dahil sa palaisipan na kilala siya ng matandang si Benroe ay hindi siya nagpa kampante at nag iingat pa rin na baka makita siya nito sa mismong teritoryo nito. Lalo na ang alagad nitong si Eliazer na may talas ng antena dahil sa mabilis na makakasagap ng mali at hinala sa napapaligiran nito. "Magandang umaga, mga kamahalan." pagbati ng mga bantay na sumalubong sa royal na mag-asawa. "Magandang umaga, Ginoo." sa lengguwahe pa ring makalumang koreano na binati siya ng mga ito. Tumango lang siya at iginala ang mga paningin sa paligid. "Kamahalan, maari po ba naming malaman kung
Nagising si Denise nang wala siyang makitang Alexus sa buong kabahayan. Nag-aalala siya na naiirita dahil sa hindi man lang siya nito ginising at magpaalam ng maayos. Wala ang duffel bag nito at iilang mga damit sa wardrobe, malamang ay plano talaga nitong iwanan siya na mag isa. Habang nagpupuyos siya sa galit, pabalik-balik naman ang kaniyang lakad sa malapad na sala. Nakailang subok na rin siya ng tawag kay Alexus, pero hindi naman ito reachable. Nabu-buwesit na siya sa linyahan ng, 'The number you dialed is unavailable...' and etchetara!"Aishhh! Czar! Nasaan ka ba?!" naiinis niyang sigaw at ang kaniyang boses ay umalingawngaw sa kabuoan ng bahay. Mabuti na nga lang at wala silang kapit bahay, dahil kung meron, baka pinadakip na siya ng mga awtoridad sa bansang kinalalagyan niya ngayon. Swerte lang at nasa isang pribado na villa naisipan kumuha ni Alexus ng bahay na titirhan nila. Kung magpunta ka kasi sa bansa na kagaya ng North Korea, kapag mahirap ka at walang antas sa ekono
She's speechless after knowing that Czar is also her brother. Noong una, ay hindi niya ito magawang paniwalaan pero nung isinalaysay nito ang buong kuwento nito kung bakit, wala siyang alam na may kapatid pa pala siya ay naiintindihan rin naman niya naman iyon kalaunan. Na siyang tumulong sa pag aadjust niya sa mga bagay bagay. Naninibago pa rin kasi siya. Just like.. what the heck is going with her fucked up life?! It's all messed up! Matapos ang mga nalaman niya ng gabing iyon ay walang ni anong oras na hindi niya iyon naiisip. Ang tungkol sa kapatid niya, sa tunay niyang ina, sa mga kasinungalingan na pinaniniwalaan niya, at sa mga nangyayari na ang mismong ama ng kinikilalang niyang mommy ay siyang nasa likod ng lahat. Ngunit, Patuloy pa rin siyang sumusunod sa mga iniuutos sa kanya ng Lolo-Lolohan niya. Hindi pa rin siya makapag isip ng maayos. Kahit na dalawang araw na ang lumipas, ay para siyang dahon na lumulutang-lutang lang sa sayaw ng hangin. Walang papatutungohan at nakik
PHILIPPINES (Apat na buwan ang nakalipas simula no'ng umalis si Alexus para sundan ang kapatid na si Keihzza sa North Korea.) "Kamusta na po ang pakiramdam niyo, Mr Belmonte?" tanong ni Tres kay Mr Alexzander Belmonte, ang ama ni Alexus. Nakaupo si Tres sa may sofa ng silid nito at nagbabasa ng magazine. Kakabangon lang naman ni Alexzander. "Tingin ko ay maayos na ako." husky ang boses na sagot ng ginoo. "Mabuti naman po kung gano'n." Tumayo si Tres at isinantabi ang magazine na binabasa. "Patingin po muna ako ng inyung sugat." at tsineck ang sugat nito sa likuran, binti at mga braso. Hindi naman tumutol ang Ginoo at hinayaan lang na gawin ni Tres ang check up sa mga natamo niya, apat na buwan na rin ang nakararaan. "Nasaan si Spade?" eksaktong pag tanong ni Alexzander tungkol sa anak na si Spade ay pumasok naman ito sa kuwarto. "Dad. Gising ka na pala. Nagdala ako ng mga pagkain. Gutom ka na ba?" sunod-sunod na ulat ni Spade. "Tuluyan ng magaling ang mga sugat ng ama mo, S
Kababalik lang ni Alexus sa Zytopia Empire nang wala siyang maabutan sa silid ng kaniyang kapatid. Bigla ay nakaramdam siya ng kakaibang kaba at pag-aalala tungkol sa biglaang pagkawala nito. Inihabilin niya kasi dito na hintayin siyang makabalik at huwag maglabas hangga't wala siya. Ngayon ay hindi niya alam kung saan ito hahanapin. Gayo'ng hindi rin siya pwedeng makita sa loob ng Emperyo. Delikado, lalo na kay Benroe. Napahawak siya sa kaniyang sentido habang hindi naman siya mapakali na naglalakad-lakad sa puwestong kinatatayuan niya malapit sa kama. Not until his eyes caught a piece of paper placed above the two seater dining table. Nilapitan niya ito at pinulot. "Kuya, punta lang ako kay Mama. Titingnan ko siya kung maayos lang ba ang lagay niya. I also want to see my twin. If you're looking for me at kung sakaling hindi pa ako nakabalik, ay nando'n lang ako." - ito 'yung nakasulat sa papel. Naikuyom ni Alexus ang papel, kasama na rin do'n ang papel. "Damn, siguraduhin mo
EKSAKTONG pagkaalis ni Spade at ama niyang si Alexzander ay sumunod naman si Rhianne patungong North Korea. Pagkarating sa North Korea na airport ay halos magkasabay lang din sila. "Honey, wait!" habol ni Rhianne sa asawang si Alexzander. Madilim pa ang kalangitan at paangat pa lang ang araw. Napalingon si Spade nang marinig ang boses ng ina, siya'y nagulat nang makita ito. "Mom? Anong ginagawa mo dito?" Nagawang abutan ni Rhianne ang anak, samantalang ang kaniyang asawa ay tuloy-tuloy lang sa paglalakad. Nagmamadali ito at halata sa malalaki nitong mga hakbang. "I'll go with you and your dad. Nag-aalala din ako sa kapatid mo." sagot niya sa katanungan ng anak. Hindi na lang sumagot si Spade at nagmamadali na ring sumunod sa ama. In a while, nasa kotse na sila na ekslusibo lang para sa kanila. Ganito palagi, kapag umuuwi si Rhianne o kahit sino sa myembro ng pamilya ni Benroe ang uuwi sa bansa. Sa byahe ay wala silang imikan, o kahit gusto na makipag-usap ni Rhianne ay pareho siy
Mia's POVPagkagising ko ay hindi ko maintindihan ang tinitibok ng buong katawan ko. Masakit, ngilo at para akong kinakarate, lalo na sa tiyan. Hindi ko rin alam kung ilang oras akong tulog, nagtagis ang aking mga ngipin pati ang aking mga talukap sa mata dahil tuwing gagalaw ako ay napakasakit! Jusko, ano ba ang nangyari sa'kin?Humugot ako ng isang napakalalim na hininga, saka tina-try na pakalmahin ang sarili. Habang nakapikit ay napahawak ako sa aking tiyan. Pero gano'n na lang ang pagkagulat ko nang hindi ko na maramdaman ang mga anak ko. Napabalikwas tuloy ako ng bangon, "Ang mga anak ko!" sabay sigaw, sigaw na tipong kinakapos talaga ng hininga. Ngunit, ang unang bumungad sa'kin..."Wow, gising na si Mommy mga anak." si Ace na may kargang bata, at tinatawag niya itong anak. Anong nangyari?Napatingin ako sa aking tiyan, at sinilip ang ilalim ng aking duster. Habang ginagawa ko 'yun ay tawa naman ni Ace ang pumukaw sa'kin. "Anong ginagawa mo, Mia?" natatawa niyang tanong. H
Ace's POV"Ace, may gusto ka ba sa'kin?" Pakiramdam ko, parang tumigil sa pag alog ang mundo ko, nang hindi ko inaasahan na tatanungin niya ako sa bagay na iyon. It was too sudden that I did not expect it to come right away. Hindi ko maiwasang mapalunok ng mariin, dahil ginagawa akong uncomfortable ng napakalakas na kabog ng aking puso. Animo'y may nagaganap na paligsahan. Ang pag iinit ng aking pisngi ay kusa lamang na kumalat sa aking mukha. And I can't just answer immediately, like how I used to be, when asked. "Ahh..." nauutal rin ako, at hindi makatingin ng diretso sa kaniya. Kita ko naman na pasensyosa siyang naghihintay ng magiging sagot ko, ngayon na ba talaga kailangan na umamin? I mean, ito naman talaga ang purpose ko kung bakit ko pinapakita lahat ng charms ko, dahil gusto ko siya. Tingin ko, no'ng iniwan siya ni Alexus ito nagsimula. Bukod sa maganda siya, nasa kaniya rin ang katangian na bago ko lang natuklasan at nagustohan. Siya rin ang dahilan kung bakit nabago