Share

Wife of the Governor Billionaire
Wife of the Governor Billionaire
Author: Miss A.

Prologue

Mika

Malakas ang dagundong ng aking puso habang inaayos ng mga katulong na nasa aking likuran ang aking buhok, naka- ilang lunok at buntong hininga na ako upang pakalmahin ang aking sarili ngunit parang wala itong talab

Bumaba ang tingin ko sa aking kamay ng maramdaman ang kamay na humawak rito, ng mag-angat ako sa may-ari ng kamay ay nakita ko ang pinsan ko

"Loti" bulong ko sa kaniyang pangalan na parang maiiyak

Ngumiti siya saakin at pinsil ang aking kamay " kaya mo yan, andito lang kami para sa iyo"Aniya Bago umalis

Tuluyan ng tumigil at umalis ang mga tao na nasa aking likuran ng mag-umpisa na ang seremonya, nagbaba ako ng tingin sa sahig ng bumukas na ang pintuan ng simbahan

Lumunok akong muli at saka dahan dahang naglakad sa aisle, bumungad saakin ang mga tao sa paligid ngunit ang tanging nahagip at nakuha ng aking atensiyon ay ang lalaking nasa harap ng altar at kasalukuyang hinihintay akong makalapit sa kaniya

Ashton Hernandez

Naramadaman ko ang pagpatak ng luha sa aking mata kaya agad ko itong pinunasan

Araw ng kasal ko ngayon kaya dapat masaya ako pero kabaligtaran ang nararamdaman ko. Ang tanging alam ko lang kung bakit ako narito ay upang palitan ang kapatid kong dapat nasa aking posisyon

Siya dapat ang magpapakasal ngunit ayaw niya kayat nagpasiya si daddy na ako nalang ang ibigay nila upang magpakasal sa taong hindi ko ka-kilala, sa taong ni minsan hindi ko nakausap

Habang palapit ako ng palapit sa kaniya ay mas nagiging malinaw sa akin ang itsura niya

Mali ang sinabi ng kapatid ko na pangit, mataba at matandang lalaki si Ashton Hernandez

Para akong nakatitig sa isang anghel habang pinag mamasdan siya, kung ako ang tatanungin masasabi kong napakaguwapo niyang tao

Dahil sa aking pag-iisip ay hindi ko namalayan na nakarating na pala ako sa kaniyang tabi

"What are you thinking?" Bigla niyang tanong saakin na nagpagulat saakin

Ang kaniyang boses at malalim, nakakatakot

"W-wala" kaagad kong sagot sa nanginginig na boses

Iniligay ko ang kamay ko sa kaniyang braso at saka kami naglakad sa harap ng Pari

Nagsimula ang seremonya ng kasal ngunit lumilipad ang utak ko

Sinubukan kong sumilip sa aking likod upang hanapin sila daddy at ang kapatid ko ngunit wala sila

Mapait akong napangiti

Ang tanging nariyan lang ay ang mga pinsan at kamag-anak ko

Bumuntong hininga ako at pumikit na lamang

"You may now kiss the bride"biglang anunsiyo ng Pari na nagpagulat saakin

Kung ano-ano ang naiisip ko kayat hindi ko namalayan na tapos na pala ang mga sinasabi at basbas ng Pari

Mas lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko ng magharap kami ni Ashton

Hindi ko Makita ng maayos ang mukha niya dahil sa veil na nakaharang sa mukha ko ngunit alam kong guwapo siya

Nakatitig siya saakin ng mariin

Hinawakan ko ang nanginginig kong kamay habang tinataas niya ang veil, nagbaba ako ng tingin upang hindi niya Makita ang takot sa aking mata

"You're shaking" rinig kong bulong niya habang palapit ng palapit ang kaniyang mukha

Nararamdaman ko ang mainit at mabango niyang hininga na tumatama sa aking mukha

Lumunok ako at umiling habang nanatiling sa baba ang titig, parang sasabog ang puso ko sa kaba at takot

"H-h-hindi" naiinis ako sa sarili ko dahil sa aking pagka- utal

Takot na hindi ko alam kung saan nanggaling

Nanlaki ang mata ko ng bigla niyang hawakan ang baba ko at itaas ito, nagtagpo ang aming mga mata at hindi ko alam kung kaya ko pa bang mabuhay

"You're scared of me?" Tanong niya saakin sa malambot na tono

Hindi na ako nakasagot dahil kaagad niya akong hinalikan sa labi

Napahawak ako sa kaniyang kamay dahil sa biglaan niyang paghalik saakin

_______________

Aykafaye❤️❤️

*******

Vote

Follow

Comment

  

Mga Comments (12)
goodnovel comment avatar
Nan
Ganda Ang kwentong ito
goodnovel comment avatar
Lisi Silva
mto difícil de ler
goodnovel comment avatar
Adora miano
unexpected wedding agreement again,, for sure,it is such an exciting story,
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status