Share

CHAPTER 5- HAPPINESS WITHIN

CHAPTER 5

KENYA GUIECO

“Marci!”untag ni Gab sa kakambal niya.

Nandito kaming magtotropa sa canteen dahil break time naman namin.  Iba naman ang canteen ng students sa mga teacher kaya hindi magulo ang kinaroroonan namin.

Iyon nga lang mukhang kaliwa’t-kanan ang landian ng mga couple dito. Naaasiwa ako. O baka nga bitter lang ako. Dami ko kasing naaalala eh. Simpleng bulungan nga lang nila parang may tumutusok na sa dibdib ko. 

Ewan, affected pa rin talaga ako. Ganito naman kasi talaga kapag nabigo ka, napakatagal mag move-on. Hindi ako naniniwala roon sa ibang napapanuod ko na nasaktan ka pa nga lang ngayon, bukas ay move-on ka na.

The heck? Ano 'yon? May hacking na naganap sa sistema mo para mabura lahat ng nakaraan niyo?

Tsk. 

“Bakit?”

“Kailan tayo dadalaw kina Tita Alexa?”

“Busy ako. Ikaw na lang muna dahil palagi ka namang may free time.”

“Aba’t! May mission ako, bukas na nga pala iyon. Ikaw Enya, nabigyan ka na ba ulit ng misyon?”

“Hindi pa eh. Kinukulit ko na nga si Kuya. Bored na rin ako,” angil ko.

Last time kasi na may hinawakan akong misyon ay nasugatan ako dahil nga distracted na rin ako ng mga oras na iyon. Kaya naman ipinag-utos ng Mommy and Daddy na ‘wag na muna akong bibigyan ng misyon habang lutang pa ang sistema ko.  Siguro nga ganoon kalakas ang pakiramdam nila. 

“Paano ka bibigyan ng misyon Kenya eh sa sitwasyon mong iyan? Para ka na ring inihatid sa hukay ng kapatid mo kung magpapauto siya sayo,” sabat ni Crystal. Wala rin talagang filter ang bunganga nito oh.

“Kaya ko naman. Kayo lang ang nag-iisip ng hindi. Like duh? Agent pa rin naman ako kahit bali-baliktarin niyo pa ang mundo.”

“Yeah, yeah. Whatever.”

Napatingin naman kaming lahat kay Jeannie. Himala at hindi siya nasa tili mode now?

“Oh? Himala ah? Problem?” usisa agad ni Gab.

“Wala,” pilit pa na pinataas ang boses niya.

Ito ang disadvantage sa amin eh, masyado naming kilala ang ugali ng isa’t-isa kaya naman kapag may hindi usual sa galaw o pananalita mo ay halatang may problema kaagad.

“Ui, si Dean at Conda,” asik ni Crystal. Napatingin naman kaming lahat. Nandito nga sila.

“Conda?” usisa ni Marci at ipinatong pa ang paa niya sa bakanteng upuan na para bang nasa bahay lang.

“Ana na may conda, awtomtik na iyon, ito naman. Tsaka Bal ibaba mo ang paa mo, kapag nakita ka ni Mommy mapapagalitan ka na naman,” saway pa sa kanya ni Gab.

“Wala naman si Mom.”

Oh, may point.

Napadapo ang tingin ko kila Jelo. Ang saya nila ah? Paano kaya nila naaatim na ngumiti at magpakasaya gayong alam naman nilang may nasasaktan sila?

“Dean!” tawag pa ni Kenshane. Aba’t! Nang-aasar talaga ang maharot na ito.

“Yes, Miss Guieco?”

Bakit feeling ko ako ang tinutukoy niya? Bakit kasi pareho pa kami ng last name ng pinsan kong ito? Pareho rin kaming Ken tapos pareho ring… Maharot. Mas maharot nga lang ako pero patago, siya bulgaran mga ateng!

“Libre!” pabirong saad niya. Kinurot ko naman siya.

“Aray,” pabulong niya pang reklamo.

“Baka nakakalimutan mo? Wala na kami!”

“Ano naman? Bayad niya sa panloloko sa pinaka maganda at pinakamamahal kong pinsan.”

Abat! 

“Sure. Pwede ba kaming makiupo dito sa table niyo?” Pare-pareho kaming natigilan. Napakamot pa siya ng noo.

“A-hh, cous pede ba?” bulong niya na naman sakin.

“May magagawa pa ba ako? Haduf ka!”

“Sige Dean! Halika na rito,Rhe.” Ngumiti naman ang isa at tumabi kay Marci. Napaurong pa ang isa.

“Nang masampal kita," dagdag niya.

Nasa katinuan pa ba ang pinsan kong ito?

“Kamusta Rhe? Hindi na kayo nagsasama nitong si Enya ah?”

“Ah, ayos naman. Medyo busy lang.”

Busy sa landian, busy sa pagpapalago ng relasyon.

Bonggang bibingka!

“Wait, tulungan ko lang si Dean, psst Crystal, sama ka," asik ni Gab. Wala namang nagawa yong isa kundi ang tumayo.

“Bakit pa kasi nagpalibre Kenshane? Kulang pa ba ang pagkaing nasa harap mo?”

“Marci naman, biniro ko lang naman. Nagpabiro naman, rupok din ni Dean eh.” Nganga naman ako sa mga sinasabi nila. Pinaparinggan yata si Conda.

Conda? Ay ewan sa mga haduf na ito.

Maya-maya pa nga ay dumating na din ang order ni Jelo at naupo na. Unfortunately, nasa harapan ko pa siya naupo.

Napakuyom na lang ako.Napapitlag ako ng mag vibrate ang phone ko na nasa bulsa pala ng damit ko.

Unknown: Wild Miss.

Nanlaki naman ang mata ko.

Stranger.

Pinalitan ko agad ang contact name.

"Yes, Stranger? Text ka pa ha? Miss mo na ako?"

With smile emoticon pa 'yon ha? 

Sumilip si Kenshane pero nai-lock ko agad ang phone ko. Tsimosa!

“Sino 'yan? Aba ikaw cous ha?” Nilakasan niya pa talaga.

“Ano? Paisyu ka.”

“Sinong babe 'yan?”

Aba’t nang-aasar ba talaga ang isang ito?

“Faller," tipid kong saad, nanlaki naman ang mata niya.

“What? Mang-aagaw! Akin lang si Faller my babe!”

“Eh di sayo na, sayong sayo! Isaksak mo sa baga mo!” asik ni Jeannie.

What’s going on ba? Bakit ganito sila? May mga laman ang hirit na alam naman nilang nandito ang dalawa?

Exactly Kenya. Nandito ang dalawa kaya ganyan sila.

"Where are you?"

Paeksena talaga ang Dailann na ito oh. Text nang text eh pwede niya naman akonng tawagan na lang eh.

"Canteen why?"

"Who’s with you?"

"Friends."

Friends? Bakit parang… Ang sakit, haduf!

Kahit yata salitang friend ay hindi ko maibigay sa dalawang nasa harap ko na naglalandian pa. Mga haduf.

"Okay."

Kapag wala ka ng masabi, okay na lang ang e-reply mo, gano'n lang iyon.

"Punta ako sa office mo," pang-aasar ko pero siyempre hindi ma-iimphasize iyon.

"Anong gagawin mo rito?"

Sama ng stranger na ito.

"Wag na nga lang."

"Punta ka na."

"Whatever. Huwag na lang."

“Hoy, aba Kenya! Nilalangaw na yang pagkain mo oh. Sino ba yang ka text mo?” Sinamaan ko lang ng tingin si Jeannie. 

“None of your business," asik ko. Nagtama pa ang paningin namin ni Jelo pero agad na nag-iwas siya ng tingin at dumapo iyon kay Rheanne.

“Kain ka ng marami, napapayat ka na," aniya pa sa babae.

Wow ha? Payat naman talaga 'yan, as in payatot. Buto’t balat lumilipad.

Wait… Diba saranggola 'yon? Ay, Ewan.

“Salamat pero konti lang talaga ang kinakain ko.”

Nag-iinarte pa ah? 

“Masama sa health 'yan.”

Talaga, pati sa utak dahil natutuyo na, wala ng substance na nakukuha kaya ayan, nang-agaw na lang ng…

Erase, walang naaagaw kung walang nagpapaagaw. Iyon lang iyo. Pareho silang nga haduf.

Sa halip na murahin sila sa isip ko ay tumayo na lang ako.

“Oh? Saan punta?”puna sa akin ni Gab.

“CR, bakit sasama ka?” pagtataray ko pa.

Hindi pa man ako naka hakbang ni isa ay pumasok si Stranger. Natigilan naman ako or should I say halos lahat ng babae dito maliban na lang sa mga haduf kong katropa na mukhanga balak pa na gawing tropa ang chairman.

Bakit ba ang gwapo ng isang ito? Mas lamang siya ng kagwapohan kay Jelo.  Bakit kasi ang haduf pa ang minahal at minamahal ko?

“Good morning Chairman!” sabay-sabay pa talaga nilang saad.

“Good morning," seryoso niyang tugon at napatingin sa table namin. Napaupo ako ulit.

“Oh? Akala ko mag C-CR ka? Dumating lang ang chairman ay aba?” Malakas pa ang boses na pang-aalaska sakin ni Chrystal. Nanlumo talaga ako. 

Mga haduf!

Umugong tuloy ang tuksuhan. Iyong ibang grupo naman ay sa iba rin nila tinutukso ang stranger na ito.

“Manahimik ka nga.”

Kanya-kanya ng offer ang mga girl ng upuan at table para sa kanya.

Eh di wow! Iba talaga ang radar niya eh. Haduf.

Sa amin naman ay puno na. May dalawang table na hindi pa occupied.

Para bang may imaginary bell na tumunog senyales na nakaisip ako ng kalokohan na talaga namang kaiinisan ng lahat ng nagkaka crush sa kanya. 

Makikiuso lang ako sa kaharutan nila.

“Ah, Chairman gusto mo samahan kita?” tanong ko na ikinatahimik ng lahat. Pati mga kasamahan ko ay nganga, including na 'yong dalawa.

“Ayun oh, may vacant pa," turo ko.

Wag na wag mo akong ipapahiyang stranger ka! Kasi kapag ginawa mo, malilintikan ka sa akin.

Tinext ko pa nga ng pasimple.

"Cmon stranger, naduduwag ka ba?"

With laughing emoticon pa 'yon. 

Pasimple niya ring binasa iyon at tumaas ang sulok ng labi. Mukhang panalo pa rin ang charm ko sa chairman.

“Actually, ikaw din ang yayayain ko, naunahan mo lang ako Miss Guieco.” Mas natameme ang lahat. Kahit si Marci na walang reaction sa eksena namin ay ngayon ay meron na.

Binigyan niya ako ng what-the-heck-look pero nginitian ko lang siya.

Naririnig ko rin ang mga pasimpleng maktol at pasimpleng irap sakin ng iba pero wala akong pakialm.

Duh? Sobra pa nga rito ang ginagawa namin eh, kung alam niyo lang.

Lumipat na ako sa isang table at umupo na din siya. And of course dahil Chairman nga siya, awtom na may nag serve na.

Nginitian ko siya. Iyong matamis at totoong ngiti dahil ayaw nga niya sa plastik. Ramdam ko ang titig ng lahat sa amin. Pero naaa! Hindi nahihiya ang beauty ko sa kanila ‘no?!

“Anong ngiti yan?” aniya.  Medyo naka-volume two lang kami baka kasi may makarinig eh na posible naman talaga.

“Wala. Alam mo 'yon, nag-date tayo sa canteen," pabiro ko pang saad. Tumaas naman ang sulok ng labi niya.

“Silly. Date na ba ito Miss Guieco?” Napangiwi ako. Masyadong formal. “Miss Wild," pagtatama niya, baka nahalata ang pagbago ng expression ng mukha ko. Eh sa hindi ako sanay eh.

“Date kaya ito. Kami nga din Jelo..… Sila nga oh, nagdi-date rin.” Iba ko sa sasabihin ko dapat. 

“Ituloy mo," saad niya.

“Ang ano?” maang usisa ko.

“Yong original lines mo, wag mo akong ma-zigzag sa usapan.”

“Ah, kami rin ni Jelo, nagde-date dito.”

“Hindi ito date at hindi dapat tinatawag na date kapag nasa canteen lang.”

“Eh? Eh di date mo ako mamaya.”

Landi, alert! Landi Kenya, hala lang!

“Saan mo gusto mag date?” tanong niya. 

“Sa kwarto…”

“Silly cat," putol niya sa sasabihin ko.Napangisi ako. 

“Bakit? Ayaw mo?” Pinigilan kong taasan siya ng kilay.

“Hindi naman sa ayaw, pero kasi hindi rin date kapag sa kwarto. Baka mauwi tayo sa kainan.”

Napaisip naman ako.

Kainan? Eh di mas masaya yon, mag-eenjoy pa ako, mabubusog pa ako. More fries and spicy fried chicken! Wheeep! Sarap nun!

“Eh di 'yon na lang.” Nasamid naman siya. Napalingon sa amin ang lahat. Well, alam ko namang kanina pa ang iba nakamasid sa amin eh.

Kinuha ko ang panyo ko sa sling bag na dala ko at inabot sa kanya. Pink iyon ha? Cute nga eh. Kaya siguro, napaka-pink minded ko.

“Ayan, sayo na 'yan ha? Kapalit yan nong white na panyo na pinagamit mo sakin noong nagdrama ako sa orchidarium.”

“Thanks.”

“Nasa vocabulary mo pa pala ang salitang 'yan?”

“Oo naman.” Ang tipid niyang magsalita ngayon ah? Dahil ba nasa public place kami?

“Bakit hindi ka nagpapasalamat sakin after kitang paligayahin?” pang-aalaska ko sa kanya. Napangiwi naman siya at…

Is he blushing?

Aba't naman talaga! Haba ng hair ko.

“Silly cat, ako ang nagpapaligaya sayo at hindi ikaw.” Napakamot naman ako sa noo.

Oo nga pala.

“Pero hindi ba kita napapa…”

“Oo na.” Napangiti na naman ako.

Siguro kung titingnan kami ay ako yong nagmumukhang nilalandi siya. Tumingin ako sa paligid namin.

Jusko mayor! Ang sama ng tingin ng iba.

“Bakit hindi ka kumakain?”

Napasandal naman ako sa upuan bago siya sinagot.“Busog ako eh.”

“Ano bang kinain mo?”

“Ikaw.” Natigilan na naman siya. 

Gusto kong bumunghalit ng tawa pero todo pigil ako.

“I mean, ikaw sa tingin mo, ano bang kinain ko ha?”

“Zsss! Pasalamat kas nasa canteen tayo kasi kong hindi.”

“Ano?”

“I’ll eat you.”

“Talaga ba? Paano mo ako kakainin? Aswang ka ba? O baka naman maligno ka.”

“Anong maligno?” tanong niya.

“Maligno, yong naka costume tapos bigla na lang magpapakita sa iyo.”

“Multo?”

“Hindi.” Iiling-iling pang saad ko.

Ano ba 'yong maligno? Hirap e-describe ha?

“Maligno… Iyong si Super Ma’am. Yon, mga maligno kalaban niya.”

“Super Ma’am? Sino 'yon?”  Abat! Sumasakit bagang ko dito sa stranger na ito! Saang planeta ba ito galing?

“Si Marian Rivera," malamya kong saad. Nakakaasar eh. Outdated, di makarelate.

“Maganda naman pala ang maligno, kaya ayos lang.” Natampal ko ang sarili kong noo. Sarap niyang saksakin ng tinidor.

“Hindi si Marian ang maligno! Iyong kalaban niya.”

Naiirita ko na talagang saad.

“Ah, okay.”

Grrr! Sa dami ng sinabi ko, sa haba ng explaination ko, sa na high na ang mga cells ko… Okay lang ang sagot.

Napaka-haduf! 

After ng eksena namin sa canteen ay pumuslit na naman ako sa office niya. Nakaka-bored eh, wala na akong session tapos wala naman akong matinong makakausap dahil may session naman ang mga katropa ko.

Nakatitig lang nga ako sa chairman na mukhang busy sa ginagawa niya. Tutok na tutok sa laptop eh. 

“Stranger!” tawag ko sa kanya.

Tinapunan niya lang ako ng tingin pero hindi naman nagsalita at balik ulit sa ginagawa niya. Napabusangot naman ako.

“Chairman!” tawag ko na naman sa kanya.

Malandi na nga ako, papansin pa. Enebe Kenya?

“Dailann Mhinn!”

Wala talaga. Hindi gumagana ang charm ko now. Laslas na lang kaya ako. Wala akong magawa eh. Bali-baliktad pa akong nahiga sa sofa. Nang-mapagod ay umayos na ako ng upo.

Mag jumping jack kaya ako ng thousands times? Or jogging dito sa office niya?

Hmmp! Ewan! 

“Dail," malambing kong saad.

Napaangat naman siya ulit ng tingin sa akin. Tumayo na ako. Makalabas na nga lang sa lunggang ito. Sa Narra na lang ako at mag-iisip. 

“Alis na ako. Bye!” masiglang saad ko. At least medyo nabawasan ang boredom ko sa katawan.

Naglakad na ako sa pinto. Pinihit ko na ang door knob pero ayaw bumukas. Napaangat ako ng tingin. Kaya pala dahil may kamay na na pumipigil. Pumihit ako paharap sa taong echosero.

“Ano? Aalis na nga ako dahil busy ka naman. Next time na lang.”

“Minadali ko na nga tapos aalis ka na agad kung saan tapos ko na?”

“Eh? Paki ko ba?” Inilapit niya ang mukha niya sa mukha ko. Napasandal naman ako sa pinto.

“Ano? Palabasin mo na lang ako.”

Kanina eh ang arte, ngayon naman… Ay ewan ko sa stranger na ito. Sumasakit na naman ang bagang ko, aba!

Hinila niya ako papuntang sofa kaya napilitan na lang ako sa umupo.

“Kiss me," utos niya. Nanlaki naman ang mata ko.

“What?” Hindi ko pa makapaniwalang tanong. Haduf na ito! Lakas mang trip ah?

“I said KM.”

KM? Pauso! 

“KM or SWM?”

“Anong SWM ba?”

“Sex With Me..”

Gusto ko siyang dagukan.

“The first one," ani ko. 

“Then do it.”

Gags talaga ang haduf na ito!  Idinampi ko ang labi ko sa labi niya pero hindi siya nag-response. Napataas kilay naman ako.

“Haduf ka ba?” asik ko.

“Hindi.” Masamang tingin ang ipinukol ko sa kanya.

“Ayaw mong mag-response eh.”

“Then makes me.”

Hinahamon niya ba ako?Obviously yes Kenya. Ayan kasi, landiin mo pa! Sayo nagba-bounce back ang karma eh.

I kissed him again, but still there’s no response, I bite his lips and grab the chance to enter my tongue in his mouth, I didn’t stop ‘till I found him responding my kiss.  A moan skipped from his mouth, I smile in my own victor. 

He wrapped his hands around my waist. Our kiss become more aggressive. But I didn’t let myself to give up my defense because if I did I will lose over this game of him also. 

Bago niya pa ako maunahan ay pinutol ko na ang halikan namin. Mukhang frustrated naman siya.Tumawa ako dahilan para mapakunot noo talaga siya. 

“You lose Dail," proud pang saad ko. Nang-aasar.

“Kailan lang ba ako nanalo sayo?”

“Sabi ko nga. Well, I have to go na. Thanks and goodbye!” masiglang saad ko at walang sabi-sabing lumabas ng office niya. 

Nagmadali aking maglakad hanggang sa marating ko ang FR. Muntik pa akong mapatid kahit wala namang namamatid dahil direkta sakin ang tingin ni Jelo na nandito din pala. O baka naman assuming lang ako.

Nag-bow lang ako sa kanya at dumiretso na sa table ko. Wala namam si Rheanne dito pero bakit nandito siya? O baka naman hinihintay niya? Ay ewan!

Napangiti na lang ako ng makita ko na naman ang science book. What’s with this book ba at natatawa ako habang naiisip ang priceless na mukha ni Stranger?

Baka dahil sa S? O baka yon talaga, sa S nga. Napailing na lang ako.

“Mabuhay si Kenya!” ani Gab.

“Mabuhay!” segunda ni Chrystal. Nandito na pala sila, di ko man lang napansin.

“Bakit?” natatawa kong saad.

“Well, ngumingiti ka na ulit. Tsaka mukhang inspired ka na ulit.”

Napangiwi naman ako.“Paisyu! Wala kayong magawa? Hanap kayo ng mapagtitripan niyo uy,”  maktol ko.

“Ikaw nga usto namin eh. Ano na?”

“Ewan ko sa inyo!”

Napadapo ang tingin ko kay Jelo, sa akin pa rin ang tingin niya. Bigla na lang kumawala ang ngiti ko sa kanya. Halatang nagulat siya pero mas nagulat ako sa sarili ko.

Wait… Ngumiti ako sa kanya? For real ba yon? O baka… Namamaligno na din ako?

Nabura ang ngiti ko ng pumasok na si Rheanne. 

“Nagugutom ako! Sinong sasama sakin? Libre ko!” sigaw ko.

“Aba naman talaga Kenya! Welcome back!” parang sayang-saya pang ani Kenshane.

Bakit ba? Ano ba problema ng mga ito sakin the last few weeks?

“Anong welcome back?”

“Welcome at nag-back ka na sa katinuan mo!”

“Matino ako! Dati pa, kayo lang ang hindi.”

“Talaga lang ha?”

Nakita ko sa gilid ng mata ko na nakamasid din ang dalawa sakin.

“Yes naman 'no? Tsaka, gano'n talaga ang buhay, unpredictable. Minsan masaya, minsan din malungkot pero doncha worry, babalik ka din sa pinanggalingan mo, sa tiyan na nanay mo," biro ko. Nakitawanan pa ang kasamahan naming iba.

“Nagmula sa lupa. Magbabalik ng kusa.Ang buhay mo’y sa lupa nagmula," pakanta pang saad ni Jeannie.

“Mali lyrics mo!” singhal ko.

“Ay? Mali ba?”

“Hindi ko rin alam talaga," bawi ko.

Nagkulitan lang kami hanggang sa nag-uwian na lang. Ang dalawa pala, baka hindi kinaya ang patutsada at katuwaan namin kaya nag-walk-out.

O baka may sariling agenda. Ay ewan ko sa kanila.

Basta ang alam ko ay nasa good mood ako and I don’t know why.Tumunog ang cellphone ko.

"Take care Miss Wild. Be a responsible driver ha?"

Abat! Bakit pakiramdam ko double meaning yong driver? Tsk. Polluted na din utak ko. From green to pink na nga.

"Yes, yes, yow! Wavyow!"

Natawa pa ako sa reply ko.

"What?"

"Sabi ko ang gwapo mo. Best f@cker in the world." Pang-aalaska ko pa.

"Language! Patay ka sakin bukas!"

"Patay sa?"

"Sarap."

Napangiwi ako. "Haduf ka stranger! Babush na nga! Ingat din sa pag-uwi. Wag mag-rest in peace ha? Magkikita pa tayo bukas."

Ni-lock ko na phone ko. Dumaan muna ako sa locker room at diretso na sa sasakyan.

Ang saya nga ng araw ko ngayon, thanks…

My Stranger.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status