Share

CHAPTER 4- S-INITIATOR

CHAPTER 4

KENYA GUIECO

“Initiator… Let see… to cause the beginning of something or to start or begin something. How about S?” Para akong tangang nag-iisip ngayon habang sumisimsim ng hot choco sa GC Coffee Shop na nasa loob lang din ng GC’s Mall.

Ang compound kasi namin or ‘yong madalas na sabihin nilang camp ay natatabunan ng GC’s Mall, hotel at restaurant. Sinadya talaga iyon ng lola at lolo pa namin para maging front ng Guieco Compound. Para maging tago ang lungga namin.

Hindi naman iyon bago, diba? Madami ring agent camp ang gumagawa ng ganito. Malay ba natin na likod pala ng mg SM ay kampo ng mga agent, diba?

Back to the topic tayo. Sabi ni Stranger ay S-Initiator daw ako. Haduf. Ano ba ‘yon? Ayoko namang magtanong dahil sa bunganga ba naman ng isang iyon ay baka foul word pala ito.

“S? Snake… Sneaker… Slide….Slit… Split? Split initiator? Hindi ah? Hindi ako yong nakapag split. Zsss!”

“Hoy!”

“Ay haduf! Ano ba Percy ha? Kaltok, gusto mo?” Tumawa lang ito.

As usual, bitbit niya na naman ang best friend niyang si Marci na mukhang napipilitan lang din na sumama rito. Taong flat lang kasi ang isang ito eh.

“Ano split sinasabi mo ba ha?”

“Ganito kasi ‘yon… Wait… Magbigay ka nga ng salitang nagsisimula sa S.” Naupo naman sila. Si Marci nakatutok pa rin sa libro na mukhang suspense ang genre.

Seriously? Tao pa ba ang isang ito?

Mukhang nag-iisip naman si Percy habang kinakalikot ang camera niya.

“S? Zsss! Easy naman. Sex,” pabiro pa nitong saad. Iyong birong may palaman naa katotohanan. Literal na nanlaki ang mata ko at namilog ang bibig ko.

S-ex? Sex as in?

“Whaa…” Hindi ko na naituloy ang pagtili ko dahil tinakpan ni Marci ang bunganga ko ng libro niya.

Parang si Stranger lang? No, erase! Haduf siya! Haduf! S-initiator pala ha? Kaya pala sabi niya ay ‘wag ko na alamin. Akala ko naman Math or Science related ‘yong word na iyon, haduf talaga!

“What’s with the sex ba?” inosente pang usisa ni Percy. Napakuyom naman ako.

“Wala, wala, wala! Damn that stranger! Makakaltukan ko talaga siya, nanggigigil ako!”

“Stranger who?” sabay pang usisa ng dalawa.

“Kaya nga stranger, diba? Dahil hindi ko kilala.”

“Eh? At pinag usapan niyo ang about sa se…”

“Cut it off Percy. Iba ‘yon. Basta, iba ‘yon. Hindi mo maiintindihan.”

“Ohh okay. Marci, tara na.”

“Saan na naman ba?” ungot ng isa. Napailing na lang ako.

“Sa office ni Ash.” Nanlaki naman ang mata ko. Knowing kuya, hmmm… Exciting ito.

“Tara! Sama ako,” ani ko. Wala eh, bored ako kaya manti-trip lang ako sa mga kasamahan ko ngayon. Mamaya ko na lang iisipin ulit si Dailann at ang bwiset niyang sinabi sa’kin.

“Ayoko, dito lang ako.”

“Please?” pagpapa-cute pa ni Percy.

“Please?” segunda ko pero sinamaan lang ako nito ako ng tingin, alam nitong inaasar ko lang siya.

“Fine,” sumusuko nitong saad. Ngiting tagumpay naman ang pinakawalan ko.

Naglakad na kami palabas ng mall and of course diretso nga raw sa office ng parang nag- me-menopause kong kuya dahil sa kasungitan at kaseryosohan. Dinaig pa itong si Marciella eh.

“Katok na,” utos ko sa kanila. Wala kasi sa main office si kuya kapag ganitong sabado or linggo, nasa normal lang na office siya, walang scanner, walang detector o kahit anong ka ek-ekan.

“Bakit ka kakatok? May alarm oh, pindutin mo na,” ani Marci kay Percy. Napakamot naman sa noo ang isa.

“Eh? Bakit ako?”

“Baka kasi ikaw ang girlfriend niya.”

Natawa ako. Wala lang natatawa talaga ako kay Marci eh. Or I must say sa love triangle na ito.

“Ikaw malapit sa alarm eh,” bahagyang nakangusong ungot ni Percy. Ang cute lang talaga ng babaeng ito.

“Ano naman? Ako ba may kailangan? Takot ka ba sa haduf mong boyfriend ha?” Kemeng ngumiti si Percy.

“A little bit. You know, ang seryoso niya kapag nasa work eh.” Totoo iyon pero bakit siya takot kay kuya eh girlfriend siya diba? Weird.

“Ako na pipindot ng alarm,” ani ko at walang sabi-sabing pinagpipindot ang alarm, dinamihan ko na para umakyat ang lahat ng dugo ng kuya ko papunta sa ulo niya.

Lumayo ako sa alarm para safe, hindi ako ang unang masisinghalan. Napasandal ako sa opposite wall ng office ni Kuya at pinanuod sila.

Bumukas na nga ang pinto at iniluwal doon ang nagsalpukan na kilay na brother ko.

“What the hell?” sigaw nito. Nganga naman ang dalawa, lalo na si Marci na sa kanya nakatingin si Kuya dahil siya ang pinakamalapit sa alarm.

“Hell na lang ‘di mo pa alam?” sarkastiko na tugon ni Marci habang si Percy ay nganga pa rin.

“Eh? H-on, s-orry. Gusto lang n-aman naming puntahan ka.”

“Namin? C’mon Percy, ikaw lang ang may gusto,” supalpal sa kanya ng isa. Naihilot na lang si kuya ang sentido niya at kumalma.

“Come in,” aniya sa dalawa at sumiring ng tingin sa’kin.

“Bunso ha? Huwag mo akong ngingitian, may kasalanan ka pa sakin,” baling nito sa’kin.

Napakamot-noo naman ako. Nakita niya kami ni Stranger noong isang gabi sa DM bar. Ewan ko bakit nandoon din siya. Buti na nga lang at medyo lasing na siya no’n eh.

Sabi ko pa na bakla si Dail para makalusot lang.

“Malaki na ako kuya.”

“Wala akong sinabi na maliit ka pa. Ang akin lang ay tumatakas ka pa pala para makapunta ro’n.”

“Hindi ako tumakas. Sadyang hindi niyo lang alam ang ganap ko.” Nagpalipat-lipat naman ang tingin ng dalawa sa amin.

“May gagawin pa pala ako,” ani ko.

“Ako rin,” sambit ni Marci.

“Marci naman…”

“Huwag me Percy, balak mo ba talagang gawin akong referree niyong dalawa? Ay ewan! Sumasakit bagang ko sa inyo,” asik nito at nagpatiuna nang umalis.

“Bye!” sigaw ko at umalis na rin. Percy is so innocent to the point na nagiging insensitive na siya. Well, hindi ko rin masisisi si Percylla. Likas na inosente talaga ito sa lahat ng bagay.

Kawawa naman ang kakambal ni Gabriella Silang.

Napapitlag ako ng may biglang umakbay sa’kin. Si Lovimer pala.

Wait? Lovimer?

“Oh my… Kamusta na?” ani ko sabay yakap sa kanya.

“Ayos lang naman baby.”

“Totoo nga na dumating ka na kagabi. Hindi na ako nakalabas ng flat dahil flat na rin ako sa kama eh. Wow ha? Pogi mo na bro!”

Kakarating lang nito galing New York. Ilang taong din siyang namalagi ro’n. Ngumiti naman ito sa’kin nang matamis.

“Mas gumanda ka rin baby girl.” Naiinis ko siyang tiningnan.

“Hindi na ako bata! Wala ka pa ring pinagbago ano?”

“Bakit naman ako magbabago? Ikaw nga ang nagbago na eh.”

“Malamang Mer! Ilang taon ka nga lang ulit na umalis dito? 20? Eh ilang taon ka na ngayon? 29 din diba?”

“30 na ako, mas matanda ako sa’yo.”

“Fine! Parang isang taon lang eh.”

“Oh my gosh Enya! My concert ang Your Band! Makikita ko na ulit si Xandreik! O kaya ay si Wynd. Tsaka si Sathorn at Shawn! Bias ko talaga silang lahat!” patiling saad ni Jeannie at tumatakbo sa gawi ko na sa cellphone niya naman ang tingin.

Big fan lang naman siya ng YB, jusme. Sikat na sikat ang band na iyon dito eh. Lead vocalist nun ay ang pinsan kong si Xandreik na anak ni Tito Edrick. Kung paano kami kami naging magpinsan ay magulo ang usapan. Basta ang sabi ay ang Dad ni Tito Edrick at ang Lola namin ay magpinsan sa mother side.

Ito ‘yong masaklap sa history ng family namin eh, bago pa man kami iniluwal sa mundong ito ay nagkawatak-watak ang mga ninuno namin dahil sa pagiging isang agent. Kaya nga kami ay sinisikap namin na e-reach-out lahat ng mga unknown family pala namin.

Sa katunayan, ang GC ay ka sister agency ng Red Agents Organization o RAO na pagmamay-ari ng family ng asawa ni Tito Edrick na si Tita Alexandra na nagkataon naman na Tita pala nina Marciella.

Alam kong magulo dahil kahit ako ay naguguluhan din. Basta kamag-anak namin sina Xandreik at Calla Ramirez na ngayon ay siyang boss ng RAO third generation.

“Ahem!” tikhim ni Lovimer. Napaangat naman ng tingin ang dalaga at natigilan pagkuwa’y napakurap-kurap pa.

“L-ovimer?! I-s that you?” Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanila.

“Ha? Kilala ba kita?” Pareho naman kaming natigilan ni Jeannie.

Oh, boy! What’s going on?

Gumuhit sa mukha ni Jean ang pagkalito at the same time ay… Sakit.

“A-hh nevermind! Basta Enya! May concert ang YB whoaaa!” ani nito at tinalikuran na kami. Mukhang papuntang GC Mall yata ito.

“Cous?” untag ko kay Mer.

“Yes baby girl?”

“Don’t call me that, seriously? Hindi mo kilala si Jeannie?” seryoso kong tanong.

“Hindi.” Walang emosiyon niyang saad.

O.K. Hindi raw eh, bahala nga sila.

“Ganap mo rito sa pinas?”

“Sasali ako sa YB.”

“For real?”

“Yeah.”

“Okay, matutulog muna ako. Bye,” paalam ko at pumasok ng sa Flat.

Anong nangyayari sa amin? Dati naman lahat kami ay close at happy lang. Bakit ngayon parang ang gulo?

Like… Marci, Percy and Kuya Ashmer. Faller and Kenshane, at ngayon naman si Jeannie at Lovimer.

My goodness! Bakit ganern? Tsaka ako? Broken ako dahil kay Jelo pero madalas kong kaharutan ay si Stranger.

Hindi ako nagmamalinis kasi hindi naman talaga ako malinis, hindi rin madumi. Let’s see, nobody’s perfect nga talaga.

Sana bumalik na lang kami sa pagkabata. Para hindi ganitong napaka komplikado ng sitwasyon. Haduf na buhay!

Parang magnanakaw akong linga nang linga dahil baka ka’ko may makakita sa akin. Susugurin ko lang naman si Stranger sa office niya dahil sa kabulastugan niyang pinagsasabi sa akin.

Sakto rin at mukhang wala si Mr. Lam, ‘yong bembot na laging niyang napag-uutusan.

Kumatok pa muna ako bago pumasok. Nagulat pa siya ng makita ako. Nilock ko ang pinto at baka may bigla na lang pumasok lalo na ang Dean, lagot na kami.

Ano ba? Bakit ba parang may ginagawa kaming mali eh wala naman? Well, wala nga ba? Ay ewan, sumasakit bagang ko kakaisip.

“Chairman,” seryoso kong saad.

“Maka-chairman ha? Ako lang ito Ken, tayong dalawa lang ito.” Tumayo siya at akmang lalapit sakin ng pigilan ko siya.

“Opsss! Two meters.” Patukoy ko sa distansiya sa pagitan namin. Mahirap na. Nakakatukso pa naman siya.

“Problem?” Pinaningkitan ko siya ng mata.

“Alam ko na ang sinasabi mo! Haduf ka ha? Kapal!” asik ko. Naguguluhan niya naman akong tiningnan.

“Yong S-I, remember?” nakataas-kilay ko pang saad.

Mukhang nag-isip naman siya pagkuwa’y humagalpak ng tawa.

“Ah, yeah. Alam mo na pala. And? Totoo naman.”

“Ah? Totoo ba? Talaga ba ha?” Dahan-dahan akong humakbang papunta sa kanya.

“Yes.”

Aba’t! Hindi man lang finilteran ang bunganga niya. Fine, alam ko namang totoo iyon dahil ako naman talaga ang nang akit sa kanya but damn! Nakakahiya kaya sa part ko. Pero di na bale. Pagdating sa kanya ay wala naman akong hiya eh.

“Wild Miss, ‘wag mo akong ginaganyan, lalaki ako.”

“And? May sinabi ba akong bakla ka?”

“Baka nakakalimutan mo ‘yong gabing sinabihan mo akong bakla sa harap ng kuya mo.” Pinigilan kong matawa.

Oo nga pala, pero lasing naman si Kuya no’n eh, hindi siya makikilala niyon. Tsaka napagalitan na ako ng over protective kung kapatid, dinaig pa si daddy eh.

My god, I am 29 already and turning to 30 na nga eh tapos parang teenager kung protektahan? Fine, natural lang naman kasi nag-aalala siya sakin pero duh? Hindi talaga informed ang kuya ko na mas maharot pa ako sa pinsan naming si Kenshane kasi nga sa aming dalawa ako ‘yong hindi na virgin.

Pero isang lalaki lang naman ang hinaharot ko ‘no? Itong haduf na chairman lang na ito. Tsaka wala ako sa katinuan ko noong gabing iyo. Well, lasing o hindi, maharot talaga ako pero patago nga lang.

Huminto ako sa harap niya, ‘yong inch na lang ang pagitan ng mga katawan namin. Ipinulupot ko ang kamay ko sa leeg niya. Akmang hahalikan niya ako pero umilag ako. Palihim akong nangiti.

“Silly cat,” asik niya pero hindi ko siya pinansin.

Nanatili lang nakapulupot ang kamay ko sa leeg niya at inihilig ko ang ulo ko sa kanyang dibdib.

“Sinaktan ka ba na naman nila?”

Hindi ako umimik pero gumuhit ang eksenang nakita ko kanina bago pa ako pumunta dito.

“Good morning everyone.”

“Good morning Dean.”

“Ihahatid ko lang ang magandang dilag na ito,” aniya na ang tinutukoy ay si Rheanne, parang gusto kong tumakbo palabas o kaya naman ay magpalamon na lang sa lupa.

“Dean naman! Nandito si Kenya oh. Baka mamaya magselos ang isang ito,” pabiro pang saad ng isa sa co-lecturers ko.

“Oh, hi there Kenya.” Plastik ang ngiti niya na ibinigay sa akin habang ramdam ko ang titig nina Marci. Napsinghap ako at ngumiti rin, ngiting pang Romeo and juliet o kaya ay pang Titanic.

“Hello Dean,” malamya kong saad at nagkunwaring nagbabasa na lang. Tsaka ko nakita ang letrang S sa science book.

Tila awtomatik na sumagi sa isip ko si Stranger.

“Oh boy!” Naitili ko dahilan para mapatingin sila sakin. Kemeng ngumiti ako at mapasiring ng tingin kay Jelo na sakin din pala ang tingin.

“Hindi naman. Bakit? Porke't naglalambing ako sa Chairman ng MHIS ay sasaktan agad?”

“Well, yes? Yan kasi ang ibinigay mo na impression sakin,” aniya at nilaro-laro ang buhok ko.

“Hmmm, bukod doon ay meron pa ang pagiging SI diba?”

Pinitpit ko ang mukha niya at hinalikan, smack lang naman, bakit ba? Nakaka-attempt ang pinkish lips niya eh, ganda din ng mata niya, makapal na eye-lashes tsaka ang ganda ng korte ng kilay na mukha namang inborn.

Clear skin din ang haduf. Tsaka walang balbas o kahit anong buhok sa mukha.

Buhok? No! Erase it, pinky brainy.

Lalaki ba talaga ang isang ito? Kutis babae eh.

“Ano tapos ka na ba sa kaka-critic ng mukha ko?” Napasimangot ako at naupo sa sofa.

“Ilang taon ka na?” tanong ko sa kanya. Baka mamaya eh mas matanda pa pala ito sa akin eh. It’s a big no for me.

“30, turning to 31 na.”

“Ah, kasing edad mo ‘yong kuya Ashmer ko.”

“Why?”

“Wala, bawal magtanong?”

“Hindi naman.”

“Ikaw, may itatanong ka ba?”

“Wala, baka nakakalimuan mo, hawak ko lahat ng files ninyo.”

“So, pinag-aralan mo na ang pagkatao ko?”

“Yeah,” pag-aamin niya pa.

Well, isa na lang ang hindi mo alam, bukod sa trabahong ito ay secret agent din ako kasama ang iba pang GC agents sa nandidito rin.

“Umamin ka nga sakin,” asik ko.

“Anong aaminin ko?”

“Alam mo bang dito ako nagtatrabaho?” Naniningkit ang mata kong tanong.

Malakas ang instinct ko sa bagay na ito eh, hindi ko lang siya natatanong.

“Yes.”

“Kaya rin pa basta-basta ka na lang sumulpot dito New Chairman Mhinn?”

“Yes. Actually, ganito iyon,” aniya at mukhang magpapaliwanag talaga.

“Ano?”

“Appointed chairman lang ako kasi hindi ko pa naman tinatanggap na ako ang heiress ng lolo ko. And then, one time binuksan ko ang isang system ng Mhiss and then…”

“Nakita mo ang picture ko tapos nasabi mo oh holy water, ito ang maganda at pinaka hot kong naging ka ONS ah? Hmmm! Position accepted tapos kaya nandito na ngayon, tama ako diba?”

Nakanganga lang naman siya sa pinagsasabi ko pagkuway humagalpak ng tawa.

Ako naman ang napanganga. Ang gwapo niya lalo eh.

“Nasabi ko na Rin bang ikaw ang pinaka matalino kong nakilala ha?”

So, nahulaan ko nga?

“Hindi pa pero thanks kahit alam ko naman iyon pero mas matalino sakin si Marci pero sabi mo nga nakilala mo, hindi naman kayo close ng isang iyon, kaya pwede na din pero…”

“Ang adik mo sa salitang pero ah?”

Napangiti ako. Pansin ko nga din eh. Sagwa naman kasi kapag ngunit ang gagamitin ko diba?

“Wala bang salamat diyan?” nanunudyo kong saad.

“For?”

“Hello? Ako ang maganda at hotchie mong rason kung bakit niyakap mo ang kapalaran mong maging isang chairman ng pinakamagandang paaralan bukod sa FIS.”

Ang tinutukoy ko ay ang Fransciso International School.

“Yeah, thanks,” aniya at ninakawan ako ng halik. Sabi ko salamat lang eh.

Sus, Kenya usto mo naman eh.

“Social ha? Ang laki naman pala ng office mo.” Tumayo ako at sinipat ang kabuuan.

“Ano ang kwarto na ‘yan?”

“Bedroom.”

“Wow ka naman pala ah? Office may bedroom? Wag mong sabihin may shower room, kitchen at ibang ka-ek-ekan ka pa rito na sa bahay lang dapat ang meron?”

“Meron nga.” Natatawa niyang saad.

“Weh?”

“Pasok ka sa kwarto na ‘yan at makikita mo ang mga sinabi mo.”

Kaya ang laki ng espasyo nito kapag nasa labas ka tsaka prohibited din ang lugar na ito noong wala pang nag-o-occupy.

“Wag na, may kama eh,” pabiro ko pang saad.

Ayokong matukso ulit, gags!

“Ano naman?”

“Basta lang,” nakangisi kong saad.

Basta lang, sakin na lang iyon. Kikimkimin ko na lang kahit masakit. Zsss!

Lumapit naman siya sakin at yumakap mula sa likuran. “Wag malikot ang kamay ha? Pupututulin ko ‘yan.”

Natawa naman siya. “Wala pa nga eh.”

“Reminders po, manyak ka pa naman.” Hinalikan niya ang leeg ko.

Ito na ang simula ng karupukan natin Kenya!

“Willing ka namang magpamanyak.”

“Sayo lang naman eh.”

“Sakin lang talaga, bawal sa iba.”

“Kahit kay Jelo?”

Wait? No! No! Erase, bakit ba inaalala ko na naman ang haduf na iyon?

“Ken,” may banta niyang saad.

“Chos lang naman. Tsaka mas trip niyang manyakin si Rheanne, you know.” Parang ako lang din ang nasaktan sa sinabi ko, haduf.

Dahan-dahan niyang ipinasok yong kamay niya sa pencil cut na skirt ko.

“Stranger ha? Sasapakin kita,” banta ko sa kanya. Tumawa lang siya.

“I miss you eh.”

“Miss ka diyan. Dinaot mo na nga ako at lahat eh.”

“Hindi na, promise.”

“Fucking promises,” bulong ko at napabuntong hininga.

Ayaw talaga paawat. Nakagat ko nalang ang labi ko at napapikit.

I don’t wanna describe what he is doing with me right now, basta awtomtik na iyon na naglalandian kami.

Wag feeling innocent sa mga galawan ng boys, be ware sabi nga nila.

I moan skipped from my lips.

“D-ail…”

“Yes?” nang-aasar niyang tugon.

“Patingin nga ng kwarto mo dito.”

“May bed eh.”

“I don’t care,” asik ko at hinila na siya sa kwarto na sinasabi niya.

Minsan natutukso rin talaga tayo lalo pa at gwapo at macho ang nangtutukso. Pero wag akong gayahin dahil pariwara na ang buhay ko. Wala naman ng kabuluhan ang buhay ko dahil wala na din ang dahilan kung bakit ako nabubuhay.

Tsaka…

Haler? Babae lang po ako, tao lang, nagkakasala, nagiging… fine! Maharot.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status