Share

Chapter 27

SA ika-apat na pagkakataon ay nagising ako at msuli kong tiningnan ang alarm clock sa side table.

6:23 am, oras na para bumangon pero ayaw makisama ng katawan ko.

Nilingon ko ang katabing mahimbing pa rin ang tulog na akala mo ay sa kanya ang kama. Tinitigan ko nang mabuti ang pikit niyang mata.

“Gising na ba ‘to?” ang bulong. Muli na naman niya kasi akong niyakap.

Nagpalinga-linga ako sa kama at sahig. Saan ba napunta ang bolster nito at ako ang niyayakap? Kaya palagi akong nagigising, e!

Mabuti sana kung magaan ang kamay, e kaso, parang lagi akong sinisikmuraan sa sobrang bigat.

Dahan-dahan kong inalis ang kamay niyang nakayakap sa akin.

“Isa pang yakap mo sa ‘kin, tatadyakan na kita,” muli kong bulong.

Mayamaya pa ay hindi nakaligtas sa paningin ko ang palihim niyang pagngiti.

Sinasabi ko na nga ba! Gising na siya at nagtutulog-tulugan lang. “Hoy! Nakita ko ‘yun, ngumiti ka ngayon-ngayon lang, kaya bumangon ka na.”
Zxoul49

Hello, readers. Sorry sa matagal na update. Pero finally, mako-continue ko na ulit ito and hopefully, regular update na. For the past days, ay nangangapa ulit ako kasi parang nakalimutan ko kung pa'no magsulat(as in para akong bumalik sa dating pinag-aaralan ko pa pa'no bumuo ng novel). But don't worry, ngayon lang naman 'to kasi ang tagal kong hindi nakapagsulat. 'Yun lang, love you all.

| Like
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status