Nang makabawi sa pagkagulat, patakbo akong lumabas ng building para habulin sila. Ngunit huli na ako, nakaalis na sila. Mabilis kong kinuha ang cellphone ko at tinawagan si Tiburcio, pero cannot be reach iyon. Ilang ulit ko pa siyang tinawagan pero parehong boses lang ang sumasagot sa akin.Dali-dali akong lumapit sa sasakyan ko at pinaharurot iyon pauwi sa bahay. Para akong nakikipag-karera sa bilis ko magpatakbo. Mabuti na lang at hindi masiyadong traffic kaya nakauwi agad ako.Hindi ko na inayos ang pagkaka-park ng kotse ko. Kinuha ko lang ang susi nun at pumasok na. Humahangos pa ako habang hinahanap ng mata ko si Tiburcio."Ashlee!" sigaw ko habang nililibot ang buong sala papunta sa kusina. "Tiburcio!"Mas lalong tumindi ang kabang nararamdaman ko nang wala akong makitang tao sa sala man o sa kusina.&n
KHEENE'S POVSobrang init ng panahon kaninang umaga, kaya hindi namin inaasahan na uulan ngayong hapon. Napapanood ko mula sa glass wall nitong opisina ko kung gaano kalakas ang pag-buhos nito. Tuloy ay inaantok ako dahil nakadagdag sa lamig ng aircon ang hangin na nang-gagaling mula sa labas.Katatapos lang ganapin sa isang restaurant—na malapit lang dito sa kumpanya—ang maliit naming celebration kasama ang ibang board members. Mas lalo kasing naging mabenta ang bago naming produkto sa mga market sa dalawang linggong nakalipas. Ang laki ng naidulot nun sa kumpanya namin ngayon, kaya naisipan ni papa na magkaroon ng maliit na salo-salo para ipag-diwang ito.Dalawang linggo na rin ang nakalipas pero hindi ko pa rin nasasabi kay Tiburcio ang tungkol doon. Kating-kati na nga ang dila ko na sabihin iyon sa
"A-Akala ko kanina mamamatay na 'ko. Akala ko hindi na ulit kita makikita. Takot na takot ako kanina, Tiburcio..." Mahinang sabi niya at mas lalo pang hinigpitan ang pagkaka-yakap sa akin, "hindi pa ako handang mamatay. Gusto pa kitang makasama ng matagal. Gusto ko pang maranasan na mapag-silbihan ka ng mataga—" Mabilis akong humiwalay sa kaniya dahilan para matigil siya sa pagsasalita. Gulong-gulo ako sa mga pinagsasasabi niya. "Ano ba 'yang pinagsasasabi mo, Cuenco? Bakit, sinusundo ka na ba ni San Pedro kaya ka nagkaka-ganiyan?" Sunod-sunod na tanong ko sa kaniya, umiling naman siya. "Nasagasaan ang kotse ko kanina ng isang bus. Mabuti na lang at yung likod ng kotse ko ang napuruhan. Kaya ko natagalan sa pag-dating dito kasi nakipag-usap pa ako dun sa driver tungkol sa mga daniyos na natamo ng pareho naming sasakyan..."
ASHLEE'S POV"Sophie?"Tawag ko sa pangalan niya nang makalapit ako. Nag-angat naman siya ng tingin habang namumungay pa ang kaniyang mga mata at nang-aakit na ngumiti sa akin. Nagsalita siya."A-Ashlee... Nandito k-ka na..." Mabagal na pagkaka-sabi niya. Halatang lasing."Anong ginagawa mo dito? Gabing-gabi na ah?" Takang tanong ko.Tumayo naman siya mula sa pagkaka-upo sa hagdan, tapos bumaba para tuluyang makalapit sa akin. Ngunit, pahakbang palang siya ay agad na siyang gumewang dahilan para ma-out-of-balance siya. Mabilis naman akong naka-kilos para saluhin siya, tuloy ay napa-yakap siya sa akin."Hey, okay ka lang ba? Ano bang nangyayari sa 'yo?" Sunod-sunod kong tanong kay Sophie habang inaayos siya ng tayo."A-Ash... B-Balik ka na sa 'kin.
ASHLEE'S POV Nang makalabas ako sa kwarto ni Cuenco, agad akong napa-sandal sa pader sa tabi ng pinto. Napa-hawak ako sa aking kaliwang d****b kung nasaan ang puso ko. Ang bilis na naman ng tibok nito. Muli akong napatingin sa pinto-na parang tatagos doon ang tingin ko at nakikita ko si Kheene sa loob. Hindi pa nga ako nakaka-move on sa mga sinabi niya sa akin kagabi, pero heto na naman siya't nagsisimula na naman akong guluhin. Humugot ako ng malalim na buntong-hininga saka umayos ng tayo. Sakto naman na kalalabas lang ni Sophie sa kwarto ko. Suot niya na uli ang dress niyang suot niya kagabi. "A-Ash, p-pwede ba tayong
ASHLEE'S POVTatlong araw na ang lumipas mula nang pumayag ako na makipag-balikan ulit kay Sophie, pero hanggang ngayon pinag-iisipan ko pa rin kung tama ba yung ginawa ko.May part kasi sa akin na nag-sasabing tama lang iyon dahil iyon naman talaga ang gusto ko, ang babae. Dahil lesbian ako, babae dapat ang gustohin ko.Pero may isang part din sa akin na nag-sasabing sobrang mali no'n kasi may asawa na ako, si Kheene. Alam kong masasaktan siya kapag nalaman niya ang tungkol sa amin ni Sophie pero......gusto kong subukan yung sarili ko. Gusto kong malaman kung na-aattract pa rin ba ako sa babae o pinipilit ko na lang bang sabihin sa sarili ko na babae lang dapat ang gustohin ko.Ngunit paano si Kheene? Ayoko rin siyang saktan pero...
Dali-dali akong tumayo at hinila si Sophie papunta sa kusina. Sa back door ko siya padadaanin, hindi siya pwedeng dumaan sa harap dahil makikita siya ni Cuenco doon."Wait-teka! Ba't ba bigla-bigla ka na lang nanghihila? Hindi ka pa naman tapos kumain ah?" sunod-sunod na tanong niya, pero hindi ko siya kinibo. Tuloy-tuloy lang ako sa papunta sa kusina at hindi siya sinagot."Ashlee-""Dumating na si Kheene. Kailangan mo na umalis!" singhal ko sa kaniya at binuksan ang backdoor, diretso kaming lumabas.Hinila ko pa siya palayo sa bahay bago siya bitawan. Nakahinga ako ng maluwag nang makitang malayo kami ng kaunti doon. Hinarap ko si Sophie na ngayon ay gulong-gulo sa ginawa ko."Umuwi ka na, bukas na lang tayo mag-usap." Iyon lang ang sinabi ko at akmang tatalikuran na siya nang bigla niya '
ASHLEE'S POVFrom: +639****4046Meet me at Bean's Café at 3. I'll wait you there babe. See you😘Replied: Coming."Sino 'yan?"Mabilis ko tuloy napatay ang cellphone ko at nilingon ang demunyong bigla-bigla na lang nagsasalita sa likod ko. Suot ang kaniyang sando at boxer na pinantulog niya pa kagabi, nakapamaywang siya sa likod ko habang hawak-hawak ang isang mug ng kape. Nakakunot ang noo niya habang pabalik-balik ang tingin sa akin at sa cellphone kong nakapatay na."Tiburcio...""K-Kanina ka pa ba d'yan?" Nauutal na tanong ko.&nbs