Okupado ang lahat ng manggagawa sa kanya-kanya nilang ginagawa. Dumating ang may-ari at tinawag nito lahat ng mga empleado niya.
"Tumigil na muna kay sa ginagawa niyo, please lend me your ears for a second. May mahalagang bagay lang akong sasabihin sa inyo." Paunang sambit ng may-ari sa kanyang mga trabahador.
"Mamayang-gabi iniimbitahan tayo sa isang engrandeng party ng isa sa pinakamayaman dito sa syudad. Ang restaurant ko ang kinuha nilang mag assist ng kanilang mga bisita at kayo ang magcacater sa kanila. Kaya ngayong araw wala na muna tayong papapasukin na customer at dapat maghanda kayo ng mga masasarap na pagkain para mamaya. May inassign na ako para magdecorate sa loob ng restaurant na ito. Maliwanag ba?"
"Yes, sir." Sabay saad ng mga empleado.
"Yan na lang muna sa ngayon at kayo ay maghanda na. Ang party na ito ay mahalaga sa taong nag imbita sa atin. Sige balik na sa trabaho." Saad ng may-ari at umalis na sa harap ng kanyang mga trabahador.
Nagbulong-bulungan naman ang mga empleado kung kaninong party iyun. Pati si Celeste ay tinanong din niya sa sarili kung kanino iyun. Bumalik na ang lahat sa trabaho at ang mga chef ay ginawa nila ang lahat para maging masarap ang niluto nilang pagkain. Ang iba naman ay inihanda ang mga platong gagamitin mamaya para sa event. Busy ang lahat para sa gagawing party mamaya at wala silang sinayang na segundo para hindi magawa ang kanilang kailangang gagawin.
*****************
"Congratulation babe, mamaya na ang victory party mo. You deserve all this. You are now a wealthy man." Saad ng kasintahan nito sa kasintahan niyang lalaki at sabay halik sa pisngi ng lalaki.
"Yes babe and thank you. Dahil nandiyan ka palagi para suportahan ako." Saad ng lalaki.
"You're welcome babe, are you excited for tonight's event?"
"Yes, I'm very much excited." Tugon naman ng lalaki.
**************
Habang busy si Celeste sa ginagawa niya ay biglang nagring ang telepono niya. Kinuha niya ito sa bulsa ng uniporme niya at sinagot.
"Hello po inay, nasa trabaho po ako."
"An-nak ang ta----ta -y m-o."
"Ano po inay putol-putol po yung boses niyo. Sandali lang po lalabas muna ako saglit."
Tumayo si Celeste at nagpaalam sa kasamahan niya na sasagutin muna ang tawag galing sa kanyang ina.
"Inay, okay na po. Ano nga po ulit yung sasabihin ninyo?"
"Ang tatay mo anak, umuwi."
"Oh umuwi naman pala bakit parang ang lungkot ng boses mo?"
"Umuwi nga siya anak galing trabaho sa ibang bayan pero may sakit siya at malubha na ang kalagayan ng ama mo. May tuberculosis ang tatay mo anak at kailangan na natin siyang ipaospital. Baka mapadalhan mo kami ng pera." Umiiyak na sambit ng ina ni sa kanya.
"Inay, hindi pa po araw ng sweldo namin ngayon. Sa makalawa pa po, pero huwag kayong mag-alala gagawa ako ng paraan. Huwag na kayong umiyak. Makakasama mo pa ng matagal si itay." Saad ni Celeste sa kabilang linya.
"Maraming salamat anak."
"Inay, kumusta po si Stacey? Okay lang ba siya."
"Okay lang siya anak, binabantayan niya ngayon ang kanyang lolo."
"Ganon po ba. Sige ho babalik na ako sa trabaho baka hinahanap na ako dun."
"Sige anak, maraming salamat sayo."
Natapos ang tawag at dali-daling bumalik si Celeste sa loob. Balisa siyang gumagawa ng mga gawain niya.
"Celeste, anong nangyari sayo hindi diyan ilalagay ang mga plato. Doon mo ilagay." Saad ng kasamahan niya.
"Ahh sorry, diko napansin."
Inilagay ni Celeste ang plato sa may aparador pagkatapos nila itong punasan at tulala pa rin siya.
"Ouy! Celeste anong nangyari sayo? Kanina kapa ganyan simula nung bumalik ka dito. Ano ba kasing nangyari sa tawag ninyo ng magulang mo?"
"Si tatay kase may sakit, kailangan ko ng pera. Pero di pa ako makakapadala kase sa makalawa pa ang sahod natin. Anong gagawin ko, Jasmine. Malubha na daw ang sakit ng itay." Malungkot niyang sabi.
"Gusto mo tulungan kitang mag-advance ng sahod mo?"
"Pwede ba yun?"
"Oo naman, minsan ko na rin yun ginawa nung may emergency din sa amin. Mabait naman ang amo natin kaya okay lang yun."
"Sige, salamat talaga."
"Tatapusin muna natin to. Bago tayo pumunta sa opisina ng may-ari. Okay ba sayo yun?"
"Oo naman, sige bilisan natin."
Pagkatapos ng trabaho nina Celeste ay agad silang dumiretso sa opisina ng may-ari. Pumasok na sila at binati nila ang may ari ng magandang araw.
"Tuloy kayo, anong atin? Importante ba ito?"
"Sige na Celeste sabihin muna." Saad naman ni Jasmine.
"Ano iyun, Celeste? Tanong ng may-ari."
Nagdadalawang isip na sabihin ni Celeste kung anong pakay niya kaya si Jasmine na lang ang nagsabi nito sa amo nila.
"Gusto po kasing mag advance ng sahod ni Celeste dahil kailangan niya pong mapadalhan ng pera ang mgulang niya na nasa probinsya dahil may sakit ang tatay ni Celeste at malubha na po ito sir."
"Ahh ganon ba. Oo naman, approachable naman akong tao Celeste at tsaka wag kang mahiyang sabihin sa akin kapag kailangan mo mag advance ng sahod mo." Sabi ng amo nila sabay ngiti sa kanila.
"Maraming salamat po."
"Oh ito, ipadala mo na yan kaagad sa magulang mo."
"Maraming salamat po talaga Mr. Sanchez Malaking tulong po ito sa aking pamilya."
"Oh sige na balik na kayo sa trabaho."
"Sige po."
Umalis na sina Celeste sa opisna na iyun at masayang nakangiti ang mga labi ni Celeste dahil sa wakas may pera na rin siyang maipapadala ng kanyang pamilya sa probinsya."
"Oh diba, sabi ko sayo. Mabait ang amo natin." Saad ni Jasmine, pagkalabas nila ng opisina.
"Oo nga at maraming salamat sa iyo." Ngiting sabi ni Celeste kay Jasmine.
******************
Dumating na ang gabi at handa na ang lahat. Hinintay na lang nila ang pagdating ng bisita.
Makalipas ang 30 minutes ay nag umpisa ng magsalita ang host.
"Magsiayos na ang lahat dahil dumating na ang isa sa pinakamayamang tao sa buong syudad. Let's help me welcome the arrival of our visitor. Mr. Noah Garcia."
Nagpalakpakan ang lahat ng mga bisita at parang nabingi si Celeste sa narinig niyang pangalan na siyang dahilan upang mabitawan niya ang tray na puno ng baso.
Umalingawngaw sa buong silid ng restaurant ang pagkabasag ng mga mamahaling baso mula sa kamay ni Celeste na siyang dahilan upang makuha niya lahat ng atensiyon ng mga bisita.
Nagkatinginan silang dalawa habang nakatayo si Noah sa red carpet niyang nilalakaran patungo sa harapan.
Dali-daling umiwas ng tingin si Celeste at kinuha ang mga nabasag niyang baso at diretsong pumunta sa kusina na may kaba sa kanyang dibdib.
"Sorry for that interruption. May we continue our events? Sir Noah come on here on stage." Saad ng host.Nagpatuloy si Noah sa paglalakad na balisa pero pilit niya iyun tinatago sa kanyang mga ngiti. Tinatanong niya ngayon sa kanyang sarili kung si Celeste ba iyun ang nakita niya o hindi, pero pilit niyang kinalimutan iyun dahil baka kamukha lang ni Celeste ang nakabasag ng mga baso kanina lang. Bago siya tumuntong sa stage may isang waitress na nagbigay sa kanya ng wine. Nang nasa harap na siya ng mga tao ay ngumiti siya ng napakalaki dahil sa tagumpay na kanyang nakamit ngayon at tuluyan na ngang nawala sa isipan niya ang nangyari kanina.Ibinigay naman ng host mga micropono at ngayon naman ay siya na ang magsasalita, "Magandang gabi sa inyong lahat, salamat sa inyong pagpunta. Sana maenjoy ninyo ang gabi na kasama ako. Cheers!""Cheers!" Sambit naman ng lahat at nagpalakpakan.Nagpatuloy ang party at sobrang nag-enjoy ang lahat habang si Celeste na nasa kusina ay hindi mapakali. P
Nanginginig, nangangatal ang mga labi ni Celeste ng magtagpo ang kanilang mga mata, at hindi na alam kung ano ang kanyang sasabihin kaya diretso na lang siyang tumalikod mula kay Noah. "Sandali, kinakausap pa kita." Saad naman ni Noah sabay hawak ng kanyang mga braso."Wala na tayong dapat pag-usapan pa matagal mo na akong iniwan." Galit na sambit ni Celeste."Gusto lang kitang kumustahin." Ani niya."Okay lang ako, at bumalik kana doon baka hinahanap ka na ng iyong kasintahan.""Nagpaalam ako sa kanya na may pupuntahan ako.""Umalis kana dito marami pa akong gagawin.""Bibigwasan ko talaga ang lalaking ito kapag di siya umalis. Tatadyakan ko yang ari niya." Bulong ni Celeste sa sarili niya."Sandali lang, gusto ko lang sabihin sayo na hindi ko pinagsisihan na iniwan kita sa altar, kita mo naman ako ngayon isa na akong mayaman na lalaki." Hambog niyang pagkasabi."Oo nga naman, habang kami ng anak mo naghihirap at ikaw ay nagpapakasarap! Umalis kana bago pa kita masampal ng very hard
Umaga na at naghahanda na si Manang Lily para sa trabaho at napagtanto niyang hindi pa gumigising si Celeste kaya pinuntahan niya ito sa kanyang kwarto. "Celeste gising na, papasok pa tayo." Tapik ni manang Lily sa balikat ni Celeste. "Manang Lily hindi na muna ako papasok ngayon, masama ho ang pakiramdam ko." "May lagnat ka ba?" Hinawakan ni Manang Lily ang noo ni Celeste at napagtanto niyang hindi naman siya mainit. "Wala ka namang lagnat ahh, bakit ayaw mong pumasok?" Bumangon si Celeste at nagsalita, "Ayoko pong pumasok dahil baka makita ko po ulit siya doon." "Sino?" Tumingin si Celeste kay Manang Lily at huminga ng malalim bago nagsalita, "Ang ama po ng anak ko." "Nagkita kayo? Kailan?" "Kahapon po sa event," Tipid na sagot ni Celeste. "Sino dun?" tanong ni Manang Lily na ngayon ay naging osyoso ang mukha. "Si Noah Garcia ho siya ang ama ng anak ko." Napasinghap si Manang Lily dahil sa gulat at tinakpan niya ang kanyang baba na parang di makapaniwala sa sinabi ni Celest
Napabalikwas ng bangon si Celeste dahil sa lakas na tunog ng kanyang telepono na hudyat na may tumatawag sa kanya. Agad niya itong kinuha at sinagot ang tawag, "Inay ang aga pa po bakit ho kayo napatawag?" "Anak," Umiiyak na sambit ng ina ni Celeste. "Inay, ano pong nangyari," Tugon niya at napatayo dahil sa labis na pag-alala sa ina. "Anak, dumating si Noah rito kanina at kinuha ang anak ninyo," Hikbi ng ina na siyang nakapanghina ni Celeste. "Inay, alam ko na po na ito ang mangyayari, kaya hinanda ko na po ang sarili ko. Kasalanan ko po ang lahat ng ito, kaya huwag kayong mag-alala babawiin ko ang anak ko. Hahanapin ko siya kahit saang lugar pa iyan." Matigas na sambit ni Celeste. "Anak, patawad kung wala akong nagawa sa pagpigil sa kanya, nagkakagulo na kanina at hindi ko na alam anong gagawin ko." "Okay lang po iyon inay, alam niyo ba saang lugar niya dinala ang anak ko?" "Pasensiya na anak pero hindi, sobrang miss na miss ko na ang apo ko. Paano pag hindi niya ibinalik ang
"Name your price at makakauwi kana," sambit ni Noah na para bang gusto siyang lunurin ni Celeste sa sarili niyang swimming pool na nasa tapat lang nila dahil sa galit nito sa kanya. Parang nag echo talaga sa tenga ni Celeste yung nakakagigil na sinabi niya na animo'y mabibili niya ng pera ang anak ni Celeste."Sa tingin mo mabibili mo ang anak ko? Hindi mabibili ng pera ang buhay ng anak ko, kaya mas mabuti pang ibigay mo na siya sa akin!" Inis na sambit ni Celeste habang nagsalubong ang kanyang dalawang kilay."Diba may sakit ang ama mo na hanggang ngayon ay nasa ospital parin? Matutulungan ka gamit ng pera ko," Sambit ni Noah na mas lalong ikinainis ni Celeste.Makakaya kong bayaran ang lahat ng bayarin sa ospital, alam mo kung ano ang hindi ko kaya? Yun ay ang pagnakaw mo sa anak ko, ededemanda kita!""Go, you can do whatever you want? Pero anong magagawa mo? Wala kang pera!" Mahinang boses pero mariin ang pagkakasambit niya kay Celeste.Gustuhin man na umiyak ni Celeste sa harapan
Umiiyak si Celeste habang nilalakbay ang daan tungo sa sakayan ng taxi. Napakasakit sa balat ang sikat ng araw at heto siya sa daan umiiyak at walang pakialam sa mga nakakita sa kanya na umiiyak siya. Habang binabagtas niya ang daan ay may humintong puting sasakyan sa harapan niya. May taong lumabas rito at iniluwa nito ang lalaking nakilala niya sa plaza nitong mga nakaraang araw. "Hi, bakit ka umiiyak?" Tanong ni Raven sa kanya."Wala to bakit ka naparito at anong kailangan mo sa akin?""Nakita lang kita, nandiyan lang ang bahay namin o," itinuro pa ni Raven ang bahay nila gamit ang nguso niya."Gusto mo bang ihatid na kita sa pupuntahan mo? Promise wala akong masamang gagawin sayo." Pagpapaliwanag niya."Sure ka diyan ha, pero sige na nga ihatid mo na ako sa pinagtatrabahuan kong restaurant baka malate pa ako."Natawa na lang si Raven dahil sa pinapakitang ugali ni Celeste dahil habang umiiyak nito at kaya pa niyang siguraduhin na ligtas siya kay Raven.Pinagbuksan naman ng pinto
Nakatingin ngayon si Celeste sa binigay ni Raven na calling card na ngayo'y nasa kanyang kamay at nag-iisip kung hihingi ba siya ng tulong mula sa lalaki. Pagkatapos nilang kumain ni Jasmine sa Karinderya ay diretso na siyang umuwi. Iniisip niya ngayon ang sinabi sa kanya ni Jasmine na muli siyang mag-aaral para makapagtapos at bawiin ang anak niya mula kay Noah kung magtagumpay siya sa tatahakin niyang landas. Mahirap sa kanya dahil may sakit ang kanyang itay. Hindi naman niya gusto na iasa lahat kay Jasmine dahil sabi nito na tutulong siya sa pagpapaaral sa kanya at sa lahat ng bayarin sa skwelahan at kung ano ano pa. Kaya napaisip siya ngayon kung itutuloy niya ba ang plano niya na iyon dahil sa hirap na rin ng buhay sa syudad ay kakayanin niya pa bang mag-aral sa kabila ng lahat ng paghihirap na dinanas niya ngayon at sa kanyang pamilya. Hawak-hawak ni Celeste ang calling card na may nakalagay na number ni Raven doon. Pabalik-balik siya ng lakad sa sala kung ano ba ang kanyang
Umaga na at naghahanda na si Celeste upang makipagkita siya kay Raven. Ngayon ang araw na magpapatulong siya kay Raven upang makahanap ng eskwelahan na mapapasukan. Lumabas na siya ng bahay at nagpaalam na kay Manang Lily na umalis. Naglalakad-lakad muna siya bago makanap ng masasakyan patungong plaza.Maya-maya pa ay may huminto na sa kanyang harapan na taxi. Agad naman siyang sumakay dito ay naaalala niya na ito pala ang driver na pinipilosopo siya nung nakaraan. "Saan po tayo ma'am?" "Sa plaza kuya," mahinahon niyang pagkasambit."Hindi na po ba kayo nagmamadali?" Tanong ng driver at napagtanto ni Celeste na hindi pa pala ito nakakalimot noong nakaraang araw na pini pilosopo siya nito."Hindi po kuya sige bagalan niyo lang,"Nakinig naman ang driver sa utos niya. Napasampal na lang sa noo si Celeste dahil sa kabobohan nitong driver."Kuya pakibilisan na lang po,""Bakit ma'am?""Basta wala ng maraming tanong!""Galit po kayo?""Hindi kuya!""Bakit kayo sumisigaw?""Ganito yung r