Share

KABANATA 53

EYA

10 YEARS AFTER...

MALAKAS siyang napasinghap sabay balikwas ng upo. Hindi niya akalain na mapupuruhan siya ni Niran dahil sa pagtarak nito sa dibdib niya. Bumungad agad sa kanya ang mukha ni Ebo na seryosong nakatunghay sa kanya.

"Mabuti at nabuhay ka pa uli, muntik na kitang gawin panggatong e," sarkastikong saad nito. Subalit hindi niya pinansin ang sinabi nito, mas nakaagaw nang pansin niya ang isang magandang bata na may mahabang buhok, berdeng mata at may hawak na malaking taong manika.

Nakita niyang nagtago ito sa likod ni Ebo na para bang natakot bigla sa kanya. Nagtaka siya kung sino ang batang iyon? Tumikhim si Ebo at hinawakan sa balikat ang batang babae.

"Hindi mo naman siguro nakalimutan may anak ka di'ba? o, gusto mo ipaalala ko pa sa'yo?" pagsusungit na sambit ni Ebo.

Nanlaki ang mga mata niya. Nagtatakang napatingin siya kay Ebo. Nagtatanong ang kanyang mga tingin.

"Sa

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status