55"Ano ba! Umayos ka naman! 'Pag ikaw talaga nahulog, ewan ko nalang ha!"Hindi ko alintana ang ngalay at init ng araw. Basta nakatingala ako habang pinapanood ang bawat galaw ni sir sa pag-akyat niya. Hindi ko alam kung nakakatulong ba itong pagsigaw-sigaw ko pero hindi ko kasi maiwasan na mag-alala. Ang taas-taas kaya nang inaakyat niyang puno ng niyog. Hindi naman siya sanay sa gano'ng gawain tapos pumayag siya."Hayaan mo na." Hinawakan ako sa balikat ni Tiya. "Huwag kang sigaw nang sigaw baka mas lalong mahulog 'yan."Sumimangot ako. "Tiyang naman kasi, e. Ang dami namang pwedeng utusan bakit si sir pa? Hindi naman po 'yan sanay sa ganiyang gawain, e.""Wala akong kasalanan, Jossa, ah?" Aniya na nagtaas pa ng dalawang kamay. "Siya iyong nagpresinta na umaakyat. Hindi ko siya pinilit."Sumimangot lang ako at muling tumingala sa kung nasaan si Tyson. Ilang minuto rin siyang nandoon sa itaas bago siya nakakuha ng isang niyog. E, kailangan ni tiyang ng tatlong niyog kaya hindi siya
56"May problema ba sa 'kin ang amo mo?" Bulong ni Adrian habang nagliligpit kami.Kanina pa kami natapos sa pagkain. Ako at si Adrian ang nagpresinta na mag-ayos habang ang iba ay pumasok na sa loob ng bahay nila tiya. Si tiya at Tyson naman ay nasa may bungad ng pinto nitong likod-bahay at may kung anong pinag-uusapan. Nilingon ko ang gawi nila. Hindi naman nakatingin sa amin si tiya ngunit bakit nasa amin ang mga titig ni Tyson?"Ha? Bakit?" Nilingon ko ulit si Adrian na abala na sa pagpapatong-patong ng mga ginamit namin na monoblock. "Anong sinasabi mo riyan?""Kanina pa kasi masama ang mga titig niya sa 'kin." Tumingin siya sa akin. "Baka naman may masama kang kinuwento sa kaniya tungkol sa akin, ah?"Natawa naman ako. "Sira ka. Wala, ah! Hayaan mo lang siya. Ganiyan talaga 'yan." Nagpokus ako sa pagtupi ng kurtina na ginamit namin kanina panapin sa may lamesa.Napansin kong lumapit ang mga paa ni Adrian sa akin kaya napaangat ang tingin ko sa kaniya."Bakit?" tanong ko.Tumitig
57THIRD PERSON'S POINT OF VIEW:Naging maganda ang pagsasama at buhay nila Jossa at Tyson. Kung may oras si Tyson ay lalabas sila at maggagala. Date kumbaga. Minsan ay kasama ang dalawang bata na sila Tina at Tj. Pero most of the time ay silang dalawa lang. Nag-eenjoy silang dalawa habang kasama nag isa't isa na hindi nila namalayan ang panahon at ang paligid. Hindi lubos maipaliwanag si Jossa ang kasiyahan na nararamdaman niya tuwing kasama si Tyson. Maraming bagay ang nagbibigay dahilan para mas lalo siyang mahulog sa lalaki Gano'n din si Tsyon. Maraming mga galaw, gawain at salita ang ginagawa ni Jossa para mas lalo siyang mahulog sa babae.'Tila umaayon ang tadhana sa dalawa.Ngunit nitong nagdaan araw, nagkaroon ng pagbabago kay Jossa. Pansin iyon ng mga kasama niya sa bahay, maski ng dalawang bata at ni Tyson ay pansin iyon. Ngunit hindi lamang nila pinupuna. Katulad na lamang ngayon, nagsusuka na naman siya. Ilang araw na siyang nagsusuka sa hindi malaman na rason. Hindi rin
58TYSON'S POINT OF VIEW:"How is she, doc? Is she okay? Any problem?"Doctor Hernan, our family doctor, removed his telescope and looked at me."She's fine.""Pero bakit po siya nagsusuka, doc?" biglang tanong ni Mel na nasa gilid ko lang. She's been there since I came. "I-ilang araw na po kasi, doc... Nag-aalala na po kami.""Hmm..." Doctor Hernan nodded before looking at me. "It's normal." He then smiled at me. "Congratulations, Ty.""Why?" I'm confused. What does he mean by that? "Congratulations for what?"His smile grew wider. "She's pregnant and you're supposedly the father, am I right?"What?I looked at Jossa. She's still unconscious and lying on the bed. Even though she's sleeping, she still look beautiful. Gandang hindi ko pagsasawaan. Lalo na ngayon na may dinadala siya. "R-Really?" I asked but deep inside I am happy to the core. This is special! We have a baby!Nodded, Doctor Hernan smiled and walked towards me. He then gave me a hug and taps my back."You're going to b
59KINABUKASAN. Hindi labis maipaliwanag ang saya na naramdaman ko nang sabihin sa akin ni Tyson na magkakaanak na kaming dalawa. Kitang-kita ko rin sa mukha niya kung gaano siya kasaya na magkakaanak kaming dalawa. Sobrang saya ko! Kaya hindi ko maiwasan na tawagin si tiya Joan at tiya Lorna para ipaalam ang magandang balita na ito. "Bakit hindi ko pa sila nakikita, Mel?" tanong ko kay Mel. Sabi niya kasi ay sabay niyang tatawagan sila tiya. Hindi ko alam paano niya gagawin iyon kaya hinayaan ko siya. "Teka lang hindi pa kasi nila sinasagot." Sabi niya at may kung anong kinalikot sa cellphone. "Ayan na!" Napadungaw ako sa cellphone at nakita ang mga mukha nila Tiya. Tumabi naman si Mel at hinayaan ako. Tinignan ko naman ang mga mukha nila tiya sa screen. Medyo nag-la-lag kaya halos ilong at noo nga lang ang kita ko, e. Siguro sobrang lapit nila masyado sa camera. "Ano ba ito?" dinig kong tanong ni Tiya Lorna. "Anong mayroon? Hijo, tulungan mo nga ako. Paano ulit ito." May narini
60Ilang buwan na ang nakalipas at kitang-kita na ang pagbubuntis ko. Malaki na ang tiyan ko na para akong may kinain na bola na hindi natunaw. Parati nga akong inaasar nila Mel at Manang na baka kambal daw ang dinadala ko kasi sobrang laki raw ng tiyan ko. Kung totoo man iyon mas sasaya siguro ngunit hindi. Isa lang ang baby ko at sapat na iyon sa akin at kay Tyson."Are you ready?" tanong sa akin nang kababalik lang na si Tyson. Galing kasi siya sa loob ng mansion ng maiwan niya ang susi ng kotse niya. Ako naman ay nakaupo na rito sa loob ng kotse."Oo, ang tagal mo naman." Inip na sabi ko. Pumasok siya ng sasakyan at sinuot ang seat belt. "Sorry, darling." Sambit niya at pinaandar ang sasakyan. "Didiretso na ba tayo para mamili ng gamit ng anak na'tin pagtapos na 'tin kay doc?" tanong ko habang nasa biyahe kami. Saglit niya akong tinignan at tumango. "Yes, darling. Today, we will know what are baby's gender. Are you excited?"Ngumiti ako at saka tumango. "Oo naman 'no! Ano kay
61CECILLE’S POINT OF VIEW:Naalimpungatan ako nang tumunog ang cellphone na nasa gilid lang ng ulo ko. Huminga ako ng malalim nang makita kung sino ang tumatawag. Hindi ko alam sa sarili ko kung bakit hindi ko na magawa sagutin ang tawag ni Ma’am Ana.Ilang beses niya na akong tinawagin mula noong nakaraang araw pa ngunit hindi ko magawang sagutin. Bukod sa abala ako sap ag-iisip sa kapatid ko ay wala na akong alam na rason bakit hindi ko siya magawang sagutin at kausapin. Pagod na ang isip ko kakaisip kung paano ko matutulungan ang kapatid ko sa sakit niya. Kung pwede lang ilipat sa akin ang sakit niya ay matagal ko nang ginawa para hindi na siya nahihirapan pa.“Ate…”Mabilis akong umayos ng upo at tumingin sa kagigising lang na katapid ko.“B-Bakit?” kabadong tanong ko. “May gusto ka ba? May masakit? Ano?”Umiling naman siya at pinilit ang sarili na ngumiti. Sumikip ang dibdib ko sa nakikita. Hinang-hina na siya. Alam kong nahihirapan na isya. Alam kong tinitiis niya ang sakit dah
62"Anong mayroon? Bakit parang nagkakagulo kayo na ewan?"Natigilan si Mel at agad na tinago ang hawak niya. Sinubukan ko naman tignan kung ano iyon ngunit mas lalo lamang niya itong tinago. Nagtataka namang tinignan ko siya ngunit nginitian niya lamang ako."A-Ano ka ba!" Tumatawa na sabi niya ngunit bakas doon ang kaba. "Wala naman kaming ginagawa, ah? Alam mo kumain ka nalang ulit diyan, ha? Sandali lang at ibibigay ko lang ito kay Manang." Mabilis siyang tumakbo palabas.Sinundan ko naman siya ng tingin habang nagtataka pa rin sa kilos niya. Hindi ko alam kung anong mayroon at para silang may ginagawa na hindi ko dapat malaman. Kanina si Joshua ay kakaiba rin ang kilos. Gano'n din si Manang. Pati nga kanina paggising ko ay nagulat ako dahil binati ako nito na hindi ko naman alam ang rason.May okasiyon ba na hindi ko alam?Umupo nalang ulit ako at bumalik sa pagkain. Ilang beses pa sila nagpapalit-palit. Lahat sila ay binabati ako at agad ding umaalis. Ano bang ginagawa ng mga ta